Jennylyn Mercado wishes to have a baby girl

IMAGE 0


Though Jennylyn Mercado's projects were shelved after she announced her pregnancy, she's thankful that she still has GMA-7's support.


Nakakuwentuhan namin si Jennylyn Mercado sa last taping dayng GMA-7 suspense-thriller series na La Vendetta, naginanap sa Mega Dike sa Gasak, Pampanga.

Tatlong eksena ang kinunan kay Jennylyn kasama ang ibang pangmembers ng cast ng naturang series na kinabibilangan nila Sunshine Dizon, JeanGarcia, Paolo Contis, Polo Ravales, at iba pa. Sa pinakahuling week ng La Vendetta ay malalaman na kung sinoang pumatay sa character ni Jennylyn (Almira) at masasagot na rin ang lahat ngkatanungan na matagal nang inaabangan ng mga manonood nito.

Napansin namin na may hawak si Jennylyn na malaking mangganghilaw sa set. Hindi nga lang daw niya ito nakain dahil walang asin sa set.Nakaalis na raw kasi ang catering nang maisipan niyang kumain ng mangganghilaw.

“Kung anu-ano na ang gusto kong kainin. Minsan gusto komatamis. Minsan gusto ko ng maasim. Paiba-iba kaya ang hirap! Mahirap pala angbuntis!” sabay tawa niya.

Marami na nga raw nararamdamang pagbabago si Jennylyn sakanyang katawan sa first trimester ng pagbubuntis niya. Maya’t maya raw ayparang umiikot ang sikmura niya kaya nakakaramdam siya ng pagsusuka.

“Bigla na lang kasi nag-iiba ang feeling ko. Kaya para akonglaging nasusuka. Mabuti na lang kanina,natapos na yung kinunan na scene kasi sumama ulit pakiramdam ko. Pero mabilisnaman ako maka-recover. Uupo lang ako at okey na,” ang kuwento pa ni Jennylyn.

Hindi raw gusto ni Jennylyn ang amoy ng mga sabon na panlinisat panlaba. Nahihilo raw siya kapag nakakaamoy siya ng mga gano’n.

Aniya, “Mas naging sensitive ang pang-amoy ko talaga. Kapag nakaamoyako ng mga sabong panlaba or mga panlinis ng sahig at banyo, bumabaliktad angsikmura ko. Pero yung mga pabango, okey naman. Huwag lang yung may mgachemicals na panlinis.”

Nang usisain siya tungkol sa gusto niyang maging anak, sana babae raw dahil aayusan niya ang baby na parang manika. Pero halos lahat daw ng nakakakita sa kanya ay nagsasabinglalake raw ang ipinagbubuntis niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“As in lahat nang mga bumati sa akin na mga mommy na sinasabina boy daw ang magiging baby ko,” ngiti ni Jen. “Nagtataka nga ako, paano nilanalalaman? Sinasabi nila na nag-iba raw ang hitsura ko. Kitang-kita raw nila nalalake ang magiging anak ko.

“Si Mama [Lydia Mercado] nga sinabi sa akin na ang panget-pangetko na raw. Siguro raw lalake ang magiging anak ko kasi parang umiitim ako.Naku, sayang naman ang pag-endorse ko ng MET kung iitim ako!” malakas na tawapa ni Jennylyn.

Pinaiiral na naman ni Jennylyn ang kanyang professionalism satrabaho kahit na maselan ang kalagayan niya. Ayaw naman daw niyang may mgamaapektuhan dahil lang sa buntis siya.

“Ayoko naman na may masabi sila sa trabaho ko. Ayokongmaging problema ako. Ito namang LaVendetta, commitment ko naman ito sa GMA-7. Nagpapasalamat nga ako sa GMA-7kasi nagparamdam sila ng suporta sa akin at kay Patrick [Garcia]. Mabuti nalang at nakunan na ang mga last scenes ko kaya mapapanood pa nila ako sa hulingweek ng La Vendetta,” ang sabi pa ng first female winner ng Starstruck.

Magkakaroon din si Jennylyn ng anniversary-pre-Valentineshow na magaganap sa Zirkoh Timog Avenue titled Thanks To You on February 2.Isang special show ito for Jennylyn dahil baka ito na raw ang huling pagkakataonna mag-live show siya dahil ang pagbubuntis na ang haharapin niya.

Ayon kay Jennylyn, “Noong December 2007 pa kasi naplano ang show na ito atnagkataon nga na may magandang nangyari sa akin sa pagpasok ng 2008. Kayakasama iyon sa ipagpapasalamat ko sa ika-5th anniversary ko sa showbiz. Manoodsila kasi baka ito na ang last time na mapanood nila ako sa stage nakumakanta.”

May ilang special guests si Jennylyn sa kanyang show peromari-reveal lang daw iyon sa mismong gabi ng show niya sa Zirkoh. Sabay na rinito ng promo niya para sa kanyang bagong album na produced ng GMA Records.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Fortickets, tumawag lang sa 0918-9375216 or 486-6179.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN