Actress Jean Saburit claims she was physically attacked by daughter Nicole Anderson

IMAGE 0


"‘Nicole, I can't believe na anak kita.' Sabiko, ‘Kasi hindi ako ganyan sa magulang ko. Kanino ka nagmana? Or is it yourfriend?'" narrates Jean Saburit (left) in her interview in The Buzz abouther heated argument with daughter Nicole Anderson (right). Jean is referring to young actress Bianca King (inset), whom the veteran actress considers a bad influence on her daughter.


Walang pag-aalinlangang inamin ng aktres na si JeanSaburit ang bali-balitang sinaktan at nilayasan siya ng kanyang dalagang anakna si Nicole Anderson.

Sa exclusive interview ng The Buzz na ipinakitakahapon, January 13, ikinuwento ni Jean ang mainit na pagtatalong naganap sapagitan niya at ng kanyang anak ilang oras matapos sumapit ang Bagong Taon.

Kuwento ni Jean, "Pagdating niya, may tinatanong akosa kanya kung nasaan yung Louis Vuitton bag ko. 'Tapos sabi niya, ‘This is not the time to talk about it.' Sabi ko, ‘When is the time to talk about it,Nicole? You're never home.'"

Hindi umano inakala ni Jean na aabot sa pagiging pisikal angargumento nila ng kanyang 18-year-old na anak.

"'Tapos lumaban siya sa akin," patuloy ni Jean. "Paglaban niya sa akin, tinadyakan niya akosa ano, sa tiyan. Nung nasa floor ako,nakatayo lang siyang ganyan.

"Sabi niya, ‘You started it.' Sabi ko, ‘Nicole, I can't believe na anak kita.' Sabi ko, ‘Kasihindi ako ganyan sa magulang ko. Kaninoka nagmana? Or is it your friend?'"

Ang kaibigang tinutukoy ng dating aktres ay ang young actress na si Bianca King. Sapaglalarawan ni Jean, nagbago raw si Nicole simula nang mapabarkada siya kayBianca. Dagdag pa niya, may pagkakataonpa raw na lumayas si Nicole at kina Bianca siya nakitira.

Dagdag ni Jean, "Simula nangmabarkada kina Bianca, this was two years ago, nag-argument kami [Nicole]. Tinext ba naman siya ni Bianca, ‘You'restupid, b*tch, mom.' And who is she to tell me na b*tch ako? Na stupid ako?"

Pagtataka pang sinabi ni Jean, "Kung talagang kaibigan mosila, bakit ka nila ie-encourage na maglayas? Dapat ine-encourage niya [Bianca] yung anak ko na bumalik sa akin, diba? Na asikasuhin yung pag-aaral saStates?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dahil sa mga pangyayari, isang mensahe ang inihayag ni Jeanpara sa anak. Aniya, "Nicole, I am not perfect, okay? I'm sorry if I screwed up before o kung may nakita kang hindi maganda saakin. Pero siguro naman, favor naman,siguro kung may nagawa man akong negative, hindi mo na nakita yung magagandangnagawa ko. Kung ano'ng gusto niya, ibinibigay ko. Why are you treating melike this?"

Samantala, sumama din ang loob ng dating aktres nang malamanniya na boyfriend na pala ng kanyang dalaga si Jeremy Marquez, ang panganay na anakng komedyanteng si Joey Marquez.

"Mukha nga akong tanga, ako nga yung huling nakaaalam, e,"salaysay ni Jean.

Tila wala talagang kaalam-alam si Jean sa pakikipagrelasyonng kanyang anak kay Jeremy dahil natanong pa nito na, "Si Jeremy yungnakabuntis nung babae, yun ba yun?"

Patuloy pang pagtatanong ni Jean sa The Buzz,"Matanda na yun, di ba? Eighteen lang yung anak ko, e. E, kung buntisin niya yung anak ko? Papakasalan ba niya yung anak ko?"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN