Katrina Halili celebrates her 22nd birthday at Barrakz Bar

IMAGE 0


"Kung hindi naman ako papabayaan ng GMA-7, bakit naman po ako lilipat? Kahit mas malaki pa ang bayad sa kabila hindi ako masisilaw sa mas malaking offer na pera," Katrina Halili tells PEP during her birthday celebration last January 5.


Masayang ipinagdiwang ni Katrina Halili ang kanyang 22nd birthday noong January 5, sa Barrakz Bar sa Tomas Morato, Quezon City.

Present ang PEP (Philippine Entertainment Portal) sa simpleng birthday celebration ng aktres at happy naman ang sexy star sa pagdating ng kanyang mga close friends at mga taga-entertainment media. January 4 ang actual na kaarawan ng dalagang produkto ng StarStruck 1 kaya last Friday nga ay inasalto siya ng mga kasama sa Marimar sa pangunguna ng director nitong si Joyce Bernal.

"Wala nga akong cake, kasi walang nagmamahal sa akin," nakatawang saad ni Katrina. "Biglaan din kasi ito, and noong una, parang mga friends lang tapos yung mga taga-press. Parang tsikahan lang at inuman.

"Inasalto kasi ako nina Direk Joyce [Bernal] and company. Kasi sinasabi nila, noong Christmas party ng Marimar wala rin ako dahil may trabaho, e." Ang birthday wish niya ay typical na Katrina, dahil puro trabaho pa rin ang nasa utak ng young actress.

"Birthday wish ko, maging happy at sexy kahit loveless at saka maraming trabaho. Iyon ang importante sa akin, trabaho and happiness, saka na ang love life, next time na iyon dahil baka bigla akong mapakasal niyan, e."

Kumusta na ba sila ni Marian Rivera? "Okay naman kami e," matipid na sagot ng two-time FHM Philippines' Sexiest Woman.

Binati ka ba niya noong actual na birthday mo? "Opo, magkasama kami, pero tulog siya siguro or wala na. Hindi kami nagkita, hindi kami nagkita."

Sa kainitan ng party ni Katrina, humataw sa dance floor ang sexy star, kasama sina Direk Joyce at Sheena Halili.

Kabilang pa sa mga bisita ni Katrina that night sina Andrew Schimmer, Marco Alcaraz, Bing Loyzaga, Paolo Paraiso, Michael Roy, Sheena Halili, Alvin Aragon, at Arturo (kaibigan ni Sergio sa Marimar).

Ukol naman sa posibleng paglipat ni Cristine Reyes sa ABS-CBN, hudyat kaya ito na maging magkaribal sila sa trono bilang hottest sexy young star ng bansa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi naman po siguro, sasama na lang ako kay Cristine. Ay, joke lang!" pilyang sagot pa ni Katrina, sabay tawa nang malakas.

Pero biro nga lang kaya iyon lalo't sa January 31 ay matatapos na ang kontrata ni Katrina sa GMA Artist Center?

"Matatapos na nga po this January 31 and kung may offer na mas maganda mula sa iba? Hmmm...Kung hindi naman ako papabayaan ng GMA-7, bakit naman po ako lilipat? Kahit mas malaki pa ang bayad sa kabila hindi ako masisilaw sa mas malaking offer na pera.

"Basta po ako, loyal ako sa kanila [GMA-7] basta loyal din sila sa akin, patas lang dapat hindi ba? Ganoon kasi dapat e, give and take," pagtatapos ng birthday girl.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN