Ethel Booba and Alex Crisano, back in each other's arms?

Dec 10, 2007
Has Ethel Booba finally moved on after her short relationship with model-actor Janvier Daily? The comedienne has reportedly reunited with former boyfriend Alex Crisano.

Bali-balita ngayon sa showbiz na muling nagkabalikan ang dating magkasintahan na sina Ethel Booba at Alex Crisano.

Ilang linggo pa lamang ang nakararaan nang biglain ni Ethel Booba ang mga masugid na manonood ng Pinoy Big Brother Celebrity Edition 2 ng kanyang desisyon na mag-voluntary exit kasama si Mcoy Fundales ng Orange & Lemons. Isa sa mga idinadaing ni Ethel ay ang sobrang pagka-miss niya sa kanyang boyfriend na si Janvier Daily, isang aspiring actor.

Ngunit matapos ang ilang araw, naging panauhin naman si Janvier sa The Buzz at inamin nitong tapos na ang relasyon nila ni Ethel bago pa man siya magpasyang pumasok sa loob ng Bahay ni Kuya ang komedyana.

Tila naging mabilis ang pag-move on ni Ethel mula sa breakup nila ng model-actor niyang boyfriend. Sa morning show na Umagang Kay Ganda kahapon, December 4, nabanggit ng showbiz columnist na si Ogie Diaz na nakipagbalikan muli si Ethel sa dating Ginebra player na si Alex Crisano.

Continue reading below ↓

Matatandaan na love-hate relationship na maituturing ang pagsasama ng sexy actress at ng cager na tumagal na mahigit isang taon. Ilang beses na rin silang naging laman ng tabloid at showbiz reports ng TV dahil sa kanilang pag-aaway-bati sa mga pampublikong lugar.

Kalagitnaan ng taong 2007 nang mapabalita na tuluyan nang naghiwalay ang dalawa. Sa katunayan, matapos ang breakup nila, napanood sa magkaibang showbiz talk shows sina Ethel at Alex na nagpapalitan ng maaanghang na salita laban sa isa't isa.

Sa The Buzz noong June 18, sinabi ni Ethel na hindi niya intensiyong maibalik pa ang pagmamahal ng dating live-in partner. Ang tanging pakiusap niya ay, "Bayaran mo [Alex] mga utang mo sa akin!"

Sa kabilang banda, sa Showbiz Central nang sumunod na linggo, June 25, sinabi naman ni Alex na, "The people don't want the way she acts." Dagdag pa niya, kung gusto raw ni Ethel ng respeto mula sa publiko, kailangan daw muna niyang irespeto ang kanyang sarili.

Continue reading below ↓
Sa ngayon, pilit pang kumukuha ang PEP (Philippine Entertainment Portal) ng pahayag mula kina Ethel at Alex upang kumpirmahin ang nasabing pagbabalikan nila.
Read Next
Read More Stories About
Ethel Booba, Alex Crisano
Recommended Videos
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Has Ethel Booba finally moved on after her short relationship with model-actor Janvier Daily? The comedienne has reportedly reunited with former boyfriend Alex Crisano.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results