PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Suwerte ka ba ngayong 2020 base sa iyong Chinese animal sign?

Baka ito na ang perfect time para magtayo ka ng negosyo o magkaroon ng love life.
Published Jan 4, 2020
Feng Shui expert Master Hanz Cua (not in photo) shows the way to create your luck, but he underlines, "Muli po ito lamang ay patnubay. Nasa sa inyo nakasalalay ang iyong tagumpay."
PHOTO/S: iStock

Magiging masuwerte ka ba ngayong 2020?

Ang taong 2020 raw ay may hatid na bright future dahil maihahalintulad ang numerong ito sa "20/20 vision" na standard clear eyesight ng tao.

At dahil ang 2020 ay taon rin ng Chinese animal sign na White Metal Rat, ito ay "generally magandang taon" ayon sa Feng Shui expert na si Master Hanz Cua.

Aniya, "Ang Year of the Rat is the first sign of the animal zodiac.

"Dahil ikaunang sign ang Year of the Rat, so it's a new start, it's a new beginning."

Sa January 25 ngayong taon ang official start ng Year of the Rat na magtatapos sa February 11, 2021.

At ayon kay Master Hanz Cua, ito ay "generally, magandang taon dahil balanse ang five elements sa chart ng 2020."

Ang five elements na ito ay ang wood, fire, earth, metal, and water na siyang fundamental elements ng lahat ng bagay sa universe, ayon sa Chinese philosophy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dahil masuwerte daw ang taong ito, ang payo rin ni Master Hanz, "Iyong mga may planong magnegosyo, magbukas ng bagong venture, may sisimulan na bagong bahay, may sisimulan na bagong career, ito na ang first start—ang Year of the Rat."

Bukod sa kanyang general outlook for the Year 2020, meron ring predictions si Master Hanz tungkol sa kinabukasan ng bawat Chinese animal sign sa taong ito.

Ibinahagi niya ito sa kanyang interbyu noong January 1, 2020, sa DZMM TeleRadyo.

Alamin ang iyong kapalaran mula sa horoscope ni Master Hanz na ito:

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

YEAR OF THE RAT

Ang taong 2020 ay hindi raw gaanong masuwerte para sa mga ipapanganak sa taong 1948, 1960, 1972, 1984, 1996, at 2008.

Pero sabi ni Master Hanz, kahit "not a good year" daw ito para sa iyong animal sign, ikaw naman ay susuwertehin sa wealth.

WEALTH: Magiging masagana at maunlad ka ngayong 2020. Umiwas sa mga scams at kumuha ka ng property insurance para sigurado.

CAREER: Maari kang maka-experience ng delays, pero ikaw ay makaka-expect ng suporta sa iyong boss.

LOVE: Sabi ni Master Hanz, "Ang Year of the Rat ngayong taong ito, medyo mainitin ang ulo, medyo marami siyang quarrel, marami siyang misunderstanding."

HEALTH: Kumuha ng health insurance at ingatan ang liver, gallbladder, mga paa, at mga braso. Kumuha rin ng health insurance.

HOW TO PREVENT MISFORTUNE: "Wag umupo ng nakaharap sa north. Sa north part ng bahay niyo, wag maglagay ng TV o ng activity dahil sa 2020, iyan yung conflict sector ng year of the rat.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Year of the ox

Ang Year of the Ox ay ang compatible sign ng Year of the Rat kung kaya't "Oks na oks ngayon ang Year of the Ox," sabi ni Master Hanz.

WEALTH: Dahil suwerte ka sa pera, mainam na mag-invest sa stock market upang ang pera mo ay lumago. Pero babala ni Master Hanz, "Ingat lang sa mga backstabbers. Double-check bago mag-invest."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LOVE: "Very good" rin daw ang iyong lovelife. Ang taong ito ay ang perfect time na ikaw ay magpakasal o magka-baby.

HEALTH: Bantayan ang iyong liver at reproductive organ. Mag-ingat rin upang hindi bumalik ang dating mong sakit.

YEAR OF THE TIGER

Ang Year of the Tiger ang pinakamasuwerte this year.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

WEALTH: Papalarin ka dahil ayon kay Master Hanz, "Maganda ang pera ng mga Year of the Tiger."

CAREER: Maganda ang taong ito para mag-travel.

"May mga planong magtrabaho abroad, ito na ang taon ninyo para magtrabaho abroad," sabi ng Feng Shui expert. Bukod pa rito, maganda rin ang taong ito para magtayo ng negosyo, lalo na iyong related sa import and export services.

LOVE: "Single and need to mingle," ang payo niya sa mga single. Maganda humanap ng pag-ibig ngayong 2020.

HEALTH: Ani Master Hanz, "Health nila, travel often para ma-improve. Hindi naman kailangan abroad, kahit domestic, kailangan mag-travel."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

YEAR OF THE RABBIT

Gaya ng Year of the Rat, hindi rin daw gaanong susuwertehin ang mga Year of the Rabbit ngayong taon.

"Maraming star siya na maraming problems," says Master Hanz.

WEALTH: Hindi man suwerte sa ibang bagay, magiging maayos ang mga Year of the Rabbit sa kanilang finances. "Pagdating sa wealth, may strong support siya sa boss niya," pagkumpirma ni Master Hanz.

CAREER: Iwasan ang malas sa pamamagitan ng pag-iwas sa mga taong sa tingin mo ay inggit sa iyo.

LOVE: Prone sa love issues gaya ng cheating at betrayal ang mga Year of the Rabbit. Kung ikaw ay nasa isang relasyon, mabuti na ikaw ay magpakasal sa iyong kasintahan ngayong taong ito upang maiwasan ninyo ang hiwalayan. Kung ikaw naman ay kasal na, payo ni Master Hanz na lumayo ka sa third-party relationships.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

YEAR OF THE DRAGON

Kung ikaw ay ipinanganak sa Year of the Dragon, luck is on your side this 2020.

WEALTH: "Nag-aapoy siya sa pera," pagkumpirma ni Master Hanz. "Ang nandadiyang star sa kanya is heavenly wealth star. May strong chance na manalo sa lotto, may big money."

CAREER: Ikaw ay magpro-prosper sa iyong trabaho. Kung ikaw ay may negosyo, now is the right time para sa isang business expansion.

LOVE: Ang hula ni Master Hanz, "Strong sucess luck, magandang pag-ibig."

HEALTH: Ingatan ang iyong lungs, large intestines, at mga buto-buto.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

YEAR OF THE SNAKE

Kung ikaw ay nabibilang sa grupo ng Year of the Snake at hindi ka gaanong sinuwerte noong 2019, expect na "this year is a recovery year and a good year" for you.

WEALTH: May new opportunities na darating sa iyo this year.

CAREER: Master Hanz recommends, "Sa career niya, maraming delay last year, maganda na para ituloy ang mga delays na ito."

Mabuti rin daw na mag-expand ng iyong business ngayong taon.

LOVE: Dahil "may love star para sa mga Year of the Snake," ito ang perfect time to find a partner or soulmate

HEALTH: Umiwas sa pneumonia at constipation.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

YEAR OF THE HORSE

"Hindi magandang year sa horse ngayon kasi ang rat and horse is directly magkalaban," ang babala ni Master Hanz sa mga taong ipinanganak sa taong ito.

WEALTH: Aniya, "Ang pera nila is low."

CAREER: Slow rin daw ang nakikita niyang takbo ng iyong career, kaya't "bago mag-sign ng kontrata, kailangan magpakonsulta muna."

LOVE: Payo ng Feng Shui expert, "Kailangan maging thankful sa pag-ibig."

HEALTH: Ang nakikitang kamalasan ni Master Hanz sa mga Year of the Horse ay dulot ng "illness star" na siyang "nakaupo sa horse."

Pagdating sa health, iyong bantayan ang iyong digestive system at siguraduhing magpakonsulta sa doktor tuwing kailangan.

HOW TO PREVENT MISFORTUNE: "Year of the Horse, kailangan nila magsuot ng amulets, mga cures, mga charms. Ang cure po sa illness star, iwasang natutulog with the headboard on the south."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

YEAR OF THE GOAT

Magiging fruitful ang taong ito para sa mga Year of the Goat—na minsan ay kinikilala bilang Year of the Sheep or Ram— dahil nasa inyo ang stars of "love at wisdom."

WEALTH: When it comes to your finances, nakikita ni Master Hanz na magkakaroon ka ng increase sa iyong sales at bank savings.

CAREER: Maganda rin daw ang iyong career at para sa mga kukuha ng exams, "This is a great year na mag-take ng exam dahil baka makapasa na sa board exam o bar exam na kailangan i-take."

LOVE: Dahil nasa iyo ang "love star," magiging masuwerte ka rin sa iyong love life. "Puwedeng magpakasal. May fertility luck, so may pregnancy," sabi ni Master Hanz.

HEALTH: Ingatan ang legs, mga braso, at lalung-lalo na ang ulo na maaring maging prone sa head injury.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

YEAR OF THE MONKEY

Ang Chinese animal sign na monkey ay isa sa matalik na kaibigan ng rat.

"Marami siyang opporunity star," says Master Hanz. "Dahil good friend niya si rat, dapat mag-socialize si monkey dahil tuluy-tuloy ang oportunidad ng mga Year of the Monkey."

WEALTH: Masuwerte sa online ventures dahil "meron silang increase sa sales nila." Paalala rin niya, "Careful lang sa theft and robbery, lalong lalo na sa month of April."

CAREER: Master Hanz recommends na ikaw ay maging proactive.

"Instead ng nasa bahay, siya dapat ang nagha-hands-on, nakikipagusap mismo sa kliyente. Siya dapat ang nagte-text o tumatawag sa kliyente. Siya dapat ang gumagamit ng social media para mag-alok ng kanyang services.

LOVE: Magiging masaya raw ang buhay pag-ibig mo sa taong ito, subalit maaari kang maging prone sa third-party o short-term romance.

HEALTH: "Bantayan ang kalusugan na may kinalaman sa asthma, sa puso. Dagdagan ang water intake dahil marami silang fire-related element this year."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

YEAR OF THE ROOSTER

Promising ang 2020 para sa mga Year of the Rooster "dahil meron silang mga long-term plans, long-term goals o long-term success," ayon kay Master Hanz.

WEALTH AND CAREER: Malaki ang iyong chance na makapagtrabaho sa ibang bansa kasi "very good ang opportunity at success star sa taong ito."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

LOVE: Marami ka ring "charismatic star" at maraming nagkakagusto sa iyo, ayon kay Master Hanz. Mag-ingat sa third party.

HEALTH: Bantayan ang iyong mata, puso, at blood pressure.

YEAR OF THE DOG

Ang "2020 is one of the best years of the Year of the Dog."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lucky months mo ang April, August at November, at hindi naman maganda ang July.

WEALTH AND CAREER: "Meron silang money and prosperity star. Increase ang bank savings ng mga dog. May business success, gains, o expansion."

LOVE: Malakas ang suwerte mo sa pag-ibig ngayong taong ito kung kaya't "good year na makahanap ng love or partner niyo."

HEALTH: Alagaan ang katawan at iwasang abusuhin ito. Umiwas sa mga bisyo gaya ng pag-inom, paninigarilyo, at pati na rin pagpupuyat.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

YEAR OF THE PIG

Para sa mga ipinanganak ng Year of the Pig, "strong wealth or career" ang fortune ninyo ngayong taong 2020.

WEALTH: "Maraming kikitain sa month ng February, June, at November," sabi ni Master Hanz.

CAREER: Marami sa iyong business ideas ang magpro-prosper. Ang payo ng Feng Shui expert, "water-related" ang iyong i-prioritize.

LOVE: "Wag na maging choosy," sambit ni Master Hanz. "Maging understanding sa mga may partners para sa Year of the Pig."

HEALTH: Bantayan ang kalusugan na may relasyon sa diabetes at allergy.

To conclude his discussion, Master Hanz stressed, "Muli po ito lamang ay patnubay ni Master Hanz. Nasa sa inyo nakasalalay ang iyong tagumpay."

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Feng Shui expert Master Hanz Cua (not in photo) shows the way to create your luck, but he underlines, "Muli po ito lamang ay patnubay. Nasa sa inyo nakasalalay ang iyong tagumpay."
PHOTO/S: iStock
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results