Rhian Ramos signs three-year exclusive contract with GMA Films

IMAGE 0


Young actress Rhian Ramos is now a certified GMA Films artist, having signed a three-year contract with the film arm of the Kapuso network.



Pumirma ng exclusive three-year contract ang young actress na si Rhian Ramos sa GMA Films kagabi, January 16, sa 17th floor ng Kapuso network. Kasama ni Rhian sa contract signing ang President ng GMA Films na si Annette Gozon-Abrogar, VP for Program Management Joey Abacan, and Rhian's mom, Mrs. Clara Howell.

Matatandaang ang GMA Films ang producer ng unang pelikula ni Rhian, ang The Promise, na pinagbidahan nina Richard Gutierrez at Angel Locsin. Sumunod dito ang horror film na Ouija, kung saan nakasama ni Rhian sina Judy Ann Santos, Jolina Magdangal, at Iza Calzado.

Bago napunta sa GMA-7 si Rhian ay nakita muna siya ni Annette Gozon-Abrogar sa commercial ng McDonalds. Pagkatapos nito ay kinuha siya bilang leading lady ni Richard sa Captain Barbell, na sinundan ng pagtatambal nilang muli sa Lupin.

Siyempre pa, masaya si Rhian sa pagpirma niya ng kontrata sa GMA Films.

"Nae-excite po ako tulad ng lahat ng suportang ibinigay nila sa akin dati. Siguro po, tuluy-tuloy na po yun, GMA Films na po talaga ako. Confident ako na mabibigyan ng projects na more challenging than before," pahayag ni Rhian.

Dahil nakagawa na ng love story (The Promise) at horror (Ouija) si Rhian, gusto naman daw ng young actress na mag-action sa pelikula. Nang tanungin kung sino ang gusto niyang maging leading man, ang isinagot ni Rhian ay walang iba kundi si Richard Gutierrez.

"Siguro dahil Richard was my first everything..." paliwanag ni Rhian, na ikina-react ng entertainment press. Kaya nilinaw ni Rhian na "in terms of career" ang ibig niyang sabihin.

"I would enjoy going back working with him," dagdag niya.

Tinanong din si Rhian tungkol sa nababalitang siya ang napipisil na gumanap na Dyesebel sa telebisyon.

Si Ms. Annette ang sumagot para kay Rhian. Aniya, "Basta surprise yung next project ni Rhian. Pinaghahandaan po talaga ng TV. Sabay kami naghahanda ng TV and movie. Magku-cooperate kami in building up Rhian's career."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Nakakontrata rin si Rhian sa Artist Center ng GMA-7, kung saan ang Tita niyang si Ida Henares ang head.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN