Philip Salvador explains why he’s called "Pastor"

by Paul Mata
Dec 31, 2007
"Noon kasi may plano akong ganito, may plano akong ganyan. Ngayon ang gusto kong mag-plano para sa akin ay si Lord. Kung ano yung plano niya for me, and I will accept it. Ganoon lang iyon. Basta, hindi niya tinitigilan ang blessings para sa akin," noted actor Philip Salvador said. He has made his showbiz comeback, albeit on the small screen in ABS-CBN's Maging Sino Ka Man.

Muling nakikita sa isang regular show si Philip Salvador sa telebisyon sa pamamagitan ng Maging Sino Ka Man sa ABS-CBN. At sa kanyang pagbabalik-showbiz, nakita sa batikang actor ang isang malalim at mapagdasal na tao. Natataka rin ang marami at karamihan sa tumatawag sa kanya ay ‘pastor'.

"I'm not a pastor. But probably they see me as serving the Lord, you know. Maski na dito sa busy schedules ko ngayon, I still serve God, I find time for God. I serve him in such a way na sa mga Bible studies, sa mga speaking engagement kapag na-i-invite ako sa mga churches to be the speaker. So, yun yung bakit nila ako tinatawag na ‘Pastor'," pahayag niya.

Dagdag pa niya, "My pastor said that I am an evangelist. Ako naman, since pastor po yung ang nagsasabi nun eh I still claim and receive that God, yun yung parati sinasabi ko. Hindi naman ako naghahanap ng titulo regarding sa pag-se-serve sa Lord. I just want to be me. Kung saan niya ako papuntahin, alam mo na mangyayari."

Continue reading below ↓

Nitong nagdaang Pasko, kasama ni Philip ang kanyang sanggol na anak na isang taon na.

"Definitely, it's going to be with him, kasama ko sa bahay. Simple lang siguro. Hindi na ako naghahanap ng kagaya dati na. Basta intact lang kami. Si Emma, ako at siya. Happy na kami noon, happy na kami. Tapos, kung meron sa mga ibang anak ko na gustong pumunta, okay lang din.

Mahalaga rin para kay Philip na magkita-kita din sila ng mga matatalik niyang kaibigan na sila Bong Revilla, Jinggoy Estrada at Rudy Fernandez.

Ani Philip, "Kasi kapag ganyan, Christmas and New Year, siyempre, sa kanya-kanyang pamilya kami pero we find time na magkita-kita kami. Minsan pupunta sa bahay ni Jinggoy or sa bahay ni Daboy or sa bahay ni Bong. Pero nagkikita-kita kami. Hindi puwedeng hindi kami magkita-kita. We see to it na intact pa rin kami.

Pero importante para kay Philip na parating pasalamatan pa rin ang mga biyaya na natatanggap.

Continue reading below ↓

"So, bago magsara ang taon, dapat lahat tayo magpasalamat kay Lord sa nagawa niya sa buhay natin, sa bawat isa sa atin. Dapat walang tigil ang papasalamat sa kanya kasi He's our Creator. Kung ano nga iyang posisyon ng bawat isa sa atin, kung ano yung naabot natin, at kung ano pa yung naabot natin, manggagaling sa kanya. Siya ang nagpla-plano ng lahat, especially when you tell him, ‘Lord, I surrender my life to you. Ikaw ang bahala sa akin. Whatever you want me to do, kung ano ang gusto mo ibigay sa akin, thank you,'" pagwawakas niya.

Read Next
Read More Stories About
Philip Salvador
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Noon kasi may plano akong ganito, may plano akong ganyan. Ngayon ang gusto kong mag-plano para sa akin ay si Lord. Kung ano yung plano niya for me, and I will accept it. Ganoon lang iyon. Basta, hindi niya tinitigilan ang blessings para sa akin," noted actor Philip Salvador said. He has made his showbiz comeback, albeit on the small screen in ABS-CBN's Maging Sino Ka Man.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results