Ex-"PDA" scholar Panky Trinidad breaks her silence on past issues

IMAGE 0


"Ano lang kami, MU [mutual understanding]. Pero hanggang doon na langang sasabihin ko. Siguro po siya na lang ang tanungin ninyo," says Panky Trinidad about rumored boyfriend Chad Peralta (inset).



Matapos ang ilang buwan na pananahimik, lumantad na ang ex-Pinoy Dream Academy (PDA) scholar na si Panky Trinidad para sagutin ang lahat ng negative issues na ibinato sa kanya bago kumalas sa management ng direktor na si Laurenti Dyogi, ang Dream Big Productions, noong nakaraang taon.

Matatandaan na malaking kontrobersiya ang nilikha ng pagpunta niya sa U.S. para sa isang konsiyerto kasama ang ilang first batch ng PDA scholars na sina Ronnie Liang, Chad Peralta, Irish Fullerton, Jay-R Siaboc, pati na rin ang grand winner na si Yeng Constantino. Nabalita noon ang paninira sa loob ng kuwarto sa hotel na tinuluyan nila sa U.S. at lumabas din na naglasing ang grupo, maliban kina Yeng at Ronnie.

"Sobrang below-the-belt yun. Ang Mommy ko, galit na galit noon kasi alam niyang hindi totoo yung mga sinasabi about me. Pero sinabihan ko siya na, ‘Please don't say anything.' At sinabihan ko rin siya na huwag magbasa," lahad ni Panky sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon na ipinatawag ng kanyang bagong manager na si George Roca para sa birthday concert ng isa pa nitong talent na si Ronnie Liang sa February 3 sa Metro Bar.

Dagdag pa ni Panky, "I opted to remain quiet kasi okay lang sa akin na husgahan ako ng mga tao, kasi hindi naman nila ako kilala. Parang iniisip nila agad, ‘Si Panky malaki ang katawan kaya ganyan...' Hindi ako ganun. Sweet akong tao."

Ayaw nang idetalye ni Panky kung ano ang eksaktong nangyari sa loob ng kuwarto ng hotel sa U.S. kasi naka-move on na raw siya at bagong taon na.



"Hindi lang naman kasi isang gabi yun [magkakasama sila ng ex-PDA scholars sa hotel]. It was a series of nights na magkakasama kami," sabi niya.

Naglasing nga ba sila nung gabing tinutukoy na nanira sila sa hotel?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"That's not true. As if hindi kaya ako allergic sa beer? Yes, allergic ako sa beer kaya paano ako maglalasing?" ang mabilis na sagot ng singer.

Tungkol sa balitang siya raw ang nagpasimuno na lahat at siya rin ang itinuturong BI (bad influence) sa grupo, heto ang pahayag ni Panky: "Hindi ako ipokrita na sabihin na nasaktan ako doon. Sobrang nasaktan ako na pinalabas nila na BI ako sa grupo. Hindi ako BI.

"Parang ngayon, nag-evolve na ako talaga. Parang Angelina Jolie po kasi ako, e, na nung bata, parang lalaki kung gumalaw. Pero kita n'yo naman si Angelina ngayon. Ako, gusto ko ring magkaanak. Gusto kong makita ang mga anak ko in the future. Hindi pa ngayon kasi mag-iipon pa ako para sa kanila."

Tomboy nga ba siya?

"Girl po talaga ako ever since," giit niya.

Nag-drugs din daw sila sa kuwarto, totoo ba?

"Ay, wala po!" tanggi niya. "Hindi naman siguro ako lalaki ng ganito kung nagda-drugs ako."

SINGING CAREER. May kasunod pang mga isyu na nasulat tungkol sa insidente sa loob ng hotel room. Nag-dialogue rin daw siya noon ng ganito: "I don't need this shit [show business]!'" Kaya ang dating noon sa publiko ay tatalikuran na niya ang showbiz.

"Never ko po yun sasabihin. Sila kaya? Kung nasa tamang isip sila, sasabihin nila yun? Hindi ko masasabi yun dahil gusto ko talagang kumanta. Nung malaman ko na may lumabas na ganun, iniyakan ko siya ng isang buong araw. Never akong nag-comment ng ganun. Kung ayaw ko na dito, e, di sana pinabayaan ko na lang.

"Kaya nagpapasalamat ako kay Kuya George. Mabuti tinanong niya ako kung gusto kong magpa-manage sa kanya. Kung hindi sa kanya, mahihirapan na ako na bumalik, and he thinks talaga na may magagawa siya sa akin," mahaba niyang paliwanag.

Tinanong din namin si Panky kung na-disappoint ba siya sa mga co-PDA scholars niya dahil wala man lang nagtanggol sa kanya o i-clear man lang ang pangalan niya sa mga negative issues na ibinato sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hmmm... Mas nasaktan po ako kesa disappointed sa mga nangyari dati kesa sa mga kasamahan ko na tumalikod sa akin," aniya.



CHAD PERALTA. Nang tanungin siya sa napabalitang relasyon nila ni Chad, "Hindi po" ang kanyang naging sagot.

Sa pagpapapatuloy niya, "Ano lang kami, MU [mutual understanding]. Pero hanggang doon na lang ang sasabihin ko. Siguro po siya na lang ang tanungin ninyo. Pero kami kasi ni Chad, masyado lang kaming nagkakaintindihan sa maraming bagay."

Kumusta na sila ngayon?

"Nagkukumustahan kami. Nagte-text kami sa isa't isa," sagot niya.

Gaano kadalas?

"Palagi. Laging open yung communication naming dalawa. Ngayon po okay naman daw siya. Nung sumali nga siya sa [Pinoy] Mano-Mano, sabi niya sa akin, manood ako. E, sabi ko, ayoko. ‘Tapos nag-text siya sa akin ng ‘I won.' Ganun lang kami ni Chad," pagtatapos ni Panky.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN