FIRST READ ON PEP: Dennis Trillo and Carlene Aguilar settle differences for their son

IMAGE 0


Dennis Trillo's burden has somewhat eased because the mother of his child, Carlene Aguilar, has allowed him again to see their son, Calix Andreas.



Magandang balita ang nakarating sa PEP (Phillipine Entertainment Portal) na nagkausap sina Dennis Trillo at Carlene Aguilar. Nadadalaw na raw uli ng young actor ang anak niyang si Calix Andreas. Last week lang daw nagkita't nagkausap ang dalawa at nagtapos ang pag-uusap na ‘yon na welcome na uli si Dennis na madalaw ang anak.



Ito ang dahilan kung kaya't masaya si Dennis na umalis patungong Japan noong December 8 dahil nabawasan siya ng isang mabigat na problema. Kasama ni Dennis sa Japan ang grupo ng SiS na magkakaroon ng show para sa Filipino community roon.

Sa presscon ng Shake, Rattle, & Roll 9, naalaala ng PEP na malungkot si Dennis nang amining hindi na niya nakikita ang anak. Wish din niya na sana sa Pasko ay makita't makapiling niya ang anak.



Sa magandang nangyari, magiging masaya ang Christmas at New Year ni Dennis at maibibigay niya nang personal ang first Christmas gift niya sa anak.



Samantala, inamin ng manager ni Dennis na si Popoy Caritativo na in-offer ni Ara Mina sa young actor ang makapareha ni Cristine Reyes sa pelikulang Ate to be produced by Ara herself. Hindi nga lang natanggap ng young actor ang offer dahil sa toxic schedule niya at walang kinalaman ang gulong nangyari kina Cristine Reyes at Carlene. Dumating daw ang offer sa kanya bago pa magkagulo ang dalawang nauugnay kay Dennis.



Hindi pumayag ang Regal na ipahiram si Dennis dahil hindi pa nga natatapos ang Kulam nila ni Judy Ann Santos, ‘tapos magdadagdag pa siya ng trabaho. Hindi sila makapagtuluy-tuloy ng shooting ng Kulam dahil may Zaido ang young actor at busy rin si Judy Ann.

Si Paolo Paraiso ang ipinalit ni Ara kay Dennis sa Ate na ididirek nina Peque Gallaga at Lore Reyes. Sometime in January next year na ang start ng shooting nito, pero wala pang napipiling ipangalan sa kanyang movie company si Ara.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN