Happy Birthday, Tita Angge!

IMAGE 0


Tita Cornelia Lee, (middle) together with Bayani Agbayani's wife Lenlen (left) and friend Sharon Cuneta (right).


Isang simpleng salu-salo para sa kanyang mgamahal sa buhay at malalapit na kaibigan at mga talents ang idinaos last Friday,January 18, sa tahanan ng talent manager na si Ms. Cornelia Lee namas lalong kilala sa showbiz circle bilang si Tita Angge or Tita A.

Bago ang celebrasyon, nagkaroon ng isang religiousprocession ng mga santo na bahagi ng koleksyon ni Tita Angge sa loob ngsubdivision kung saan nakatira si Tita A. Bilang isang relihiyosang Katoliko,nakagawian na itong gawin ng talent manager tuwing sasapit ang kanyang kaarawan,bilang bahagi ng kanyang pasasalamat.

Kasunod nito ang masaganang salu-salo atdumating ang halos lahat ng kanyang mga alagang tulad nina Sylvia Sanchez, EulaValdes, Lotlot de Leon, Mymy Davao, Glenda Garcia, Dexter Doria, SmokeyManaloto, Gary Lim, Noel Colet, ReubenManahan, Cris Villanueva, John Arcilla, Timmy Boy Sta. Maria at BayaniAgbayani. Nakita rin sa salu-salo ang mga TV executives ng ABS-CBNna sina Enrico Santos, Cathy Ochoa-Perez at Cory Vidanes, at ang TV director nasi Edgar "Bobot" Mortiz.

Tuwang-tuwa rin si Tita A sa pagdating ngnag-iisang Megastar na si Ms. Sharon Cuneta na malapit sa kanyang puso.

Ang highlight naman ng gabi para sa maykaarawan ay ang sorpresang pagdating na panganay na anak ni Tita Angge na si Imelda. Isang nursing student si Imelda atnagkunwaring hindi siya makakauwi ng bahay in time for her mom's birthday. Kaya naman, maluha-luha si Tita Angge nangbiglang dumating si Imelda galing sa duty nito na naka-uniporme pa, at may dala pang isang malaking bouquet ng bulaklak.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN