Aldred Gatchalian and Valeen Montenegro keep cupid out of their

IMAGE 0


"I'm just open about possibilities, kasi itong lagi naming pagkikita niValeen, talagang naging very close na kami. Sa mga babaeng kakilala ko,siya na yung pinaka-special. Pero you will never know," says Aldred Gatchalian (right) about loveteam Valeen Montenegro (left).



Mukhang handa na ang tambalang Valeen Montenergo at Aldred Gatchalian for the big time. Naging maganda at positibo ang dating nila sa Ysabella, na nagwakas na sa ere noong Biyernes, January 18, kaya hindi kataka-taka kung darami ang projects sa ABS-CBN na magtatampok sa kanila.



Ever since, ayaw paikutin nina Valeen at Aldred ang ulo ng press at fans na kumukulit sa tunay na lagay ng kanilang tambalan sa tunay na buhay.



"Ganoon pa rin kami ni Valeen, working team pa rin ang category," natatawang sabi ni Aldred sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Pero totoo namang nakaka-inspire sa akin yung friendship naming dalawa. Kung hindi, e, wala sanang magic yung chemistry. Palagay ko, click kami sa fans dahil sa ganoon. At saka nagpapakatotoo lang kami. Ayaw naming manloko para lang mapag-usapan."



Natatawa lang si Valeen kapag ang anggulo ng ligawan sa kanila ang pinag-uusapan dahil walang nangyayaring ganoon.



"Alam naman ni Aldred 'yan, ever since. Alangan namang ako pa ang manligaw?" parang pagde-dare ang young actress kay Aldred.



"Pero irespeto na lang natin yung sinasabi niyang ayaw niya munang pasukan ng love angle yung trabaho. Kasi baka hindi maging totoo ang dating. Which, I think, is true. Let time reveal, sabi nga," nakangiting sabi ni Valeen.



Sabi nga nila, gusto nilang sundan ang mga yapak nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo although they still have a long way to go.



"Hindi naman nila naabot yun ng ganoon lang," pahayag ni Valeen. "Lagi kaming nag-uusap ni Aldred. Sabi ko sa kanya, kailangang maging honest kami with each other, para maiwasan yung mga samaan ng loob.



"Open dapat ang communication lines. Sayang yung loveteam kapag hindi napangalagaan. Kaya nakatutok kami rito. Yun din ang dahilan siguro kaya hindi nagpaparamdam man lang si Aldred!" at natawa na nang malakas si Valeen.



Medyo nahiya si Aldred sa puntong ito. Lumalabas kasing siya ang totorpe-torpe.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Hindi sa ganoon," sabi naman ng binata. "Marami nang nasirang loveteams dahil pinasukan ng ganyan, 'tapos kapag nagka-conflict, apektado pati ang trabaho. Yun lang ang iniisip namin ni Valeen. Nagsasalita lang siya ng ganyan dahil hindi pa ako nanliligaw. Iba ang sasabihin niyan kapag nanligaw na ako sa kanya, na ayoko munang sabihing gagawin ko, kung hindi pa naman ako handa talaga."

Pero mukhang mahihirapan si Aldred kapag nagkataon. Sinabi ni Valeen sa amin na super-strict ang father niyang si IƱaki Vicente, half-Spanish, half-Filipino.



"Wala pa naman akong dapat sabihin sa family namin, na may nanliligaw na sa akin," sabi ni Valeen. "With my mom, it's just okay. You know my mom, she's the former Honeylet Montenegro, nag-showbiz din siya kaya nasasakyan niya ang mga ganyan. Medyo mahirap yatang ipaintindi sa father ko ang ganyan."

Si Valeen ay apo ng dating matinee idol na si Mario Montenegro.



Ayon naman kay Aldred: "I'm just open about possibilities, kasi itong lagi naming pagkikita ni Valeen, talagang naging very close na kami. Sa mga babaeng kakilala ko, siya na yung pinaka-special. Pero you will never know. Baka iba ang magustuhan ni Valeen, at ganoon din ako. Sabi ko nga, mas maganda na magpatuloy kami as friends. Anuman ang mangyari, solid ang foundation ng kahit anong magiging relationship namin."

Sinabi naman ni Valeen na puwede niya talagang maging boyfriend si Aldred. Naging very comfortable na nga sila sa isa't isa.



"Hindi katulad noon, uptight pa siya," ani Valeen. "Ayoko namang sabihing parang puppy love yung sa amin, na may crush kami sa isa't isa. Parang mas mature yata kami sa ganoon."



Athletic type daw ang type ni Valeen sa isang lalaki, at hindi naman ganoon si Aldred.



"Well, hayaan mo, magdyi-gym ako, and I will put on muscles, para ma-impress siya!" biro ni Aldred.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Seriously speaking, I don't have to do that. I know that we already like each other, the way we are. Naiisip lang ni Valeen yung tipong gym buffs na puwedeng manligaw sa kanya, but I don't think she can just fall in love with somebody na ganoong tipo.



"It's still the character. Basta ako, ipinapakita ko ang totoo ko sa kanya. It's all up to her kung okay sa kanya, and for as long as we're comfortable with each other, magiging okay pa rin ang takbo ng trabaho sa amin," pagwawakas ni Aldred.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN