Maja Salvador feels stronger after losing her dad

by Nerisa Almo
Dec 2, 2007
Maja Salvador remembers her Daddy Ross's comment about her show Pangarap na Bituin. She narrates, "Sabi niya [Daddy Ross], ‘Ano ba yung character mo doon sa Pangarap, ang bakla-bakla mo na.' Kasi palabiro rin yung Daddy ko, e. Sabi niya, ‘Maganda, at least hindi ka pinapabayaan ng ABS-CBN.'

Sa unang pagkakataon ay lumabas na sa publiko ang dalagang aktres na si Maja Salvador ilang linggo matapos ang pagkamatay ng kanyang ama na si Ross Rival.

Matatandaan na naibalita dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) ang pagkamatay ng dating character actor na si Ross sa sakit na prostate cancer noong November 16. Halos matagal ding hinanap ni Maja ang kanyang ama pagkatapos mawala ang kanilang komunkasyon sa isa't isa.

Apat na taon na ang nakalilipas nang muling makita ni Maja ang amang si Ross. Ngunit matindi na ang lagay ng kanyang ama noon kaya naman tuluy-tuloy na rin ang pagtulong ng batang aktres sa pagpapagamot ni Ross. Huling nakita ng publikong magkasama sina Ross at Maja nang mag-debut ang huli noong nakaraang taon.

Sa live interview ng Entertainment Live kahapon, December 1, bakas pa rin kay Maja ang lungkot sa pagkawala ng kanyang ama.

Bagamat masakit ang nangyari, ayon kay Maja, kahit papaano ay pinipilit na lamang nilang magkakapatid na maging masaya. Aniya, "Ngayon parang okay na kasi alam ko naman na happy na si Papa. So parang yung Dad ko parang ayaw niya rin kaming magkakapatid na malungkot so inaano na lang namin na okay na kami."

Continue reading below ↓

Ayon kay Maja, marami raw naiwang magagandang pangaral ang kanyang ama na hindi niya makalilimutan. At dahil sa nangyari sa kanyang ama, ani Maja, "Mas naging strong [ako]. Parang sa lahat ng bagay na gagawin ko, sigurado akong tama ako, gusto ko maayos lahat, yung ganun."

Dagdag pa ng aktres, "Siya na yung guardian angel ko ngayon, sa aming magkakapatid."

Nang tanungin kung may mensahe ba siyang hindi nasabi sa kanyang ama bago ito mamaalam, halos maiyak na umiwas si Maja at sinabing, "Alam niya na yun."

Read Next
Read More Stories About
Maja Salvador, Ross Rival
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Maja Salvador remembers her Daddy Ross's comment about her show Pangarap na Bituin. She narrates, "Sabi niya [Daddy Ross], ‘Ano ba yung character mo doon sa Pangarap, ang bakla-bakla mo na.' Kasi palabiro rin yung Daddy ko, e. Sabi niya, ‘Maganda, at least hindi ka pinapabayaan ng ABS-CBN.'
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results