Kung ang pagbabasehan ay ang mga mahahabang pila sa milk-tea shops, masasabing maraming Pinoy ang nahuhumaling sa popular drink na ito.
Nasa PHP100 din ang minimum spending para rito, at kung araw-araw kang nagmi-milk tea, nasa PHP3,000 ang sana ay naipon mo.
Pero ayon sa wealth coach na si Chinkee Tan, there are still ways that you can save without sacrificing your milk tea cravings.
Sa YouTube video niya na pinamagatang "Paano Pa Makaipon Kung Addict sa milk tea, idinetalye niya ang kanyang money-saving tips.
MONEY-SAVING TIP #1: MAGKAROON NG STRICT BUDGET PLAN
Kung isa ka sa mga "marupok sa milk tea," hindi ito nakapagtataka, sabi ni Chinkee.
"Ano ang isang sign ng marupok sa milk tea? Kapag sinabi sayong, 'Tara, milk tea!'
"Umo-oo agad at nanginginig pa. Minsan naman, okay lang naman talaga uminom ng mga milk tea, e, diba?
"Nauuso na. Wherever we go, there they are. Milk tea everywhere."
Ang suggestion niya, mag-allot ng maximum budget para rito.
"Wala namang masama na uminom ng milk tea, e. I-budget natin. Alam natin kung ilan lang talaga ang kaya natin inumin per week–yung afford."
In order to know the amount you will set aside for your milk tea, you must first plan how much you'll be spending in total throughout the week.
"For example, may budget kang PHP1,000.
"[Pagkapos] gumagastos ka ng 200 pesos per week sa gasolina or transportation, 600 pesos naman sa lunch, so total niyan mga 800 na.
"O, so may 200 pesos ka. 200 pesos na pang-milk tea.
"Itabi mo na iyong pang-milk tea mo. I-average mo na, pero iyon ay kung kaya mo."
Ang importante rito ay hindi masasagasaan ang budget mo para sa daily expenses and savings.
"Kung gusto mo nang sagad-sagaran yung PHP1,000 para sa gastusin mo, imbes na dalawang milk tea, isang milk tea na lang ang inumin mo.
"'Di ba, so makaka-save ka ng 100 pesos a week, 400 pesos a month.
"So in other words, mag-budget ka muna. Mag-budget ka, friendship."
MONEY-SAVING TIP #2: HUWAG LALAMPAS SA BUDGET
Ibig sabihin nito, kung nakakaubos ka ng dalawa per day, kung hindi pasok sa budget, bawasan ang daily o weekly consumption mo.
"Kapag sinabi kong strict, na ikaw ay makaipon pero in-e-enjoy mo pa rin iyong milk tea, dapat itinatabi mo iyong pera that you earn para, ika nga, makaipon pa...
"'E, kasi naman ang problema, mayroon ka ngang budget pero hindi mo naman sinusundan, sayang naman ang paggawa mo ng plano."
In short, magkaroon ng self-control.
"Kasi naman ito ang nangyayari, kapag tayo ay may sinsusunod na budget tapos biglang nagkayayaan, instead of once a week ang kaya mo lang, minsan napapadalawa ka, minsan napapatatlo ka, ''tapos ano ang gagawin mo?
"Gagamitin mo yung budget mo for next week for this week so kakainin na.
"At the end of the last week, wala na kapos na talaga yung budget mo.
"So it's really important to follow, to put strict discipline."
Sa kanyang Facebook post noong October 14, 2019, in-elaborate ni Chinkee ang mga dapat gawin para maiwasan ang unplanned at unnecessary expenses.
Aniya, "Tested and proven na maraming nagsisisi pagkatapos gumastos
nang wala sa plano, wala sa budget, wala sa lugar."
Kaya bago gumastos, tanungin muna ang mga ito:
"Kailangan ko ba ito ngayon?
"Anong purpose at bibilhin ko ito?
"Napaglaanan ko ba ng budget?
"Hindi na ba talaga puwedeing ipagliban?"
Dugtong niya, "Sa madalas na paggastos natin nang padalos-dalos, hindi rin nakapagtataka na almost everyday ay wala ng laman ang ating mga pitaka.
"Hindi naman natin dine-deprive ang ating sarili kapag tayo ay nagtatabi ng pera. It's like giving value to every peso that you earn para ika nga, makaipon pa."
MONEY-SAVING TIP #3: GAWIN ANG 50/50 ipon challenge
Ang huling tip ni Chinkee: "Ipon pa more bago mag-milk tea."
Inirekomenda niya ang "50/50 ipon challenge."
Sa pagpapatuloy ng wealth coach, "Ito yung tinatawag nating invisible 50.
"Tuwing may magsusukli sayo ng singkwenta pesos, ang gagawin niyo lang, itatabi niyo lang itong singkuwenta—invisible po.
"So kunwari may nagsukli sayo dalawang singkuwenta, e, di iyong dalawang singkuwenta, tinatabi niyo na iyan. Mapupunta na iyan sa savings.
"Makakaipon ng 50 pesos in 50 days, in a year, in a month, it doesn't matter, pero ang goal natin makasingkuwenta tayo in 50 days."
Para ma-track ang ipon ay gumamit ng monitoring sheet.
Dapat nakalfat sa worksheet ang total amount na gusto mong i-save and blank boxes or shapes equivalent to the number of 50-peso bills na kailangan mo para ma-reach ang goal.
Shade or mark or check every time you add bills to your savings, para mas ma-motivate ka to "ipon pa more.