Actress-singer Nikki Valdez pregnant with first child

IMAGE 0


"I miss showbiz a lot! I miss all the late hours ofwork and going to different locations. At first, I really had to adjustso much, especially when I got here dahil sanay ang katawan ko sa hardwork. But I have to set my priorities, so family will be first, no?" says Nikki Valdez, who is now three months pregnant with her first child.



Simula nang ikasal si Nikki Valdez kay Chris Lina, isang Filipino na nagtatrabaho sa Toronto, Canada, bilang sales manager for Lexus (a high-end car dealership ), hindi pa pala nakakauwi muli ng Pilipinas ang actress-singer simula nang sumama siya sa asawa noong July 2007.

Kahit noong nakaraang Pasko at Bagong Taon ay sa Canada pa rin daw sila nag-celebrate. Pero ayon kay Nikki, ibang experience naman ang nakaraang holidays niya since first Christmas at New Year nila itong magkasama as husband and wife.

"Wala nang mas sasarap pa sa Pasko and New Year sa Pinas. I do miss my family and friends so much , but I still keep in touch with a lot of them through email and live chat. Technology is the best! At least nakakatanggal konti ng homesickness ko. Hopefully this year, after I give birth, we can go home and visit everyone," sabi ni Nikki, na nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa pamamagitan ng email.

Yes, Nikki is three months pregnant now! Isa raw ito sa talagang plano nilang mag-asawa since they got married. Ayon kay Nikki, so far ay okay naman ang pagbubuntis niya.

Kuwento niya, "My first trimester is so far, so good. Lahat naman ng nararamdaman ko, e, normal sa isang nagbubuntis at kahit ano pang nararamdaman ko, I make sure that I enjoy every single moment. All I can say is that being a mom is the most amazing thing ever! I am now officially on my ninth week."

Tinanong din namin si Nikki kung ano ba ang gusto nilang maging panganay na anak—boy or girl. Aniya, magkaiba raw sila ng choice na mag-asawa.

"Preference ko talaga is a girl but Chris wants a boy. Like all pregnant women say, it doesn't matter what the gender is, basta normal and very healthy," sabi ni Nikki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Plano rin daw sana niyang mag-aral ng Culinary Arts sa Canada. Pero bago nga niya simulang gawin ‘yon, nalaman na nilang mag-asawa last December that she's already pregnant. Kaya siguradong ang pregnancy at ang baby muna nila ang magiging priority nila.

Hindi naman itinanggi ni Nikki na bagama't wala pa siyang one year sa Canada, talagang nami-miss na niya ang showbiz. Pero at this point, mas lamang ang kagustuhan niyang i-prioritize muna ang sinisimulang sariling pamilya.

"I miss showbiz a lot!" bulalas niya. "I miss all the late hours of work and going to different locations. At first, I really had to adjust so much, especially when I got here dahil sanay ang katawan ko sa hard work. But I have to set my priorities, so family will be first now.

"I can always go back to show business kung gusto pa ako ng mga tao and if I have good projects awaiting me. Hindi naman na mawawala ang showbiz sa akin. But then again, building a family and being with my husband finally is really an ongoing process, lalo na't four years din kaming long-distance [affair].

"In all fairness, I still get offers kahit nandito ako. In fact, I will be having a show with South Border and Top Suzara [formerly of Freestyle] here in Toronto on February 16 titled A Valentine's Jam, so hindi pa rin talaga ako nawawalan. I am happy and very much settled here and couldn't ask for anything more."

Ang huling TV show na ginawa ni Nikki bago siya umalis papuntang Canada ay ang teleseryeng Walang Kapalit ng ABS-CBN with Claudine Barretto and Piolo Pascual.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN