Jackie Manzano gives birth to baby boy in the U.S.

Dec 8, 2007
"Sobrang sarap ng feeling dahil heto talaga ang pinakamahirap ko na panganganak," says Jackie Manzano in a phone-patch interview with StarTalk earlier today.

Former actress and wife of Anjo Yllana, Jackie Manzano, gave birth last December 6 to a healthy baby boy in the United States. This is the fourth child of the couple.

Sa pamamagitan ng phone-patch interview ngayong hapon, December 8, ibinalita ni Jackie sa StarTalk host na si Lorna Tolentino na normal ang panganganak niya at 7.1 pounds ang timbang ng baby nila ni Anjo.

Hindi nakapiling ni Jackie si Anjo dahil nandito pa sa bansa ang comedian kasama ang kanilang mga anak. Inaayos pa raw ni Anjo ang visa nilang mga-aama sa U.S. Embassy.

Matatandaan na naging delikado ang pagdadalang-tao ni Jackie nang malaman nito na may heart problem siya noong Agosto. Napaiyak si Anjo nang ibalita ng kanyang asawa na baka kailangan niyang mamili sa buhay ng kanyang asawa o ng kanilang hindi pa isinisilang na anak.

Pumunta si Jackie noong Agosto sa Amerika para makapagbakasyon at bisitahin ang kanyang nanay at kapatid. Pagkatapos ng dalawang linggo sa U.S., nagpa-check-up si Jackie nang makaranas siya ng heart palpitations. Sinabi ng cardiologist doon na kailangang mamili silang mag-asawa kung itutuloy pa ang pagdadalang-tao ni Jackie.

Continue reading below ↓

Sa hiwalay na phone-patch interview kay Anjo kanina sa StarTalk, sinabi naman ni Anjo na pumunta sa United States sa December 20 upang bisitahin si Jackie at ang bagong miyembro ng pamilya, kasama ang kanilang tatlong anak na babae. Mga tatlong buwan pa raw bago maaaring makabiyahe si Jackie pabalik ng Pilipinas.

"Excited na nga ako makita [yung baby]. Nag-send sila ng pictures sa Internet, pero hindi ko pa nakikita. Sabi nila, medyo hawig ko daw," banggit ni Anjo.

"Gusto ko lang i-take yung opportunity, kasi everywhere I go, yung mga tao nagsasabi sa akin, ‘we're praying for you, for your wife, for the baby.' Gusto ko lang pasalamatan lahat ng nagdasal para sa aming mag-asawa at sa bata. Maraming-maraming salamat po sa mga dasal n'yo po," a thankful Anjo ended the conversation.

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Sobrang sarap ng feeling dahil heto talaga ang pinakamahirap ko na panganganak," says Jackie Manzano in a phone-patch interview with StarTalk earlier today.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results