Actress Jennifer Sevilla pregnant with her first child

IMAGE 0


"Kaya pala noong nagdaang Christmas at New Year, tamad na tamad akoparati. As in lagi akong inaantok pero matakaw ako. Lahat ng makitakong pagkain, gusto kong tikman," narrates Jennifer Sevilla about her first few days of pregnancy.



Masayang ibinalita ng former That's Entertainment mainstay na si Jennifer Sevilla na one-and-a-half months pregnant siya sa una nilang baby ng kanyang mister na si Seymour Go.



Noong November 11, 2007 lang ikinasal si Jennifer at kanyang longtime beau na si Seymour sa isang simple wedding ceremony, na ang dumating ay mga relatives at close friends lang ng mag-asawa.

Kuwento ni Jennifer sa PEP (Philippine Entertainment Portal), pagkatapos ng kasal ay dumiretso na sila sa kanilang honeymoon. Hindi nga ini-expect ng 33-year-old actress and businesswoman na mabilis siyang mabubuntis.



Kuwento niya, "Kaya pala noong nagdaang Christmas at New Year, tamad na tamad ako parati. As in lagi akong inaantok pero matakaw ako. Lahat ng makita kong pagkain, gusto kong tikman.



"Weird nga kasi hindi naman ako ganun. Mapili ako sa food, pero during those days, talagang gusto kong kumain lang nang kumain. ‘Tapos noong mag-New Year na, parati akong nahihilo at madali akong mapagod. Yun pala, magiging mother na ako!" natatawang lahad ni Jennifer.



Last week lang daw na-confirm ni Jennifer at ng kanyang mister na magkaka-baby na sila. Noong mag-iba na ang pakiramdam ni Jennifer sa kanyang sarili, nagpa-check up na siya sa kanyang doctor at sabay sinabihan sila ng congratulations dahil may baby na nga sila.



Ayon pa kay Jennifer, magpapadala pa lang daw sila ng kanyang mister ng kanilang wedding photos sa mga dumalo sa kanilang kasal. Pero may kalakip na raw itong note na she is already pregnant.



Ngayon daw ay pinaglilihian ni Jennifer ang Fuji crunchy apples at spaghetti with red sauce. Nagpahanap pa nga raw siya ng Twin Popsies popsicle sa kanyang mister kahit na sobrang late na ng gabi.



"That was last week. Nag-crave ako ng ice cream at naisip ko yung Twin Popsies. Paborito ko kasi ‘yon noong bata pa ako. Nagpahanap talaga ako kay Sey kahit na gabing-gabi na," kuwento ng aktres.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Labis na kinatutuwa ng mag-asawa na before dumating ang Christmas 2008 ay may sarili na silang baby. Pero nalungkot lang si Jennifer nang maisip niya ang kanyang mga magulang na magkasunod na pumanaw. Hindi na raw nila makikilala at mahahawakan ang apo nila.



"Yun nga lang ang malungkot because‘yun pa naman ang gusto nina Mommy at Daddy noong nabubuhay pa sila," sabi ni Jennifer. "Dapat kasi matagal na kaming nag-settle down ni Sey, pero nagkasakit si Daddy and eventually he died. So we had to postpone the wedding after a year. ‘Tapos si Mommy naman ang nagkasakit and she left too. Kaya for two years, naging malungkot talaga ako because nag-iisang anak na nga lang ako, nawala pa sina Mommy at Daddy. Mabuti na lang Sey was there and our close relatives.

"Naghintay pa rin kami ng one more year para makasal kami. Wish nga ng mga parents ko na magkaroon na sila ng apo. But I know na parati ko silang kasama in spirit. Alam ko na masaya sila because magkaka-baby na ako."



Ang mga naging kasabayan ni Jennifer sa That's Entertainment na sina Sheryl Cruz, Manilyn Reynes, Kristina Paner, Donna Cruz, Jessa Zaragoza, at iba pa, ay may kanya-kanya na ring pamilya. Huling napanood si Jennifer sa Pati Ba Pintig ng Puso at Mga Mata ni Anghelita ng GMA-7.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN