Ken Zhu and Iza Calzado are now adopted citizens of Batanes

by Rose Garcia
Dec 4, 2007
After shooting a film in Batanes, Taiwanese superstar Ken Zhu and Filipino Hollywood actress Iza Calzado are now considered adopted citizens of the island province.


Sa ginanap na press preview ng Batanes ng Ignite Media, Inc. at GMA
Films sa Cinema 1 ng Podium kahapon, December 3, ay personal na ipinagkaloob ang official testimonial and token bilang adopted sons and daughters ng Batanes Is. sa lead stars ng movie na sina Ken Zhu at Iza Calzado, sa mga direktor ng pelikula na sina Adolf Alix at Dave Hukom, at sa producer na si Arleen Cuevas.

Ang mga token na ipinagkaloob sa kanila—especially with Ken and Iza—ay ang vacul, ang headdress na siyang sumasagisag ng mga kababaihan ng Ivatan o mga sinaunang babae ng Batanes.

Isinuot ni Iza ang vacul pagkaabot sa kanya. Ipinagkaloob naman sa Taiwanese superstar na si Ken ang kanaye, isang uri ng vest na isinusuot ng mga kalalakihan sa Batanes.

Ipinagkaloob ng mga namumuno sa Batanes na sina Governor Telefosforo Castillejos, Congressman Carlos Diasnes, at Mayor Demi Narag ang testimonial at mga token sa dalawang bida, mga direktor, at producer ng pelikulang Batanes.

Continue reading below ↓

Parehong masaya at flattered sina Ken at Iza sa pagkilala na natanggap nila. Bilang mga adopted citizens ng Batanes, malaya na silang bumili at magkaroon ng sariling property dito.

Pero siyempre, iba naman sa kaso ni Ken dahil hindi naman siya Filipino citizen. Pero ayon nga sa kanya, ang Batanes ay isang "paradise."

Bukas, December 5, magbubukas sa mga sinehan ang Batanes na magpapakita ng kagandahan ng naturang lalawigan.

Read Next
Read More Stories About
Ken Zhu, Iza Calzado
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
After shooting a film in Batanes, Taiwanese superstar Ken Zhu and Filipino Hollywood actress Iza Calzado are now considered adopted citizens of the island province.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results