Ai-Ai delas Alas advised by lawyer not to face her son's alleged assailant yet

IMAGE 0


Amidst the crisis that Ai-Ai delas Alas and herson are going through, the actress says that they never forget to seek help fromGod. She says that to calm herself, "Nagdadasal, yun lang naman ang kaya naming gawin today, huminging strength."


Nagpakita na diumano ngayong hapon, January 16, sa NationalBureau of Investigation (NBI) ang kahero ng Mini-Stop na sinasabing nambugbogsa anak ni Ai-Ai delas Alas.

Kaninang hapon din diumano nakatakdang tukuyin ng kanyanganak kung ang taong iyon ang nambugbog sa kanya sa Mini-Stop sa P. NovalStreet, EspaƱa, Manila.

Ibig sabihin ba nito ay makikita na niya ng harap-harapanang taong nanakit sa kanyang panganay na anak?

"Hindi muna," matipid na sagot ni Ai-Ai sa interviewkanina sa kanya sa press conference ng Volta sa 9501 Restaurant, ABS-CBNcompound. Paliwanag niya, "In-adviseako ng attorney ko , siguro it's not proper na hindi ko muna siya makita kasibaka madagdagan yung kaso."

SESSIONS WITH PSYCHIATRIST. Ayon kay Ai-Ai naging traumatic para sa kanyang anak ang mgapangyayari kaya naman isinailalim niya ang kanyang anak sa ilang sessions withpsychiatrist upang matulungan siya.

Ayaw man tukuyin ng comedienne ang trauma na nararanasan ngkanyang anak, inamin ni Ai-Ai na nararamdaman niya ang mga ito. Aniya, "Marami pero siyempre hindi ko langma-identify medically pero feeling ko marami."

Sinabi pa niya, "Hindi naman drastic ang changes niya peronoong bagong nangyari yun, sinabi niya din sa psychiatrist na may times nanagigising siya bigla, nagugulat. Siyempre, na-trauma yung bata. Hindi man niya aminin ng todo-todo, bata pa yun, e."

Bukod sa anak, maging mismong si Ai-Ai daw ay na-trauma sanangyari sa kanyang panganay.

Ayon sa kuwento ni Ai-Ai, "Every time na naalala ko, naluluhatalaga ako. Walang joke, hinditalaga. Hindi ko nga malaman... Ngayon kolang na-realize na ang nanay pala talaga ganun ang pakiramdam [mas nasasaktan]. And every time naalala ko, nai-imagine ko kung ano yung ginawaniya sa anak ko.

"Helpless yung bata. Kung meron man siyang counter na labandun, still hindi pa rin kasi alam mo yung shock, e. may shock yung bagets. Ako rin, hindi ako makapaniwala na may mgataong gumagawa ng ganun. And in spiteof nagawa nila, mayroon pa silang karapatan gumawa pa ulit ng ibang counter nagagawin against us."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ng aktres, kahit ano pang mangyari, ang anak parin niya ang kawawa sa situwasyong kinalalagyan niya.

"Naaawa ako sa anak ko kasi sa lahat naman ng gulo na 'to,ang ending yun mararamdaman niya, e, kasi siya yung nabiktima and siya yunghaharap sa court. Kawawa naman yungbata," malungkot na pahayag ni Ai-Ai.

Sa ngayon, determinado pa rin ang aktres na ipagpatuloy anglaban para sa kanyang anak. Nakahanapna rin sila ng ilang saksi diumano sa pangyayari, na puwedeng humarap sa kortepara sa kanila.

"Sabi ko nga, angsuwerte naman ng anak ko, mayroong nakakita sa kanya mismo doon," malugod nabalita ng aktres.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN