How to spend 13th month pay wisely

Goodbye utang, hello extra income!
by Justine Punzalan
Nov 29, 2019
Palaguhin ang 13th month pay instead na gastusin sa mga bagay na puwede namang mag-antay.
PHOTO/S: Pixabay

Excited ka na bang matanggap ang 13th month pay mo?

Hindi pa man natatanggap ang perang ito ay kalimitang nakalaan na sa isang bagay o pangyayari na pagkakagastusan.

Pero ang payo ni financial expert Chinkee Tan, huwag masyadong excited.

Imbes na gastusin ito, puwede itong ilaan sa mga bagay that will either save money or earn extra income for us in the future.

"Parang birthday wish lang iyan—anong gagawin mo kapag birthday wish?

"Di ba, one wish lang that can come true," sabi ni Chinkee.

"Ganoon rin ang 13th month pay, kung isang wish ka lang, anong gusto mo?"

Heto ang spending tips ni Chinkee Tan sa video na pinamagatang "13th Month Pay: 6 Possible Things You Can Do Without Wasting It," which was uploaded on his YouTube channel on November 12, 2019.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TIP #1: START YOUR EMERGENCY FUND

Maglaan ng certain amount para kapag nagkulang ang buwanang gastos, meron kang mabubunot at hindi mangungutang.

He elaborates, "Ito iyong gastusin mo on a monthly basis.

"For example, ang gastusin mo ay PHP20,000 a month—food, clothing, education, shelter—lahat 20K, dapat nag-se-set aside ka na for your emergency fund.

"Kailangan pondohan muna natin ang emergency fund natin kasi ang hirap.

"Parati kong nakikita iyan sa 'suweldo cycle' ng isang normal na empleyado.

"Ang nangyayari, kapag lumalabas ang suweldo, kulang. Kapag kulang, ano ang gagawin? Mangungutang.

"Kapag nangutang, anong gagawin? Magbabayad ng utang.

"So, wala na namang utang.

"'Tapos may nangyaring hindi kanais-nais, may nagkasakit o let's say may nasirang appliance, o anong mangyayari? Mangungutang ulit.

"It's a vicious cycle."

You might want to try the "envelope method" na itinuro ni Chinkee sa mag-asawang Maricar Reyes at Richard Poon.

Ilagay mo lamang ang halagang kaya mong itabi. Basta ang importante ay meron kang savings.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Until you have extra ipon, huwag munang ilaan ang 13th month pay sa mga plane tickets o latest gadgets na puwede namang maghintay. Tiis muna.

"Hindi sa travel, hindi sa bagong gadget, wag na muna iyon.

"I know you deserve it. Yes, I know you deserve it.

"However, wag na muna iyon.'"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TIP #2: PAY YOUR DEBT

Ayon pa kay Chinkee, mahalaga rin na iyong bayaran ang "obligations" gaya ng "house loan, car loan, at credit card loan."

"Mas maganda na mabayaran natin nang mas maaga para mas mapapababa ang interest natin."

Huwag kalimutan ang mga utang sa kaibigan o katrabaho o kamag-anak dahil "pinakamahirap na bayaran ang utang na loob."

Dugtong ni Chinkee, "The best pa rin magbayad ng utang kahit na minimal amount just to show the willingness to pay."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TIP #3: START A BUSINESS

Ayon kay Chinkee, ang pagtatayo ng isang business o paghanap ng ibang pagkakakitaan ay importante para mag-tuluy-tuloy ang supply mo ng pera.

"Iisipin natin na ang hawak mong pera, lalo na kung ikaw ay OFW, hindi ganoon kadaling kitain... that's the reason why you and I need to make a money-making machine.

"Ano po itong money-making machine? Start your own enterprise.

"You start your own business."

Ikinumpura rin ni Chinkee ang kahalagahan nito sa pag-inom at pag-iigib ng baso ng tubig sa poso.

Aniya, "Parang isang basong tubig lang iyan, e.

"Nauuhaw ka...So may choice ka: number one, isusugal mo, ilalagay mo iyong tubig on top of the poso so pag nag-pump ka, may tubig.

"Pangalawa, puwede mo inumin itong tubig at mapapawi ang iyong uhaw pansamantala."

Sabi rin ni Chinkee, hindi kailangan maging magarbo ang business na iyong sisimulan.

"Ako, I will take the calculated risk and start a small business, so I can earn more money—very good opportunity lalo na iyong maliliit lang na negosyo."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TIP #4: PLAN FOR RETIREMENT

Ika nga, "a little goes a long way."

Kung kaya't hinihikayat ka ni Chinkee na simulan ang pag-iipon para sa iyong retirement, na nagsisimula sa edad na 60 dito sa Pilipinas.

Aniya, "Isama mo na itong 13th month pay mo as part of your retirement plan kasi hindi naman nalalayo iyan.

"Imagine mo meron kang 13th month bonus, ilalagay mo sa retirement fund mo, imagine mo, malaki, malaki ang pera mo in time."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

TIP #5: GET "PROTECTION MONEY"

"Protection money" ang tawag ni Chinkee sa life insurance dahil ito ay magsisilbing financial source ng pamilya kung sakaling may mangyaring masama sa kanilang breadwinner.

Chinkee defined it this way: "Just in case something happens to you as the breadwinner, what will happen to the family?

"So, wala na, wala na silang pagkukunan ng income.

"Ang pinaka-best na 'protection money' is by life insurance...the family will inherit a certain amount of money that they can afford to live the lifestyle that they want.

"Maghirap talaga kapag tayo'y umaasa 'tapos nawala iyong breadwinner? Sino na?"

To know more about life insurance, Chinkee advises that you "talk to your financial consultant."

TIP #6: INVEST IN STOCK MARKET

Mas maigi kung alam mo paano palalaguhin ang extra money mo.

Imbes na nakatago lamang sa bangko, kung saan kikita ng mababang interes, you have to know how to invest it.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ni Chinkee, "Alam mo maraming form of investment, pero para sa akin, the best form of investment is invest in financial education.

"Invest in yourself because it is you ang gagawa ng financial choices.

"If you make bad financial decisions because you lack of financial education, you will make a mistake."

Ang paalala pa niya: "It would take you years to earn a money, but it can take you just a second to lose all the money."

Aside from investing in financial education, mainam rin ang pag-invest sa stock market o pagbili ng shares from companies listed as public sa Philippine Stock Exchange.

Bilang example, ikinuwento ni Chinkee ang kanyang kaibigan na nag-i-invest ng as low as PHP5,000 sa stock market noon.

"I have a friend who invested in stock market when he was young.

"Normal employee lang siya, bumibili siya ng 5,000, 10,000, 20,000, pero right now, he's been in the stock market for more than 20 plus years.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Ang portfolio niya ngayon sa stocks...ngayon ang average ng kanyang assets sa stocks, millions."

Pero gawin lamang ito pagkatapos pag-aralan nang mabuti kung ano ang stock market.

"Napalaki niya ang pera niya through the stock market dahil alam niya ang stock market because he studied it," sabi niya.

Para malaman kung paano mag-invest sa stock market, Chinkee recommends taking online courses starting at PHP799 from financial experts online.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Palaguhin ang 13th month pay instead na gastusin sa mga bagay na puwede namang mag-antay.
PHOTO/S: Pixabay
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results