Ynna Asistio laughs off involvement of mom Nadia Montenegro in controversy

IMAGE 0


"Hindi nga maganda yung matsismis si Mommy kay Tito Jimwell. She would never do that," says Ynna Asistio (in photo) about report linking her mother, Nadia Montenegro, to former actor Jimwell Stevens.



Natatawa na lang ang anak ni Nadia Montenegro na si Ynna Asistio dahil sa pagkakasangkot ng kanyang ina sa naging marital problem nina Rochelle Barrameda at Jimwell Stevens.



Sabi ni Ynna sa panayam sa kanya ng PEP (Philippine Entertainment Portal), naging mabuting kaibigan lang daw ang kanyang ina sa mag-asawa. Imbes na hangaan ay may nagkalat pa ng masamang tsismis tungkol sa kanyang ina at kay Jimwell.



"Tito Jimwell is very close to my mother," diin ni Ynna. "Tanda ko pa nga, batang-bata pa ako, magkaibigan na sila talaga. Pati si Tita Rochelle, very close kay Mommy. Hindi nga maganda yung matsismis si Mommy kay Tito Jimwell. She would never do that. Kilala rin ni Daddy [former Caloocan Mayor Boy Asistio] si Tito Jimwell kaya imposibleng may ganung tsismis between my mom and Tito Jimwell."



Ayon pa kay Ynna, isang gabi lang daw nakitulog si Jimwell sa bahay nila sa Caloocan City. Kinabukasan daw ay umalis na ito at umuwi sa kanilang bahay.



"Nagkaayos naman na yata sila ni Tita Rochelle. Parang napanood ko sila sa isang talk show and they're okay na yata. Sa nangyari, medyo naapektuhan si Mommy kasi nga, pareho niyang kaibigan sila Tito Jimwell and Tita Rochelle. Nabigyan lang ng malisya talaga. Pero later on, pinagtawanan na lang ni Mommy ang lahat. Mabuti nga raw at nagkabalikan ang dalawa or else, baka hanggang ngayon ay natsitsismis pa sila," kuwento ni Ynna.



Nabanggit ba ni Nadia sa kanya kung sino ang pinaghinalaan nito na nagkalat ng malisyosong text message?



"Ay, hindi ko na po tinanong kay Mommy ‘yon!" sagot ni Ynna. "Kasi, usapang matanda na 'yan. Ang importante ay absuwelto si Mommy sa tsismis at nagkabalikan ang mag-asawa."



CAREER PLANS. Samantala, after ng La Vendetta ay pahinga raw muna si Ynna dahil halos magkasunod ang mga shows na ginawa niya sa GMA-7, gaya ng Who's Your Daddy Now? at Mga Mata ni Anghelita. Magko-concentrate muna raw siya sa kanyang studies.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"After kasi ng Mga Mata ni Anghelita, sumunod agad ang La Vendetta kaya nawalan ako ng time na magpahinga. In between kasi, I go to school at sa may Alabang pa ang pinapasukan kong school. Right now, wala pa naman silang sinasabi na next show ko kaya studies muna ang haharapin ko," paliwanag ni Ynna.



Kung may mami-miss man si Ynna, iyon ay ang naging partner niya sa La Vendetta, ang commercial model-actor na si Joseph Marco. Hindi raw kasi nabigyan ng chance na umikot ang istorya sa kanilang dalawa, pero nag-enjoy naman siyang katrabaho si Joseph.



"Hindi rin kami masyadong nakapag-bonding ni Joseph kasi nga busy rin siya. Sa taping lang kami nakakapag-usap, pero mabilisan kasi kinukunan kami agad. Kapag tapos na taping namin, umaalis siya kaagad.



"Nitong huli lang kami nagkakasama ulit and I know so little about him. Pero mabait si Joseph at parating naka-smile. Given a chance, I want to get to know him better. Sana magkasama ulit kami sa isang show since he's under GMA Artist Center na," pagtatapos ni Ynna.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN