Paolo Paraiso explains malicious rumor linking him to Rhian Ramos

IMAGE 0


"Isang magandang bata si Rhian, matalinong bata, mabait na bata, isangnakakabilib na bata. Pero ang operative word po: bata. Kuya ang tinginniya sa akin at ako naman, gusto ko siyang protektahan. Damaging ‘yon," stresses Paolo Paraiso about rumor linking him to young actress Rhian Ramos (not in photo).



Importante ang pelikulang Banal para kay Paolo Paraiso. Biggest movie niya ito in his career at maganda ang billing niya—below the first-lined stars Christopher de Leon, Paolo Contis, and Alfred Vargas and the first sa line nila nina Cass Ponti, Ina Alegre, Pen Medina at Joey "Pepe" Smith.

"Nakasali na rin po ako sa mga film festival entries, pero iba ito, malaki ang role ko. Bad boy na anak po ako ng General na kagrupo ni Alfred na nagbabalak patayin ang Papa [Pope]," pahayag ni Paolo sa PEP (Philippine Entertainment Portal) at the presscon of Banal last night, December 7.

After moving to GMA Artist Center, mabibigyan din si Paolo ng big break sa TV. Next week, papasok siya sa top-rating na Marimar bilang si Carlito, ang bagong boyfriend ni Katrina Halili who plays Angelika.

"Bandido po ako dito. Susubukan ang chemistry namin ni Katrina. Baka next week po lumabas na ang character ko," masayang sabi ng sexy actor.

RUMOR WITH RHIAN. Kung umayos man ang career ni Paolo, indirectly, nakagawa naman siya ng intriga about him and another Artist Center exclusive, si Rhian Ramos. Si Paolo ang pinakahuling biktima ng mga sinasabing ex-fans (stalkers) ni Rhian na buong sipag na nagpapadala ng emails sa mga entertainment writers with allegations besmirching Rhian.

Ang unang nagpadala ng ganitong klaseng email ay nagtago sa pangalang Rhealyn Marcos rhealynmarcos@yahoo.com.ph, with a heading "16 anyos ang pinalit ni Paolo Paraiso kay Mylene Dizon" that reads in full:

"Whats [sic] the real score between Rhian Ramos and Paolo Paraiso? We've seen them together in Seattle's Best Katipunan around 10:30 pm last Sunday. Both of them are in their formal attire as if they came off a party. Rhian's wearing a black gown. What struck us is that after having coffee, Paolo escorted Rhian to her car. Nagyakapan sila. Hinalikan ni Rhian si Paolo sa Lips. Gosh! Ang bata pa niya. We don't kow if they just want to make a scene there since alam naman nila na may mga tao sa paligid. Then, umalis si Paolo at nagpunta na sa car nya. Their car was park in between 2 cars. After mga siguro 30 to 45 seconds, bumaba si Rhian sa car niya and boarded Paolo's car. Siguro mga 20 minutes sila sa loob ng car at bumaba si Rhian at bumalik sa car niya."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nabalitaan na ni Paolo ito kung kaya't pinag-explain namin siya kung ano ang tunay na nangyari that night, which happened after the 21st PMPC Star Awards for TV na ginawa sa Ateneo.

"Pareho kami ng handler [sa GMA Artist Center] ni Rhian," paumpisa ni Paolo. "On my way, tinawagan ako ng handler namin kung sino ang kasama ko; sabi ko, ako lang. Then, sabi niya, magsabay na kaming pumasok ni Rhian sa venue, maghintayan na lang. Kasi wala rin siyang kasama, so I said 'yes po'.

"Nauna akong dumating. Hinintay ko ang tawag nila kung nandoon na sila. Nang dumating si Rhian, ako na ang lumapit sa kotse niya para ma-escort-an siya papasok, so sabay na kaming pumasok. Ganoon."

Paglabas nila ni Rhian, nauna na raw umalis si Paolo dahil na-interview pa si Rhian ng TV crew. Siya naman, nagpunta na sa Tomas Morato, in a new Japanese restaurant na pag-aari ng kanyang kaibigan.

"They can check there," dagdag ni Paolo.

Ibinalik namin ang detail na nagpunta raw sila ni Rhian sa Seattle's Best sa Katipunan at isa lang ang sagot ni Paolo: they should check the place too kung totoo ‘yon o hindi.

Tinanong namin si Paolo na kung walang ganitong tsismis, papatol ba siya kay Rhian. Natawa si Paolo bago sumagot.

"Isang magandang bata si Rhian, matalinong bata, mabait na bata, isang nakakabilib na bata. Pero ang operative word po: bata. Kuya ang tingin niya sa akin at ako naman, gusto ko siyang protektahan. Damaging ‘yon," sabi ni Paolo.

Ayon kay Paolo, nagkita na raw sila ni Rhian after maglabasan ang balita. It happened last week sa Legaspi sa event ng Smart.

"Siya pa ang nag-sorry sa akin so I said 'No, don't apologize'. Ako lalaki, walang mawawala sa akin. Siya ang nasisira."

Tinanong din namin si Paolo tungkol sa estado nila ng dati niyang live-in partner na si Mylene Dizon. Friends pa rin daw sila at trying to be good parents sa anak nilang si Tomas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Tinanong namin si Paolo kung may bago ba sa lovelife niya and he casually said he's dating around. Tinanong namin siya kung part of his dating circle si Rhian at tumawa na naman siya bago sumagot ng "Hindi."

"Ang bata niya," paulit-ulit na sabi ni Paolo, na never nagkaroon ng record sa showbiz na pumapatol sa bata.

Binalikan namin ang mga mapanirang email senders ni Rhian at nag-experiment kami. Sinubukan namig tingnan ang mga profile ng mga Yahoo account, ngunit bukod sa mga gamit na pangalan, walang ibang details. Nag-search kami sa Friendster, Myspace, blog sites ng mga addresses na gamit ng mga email senders. None came out.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN