Iza Calzado's top wish is to buy house of her own this year

IMAGE 0


"Sana this year talaga ay mahanap ko na 'yong bahay na hinahanap ko, talagang mabili na pasok sa budget ko," says Iza Calzado.



Isa ang aktres na si Iza Calzado sa hindi nagmamadali pagdating sa pag-aasawa dahil, para sa kanya, ang top of the list sa kanyang New Year's wishes ay ang makapagpundar ng sarili niyang bahay. Sa pakikipag-usap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Iza sa premiere night ng Desperadas, sinabi niya na umaasa siyang makabili na siya ng bahay this year.



"Sana this year talaga ay mahanap ko na 'yong bahay na hinahanap ko, talagang mabili na pasok sa budget ko. Nasa location na gusto ko at saka 'yong mararamdaman ko para sa akin 'yon, kasi nagre-rent pa rin ako hanggang ngayon, e," saad ni Iza.

Nang sabihin namin sa kanya na ang akala namin ay mas prayoridad niya ang pag-aasawa ay agad siyang nag-react.

"Hindi ko naisip 'yon, not this year," sabi ni Iza. "Hindi ko talaga naiisip kasi trabaho muna, bahay muna. Sabi ko, hindi ako magpapakasal hangga't wala akong bahay, e."



Di ba dapat ang magiging asawa niya ang magbibigay nito sa kanya?



"Sabi ko, bahay ko, di ba?" diin niya. "Kumbaga, 'yong akin para kahit ano man ang mangyari, masasabi mo agad na may maituturing kang sa 'yo."



KISSING SCENES. Sa pelikulang Desperadas ay may mga kissing scenes ulit si Iza sa leading man niya na si TJ trinidad. Dahil dito, posibleng isipin na nalilinya na siya sa mga ganitong eksena, tulad sa katatapos lang na Batanes kung saan nagkaroon siya ng kissing scenes kina Ken Chu ng F4 at Joem Bascon.

"Grabe naman!" bulalas niya. "Parang sa Sabel, di ko ginawa kay Wendell [Ramos] 'yan. Hindi naman grabe ang halikan namin ni Ken Chu, magkaiba."

Ipinaliwanag din ni Iza na maraming mga angulo na kinunan sa kissing scene nila ni Ken sa Batanes, samantalang yung sa kanila ni Wendell sa Sabel ay mahabang tuluy-tuloy na halikan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Base sa mga maiinit na kissing scenes ni Iza sa kanyang mga leading men ay biniro namin siya na mukhang sanay na siya sa pakikipaghalikan. Biglang napa-"Ano ba 'yon!" ang magandang aktres.

"I think, kasi a lot of people kapag di sila nakaka-kiss nang tama, they always think about what other people would say about what they are doing," sabi ni Iza.



Para kay Iza, ang halik na ginagawa niya sa pelikula at soap opera ay halik na para lang sa screen.



Paliwanag ni Iza, "Nararamdaman ko na mayroon akong hinahalikan, pero it's not like I'm thinking about that. Kasi I'm thinking of the right angle na makikita ako. Pati ang movements ng mga kamay ko, dapat may tamang timing 'yan at ito ang mga naiisip ko habang nakikipaghalikan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN