Comedienne Tuesday Vargas works for a big wedding with her live-in partner

IMAGE 0


"May nagsasabi nga sa amin, okay lang na magpakasal kami sa huwes, parahindi magastos. But that's not the point. Minsan lang din mangyayari saakin ang pagpapakasal, at malaki ang family namin. Hindi sila papayagna hindi malakihang wedding ang mangyayari," explains Tuesday Vargas about wedding plans with her live-in partner, musician Coy Placido.


Halos sa unang taon pa lang ng pagpasok noon ni Tuesday Vargas sa showbiz, nabigyan agad siya ng break for a one-woman comedy act sa Music Museum, ang successful show na Habulin Mo Ako. Una siyang gumawa ng pangalan bilang isa sa sidekick comics featured in Sharon, ang variety show noon ng Megstar na si Sharon Cuneta sa ABS-CBN.



Nagtuluy-tuloy si Tuesday sa pag-eksena at marami rin siyang nilabasang programa—mostly sa ABS-CBN—gaya ng Klasmeyts, Gulong ng Palad, at iba pa. Kailan lang, sumubok siyang mangibang-bakod sa GMA-7 sa pamamagitan ng Mga Mata ni Anghelita.

"Maayos ang pakikipag-usap ko sa mga taga-Dos bago ako tumanggap ng raket sa Siete. Meron na daw kasunod, pero ayoko munang magbigay ng detalye. Basta, ang alam ko, meron," sambit ni Tuesday sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Sakal, Sakali, Saklolo kagabi, December 17, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

Isang pagpapatunay na hindi nagsususnog ng tulay si Tuesday ay ang pagkakasama niya sa official entry ng Star Cinema, ang film arm ng Kapamilya network, sa 2007 Metro Manila Film Festival—ang Sakal, Sakali, Saklolo.

"The same cast naman kasi dapat kaya ganoon. Pero happy kami sa shooting. Ako kasi ang tipong kaibigan dito ni Juday [Judy Ann Santos] na kahit maliliit na bagay ay pinoproblema, pero very caring akong ninang sa anak nila ni Ryan [Agoncillo] sa movie," kuwento ni Tuesday.



MARRIAGE & KID. Kaugnay ng kuwento ng pelikula, nakaka-identify si Tuesday sa puntong laging umeeksena ang mga magulang niya sa tunay na buhay. "Kasi naman, I'm in a live-in relationship with my partner [Coy Placido of Session Road]," pag-amin ng komedyana.

Patuloy niya, "Gusto ko rin naman ito at napag-usapan na namin. Nagbabalak din kaming magpakasal, pero hindi pa ngayon.



"Natural lang sa mga magulang 'yon [na makialam]. Tinatanong nga nila ako, 'Pakakasalan ka ba niyan?' Basta ako, ayokong mag-nega. Pinaplano namin ang pagpapakasal at kakailanganin ang malaking halaga para doon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"May nagsasabi nga sa amin, okay lang na magpakasal kami sa huwes, para hindi magastos. But that's not the point. Minsan lang din mangyayari sa akin ang pagpapakasal, at malaki ang family namin. Hindi sila papayag na hindi malakihang wedding ang mangyayari. Sa ganoong sitwasyon, kailangang magtulong kami ng partner ko para matupad 'yon, para everybody happy," sabi pa ni Tuesday.



May six-year-old son na si Tuesday from her first relationship. For the past five years of her career, nasabi niya sa aming halos hindi siya humihinto sa pagtatrabaho.



"It's a good thing, may katuwang ako sa pagpapalaki sa anak ko," ani Tuesday. "Malaking bagay 'yon kaya lalong tumatatag ang relasyon namin. May goals kami. Kulang na lang talaga ay kasal, kaya sooner or later, we're hoping na mangyari na 'yon."



MULTI-TALENTED. Ang tingin nga namin ay parang weirdo si Tuesday, pero ito ay dahil na rin nga sa inclination niya sa arts. Ang religion pala niya ay Buddhist kaya tiyak na naiibang klase rin ang wedding ceremony nila ng boyfriend niyang si Coy 'pag nagkataon.



"Marami akong gustong gawin," sambit ni Tuesday. "I love what I'm doing, kaya hindi ako nabe-burnout. Gaya na lang ng pagkanta with a band. Mayroon kaming band, yung Top Junk, and we have regular gigs every now and then.



"On the side, kasama pa ako sa LoMo Manila, isang photography club. I do this as a hobby. Tatlu-talong iba't ibang cameras ang dala-dala ko everytime, para kapag may subject na maganda, click lang nang click. Balang-araw, mapapagkakitaan ko rin ito, di ba? For now, I do it as a hobby—more as an art ang trato ko rito."



Natatakang komedyante si Tuesday, pero nangangarap din pala siyang mabigyan ng pagkakataon sa drama.



"'Yung mai-guest man lang sana ako sa Maalaala Mo Kaya, yung may special role. Noon, comic relief ako sa Gulong ng Palad, pero may times na nag-drama ako doon, at iba ang feeling. Gusto kong maranasan ang lahat— mag-host, mag-comedy, mag-drama, kumanta, sumayaw. Palagay ko, wala akong hindi kakayanin, at magagawa ko naman ng tama," pagwawakas ni Tuesday.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN