Jake Cuenca taken aback by rumor linking him to Jean Garcia

IMAGE 0


Young actor Jake Cuenca dismisses report that actress Jean Garcia was seen coming out of his house in Mandaluyong. Jake insists that he just knows Jean and there's nothing going on between them.



Last December 30, young actor Jake Cuenca turned 20 years old. Pero, aniya, hindi naman daw siya nag-host ng isang magarbong party sa pagsalubong niya sa kanyang kaarawan. Pero dalawa raw ang naging celebration niya. Yung una'y surprise from his non-showbiz friends which happened last December 26.

"Puro mga non-showbiz ‘yon. Pinaka-showbiz na siguro sa mga kaibigan ko na nandoon ay si Railey Valeroso [boyfriend of Chynna Ortaleza]. ‘Tapos noong 30, the day itself, pamilya ko na ang kasama ko. Konti lang kami, sa isang bar sa Greenihills, pero siguro mga sampu lang kami. Mga tita ko ang kasama ko since my parents are in Spain right now," kuwento ni Jake sa PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Palos kahapon, January 15, sa 9501 restaurant ng ABS-CBN.

When PEP asked Jake kung sa dalawang parties ba niya na yun ay parehong hindi present ang balitang naka-break na girlfriend niyang si Roxanne Guinoo, medyo matagal bago nakasagot si Jake.

"Dumaan din po siya..." sabi ni Jake nang makasagot na siya.

May birthday gift ba sa kanya si Roxanne?

"Opo, nagbigay po siyang regalo," pag-amin ng young actor.

ACCIDENT PRONE. Masasabing takaw-aksidente si Jake. Kung matatandaan, a year ago ay na-involve siya sa isang car accident, kasama ang kaibigan niyang si Andrew Schimmer. Last January 1 naman, malapit na sa bahay ni Jake, ay naaksidenteng muli ang binata habang dina-drive ang kanyang sasakyan.

Lahad niya, "Sumabog po kasi ang gulong ng kotse ko. Hindi ko na maipreno. Hindi ko maikambiyo. Medyo malaki ang bangga. Total wreck ang kotse. Pero kinabukasan naman po, ready na ako ulit mag-taping.

"Wala naman pong nangyaring masama sa akin. Alam ko po, kasama ko ang Diyos that time kaya malaki ang pasasalamat ko na wala naman nangyaring masama sa akin."

JEAN GARCIA. Samantala, pinakadiin-diin ni Jake sa PEP na magkakilala at nagkita lang daw sila ng aktres na si Jean Garcia sa Embassy Bar last month. Pero aniya, hanggang doon lang daw ‘yon. Tinatanong kasi namin kay Jake kung may katotohanan ba ang nakarating na balita sa amin galing sa isang very reliable source na may nakakita raw kay Jean na nagpunta sa bahay ni Jake sa Mandaluyong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Sobra naman! Nagkita lang po kami sa Embassy Bar. Pero prior to that, magkakilala naman kami dahil nagkasama po kami sa isang show ko sa GMA-7 noon, sa Majika," maikli at tila may himig pakiusap pa si Jake na hindi na dapat pang palakihin at gawing isyu ang tungkol sa kanila ni Jean.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN