Good news para sa mga pet lovers!
Simula February 10, 2020, maari ka nang bumiyahe katabi ang iyong pet dog or cat sa public utility vehicles (PUVs), particularly buses, jeepneys, o UV Express service, basta't sila ay nakalagay sa pet carrier o cage, nakasuot ng diaper, at free from foul odor.
Ang bagong batas na ito, filed under Memorandum Circular Number 2020-003, ay inaprubahan ni Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Chairman Atty. Martin Delgra III at inanunsyo ni Ako Probinsyano Party-list Representative Ronnie Ong sa kanyang Facebook account noon ding February 10, 2020.
Ayon kay Rep. Ong, ang batas na ito ay kanilang ipinasa sa LTFRB upang mabigyang linaw ang mga vague points sa Memorandum Circular No. 2019-019 na inaprubahan na ng LTFRB noon pang April 15, 2019.
He elaborates in his Facebook post, "Last November, we discussed with LTFRB our proposed amendments to their Memo allowing pets onboard PUVs [public utility vehicles] like buses.
"Alam po natin noon na nagkaroon ng mga ‘di pagkakaunawaan sa naunang Memo dahil vague kung ano nga ba ang 'designated animal compartments' na puwede natin isakay ang ating pets habang nasa biyahe.
"This is why we submitted a petition po to LTFRB last December to revise and amend the said memo to allow pets INSIDE PUVs and let them be seated beside their owners as long as they are in crates/dog bags, wearing diapers and they are free from any foul odor."
Aside from making sure na malinis ang iyong pet, nakasuot ng diaper, at nakalagay sa isang cage or carrier tuwing kayo'y magbabiyahe, may ilan pang conditions na dapat mong sundin bilang isang responsible fur parent:
- Siguraduhin na ang pet dog na iyong isasakay sa PUV ay small to medium sized lamang. "Those large and giant dogs shall not be allowed," sabi ng LTFRB. You may check in which category your dog belongs by clicking this link.
- Ilagay lamang ang pet cage or carrier sa iyong tabi habang nakasakay kayo ng iyong pet sa PUV.
- Ang pamasahe ay base sa upuang nasakop na iyong pet.
