Roxanne Guinoo admits split with Jake Cuenca but says they've reconciled

IMAGE 0


Young actress Roxanne Guinoo claims that she and boyfriend Jake Cuenca (inset, with Bang Garcia) have since reconciled after breaking up. This is in response to Bangs Garcia's story that Jake told him that he and Roxanne are no longer together.



"Good for him," ang tanging naisagot ng young actress na si Roxanne Guinoo nang malaman niya ang sinabi ng kasintahan na si Jake Cuenca na nadagdagan ang pagkalalaki niya pagkatapos ng mainit na love scene nila ng bagong kapareha sa Palos na si Bangs Garcia. Nagselos ba si Roxanne sa love scene at ang mainit na kissing scene ni Jake at Bangs?



"Hindi, graduate na ako sa ganyan," ngiti ni Roxanne sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa presscon ng Palos, kung saan kasama rin siya.

Sinabi namin kay Roxanne ang inamin sa amin ni Bangs na naging uneasy siya na makaharap si Roxanne.



"Ah, talaga? Bakit naman?" tanong ni Roxanne.



May masasabi ba si Roxanne para kay Jake pagkatapos nitong gawin ang love scene niya with Bangs?



"Hmmm, enjoy, have fun... Pagdating sa personal, peace kami kasi choice na niya ‘yun, e," sagot ni Roxanne.

May maipapayo ba siya kay Bangs bilang bagong leading lady ni Jake?



"Ayokong magbigay ng advice kasi kailangan ko pa rin ‘yan sa sarili ko. ‘Tsaka baka sumablay pa ako," ani Roxanne.



Ano ang napi-feel niya sa sinabi ni Jake kay Bangs?



"Well, gusto niyang maging honest kay Bangs, e," matipid niyang sagot.



Ibig bang sabihin, hindi naging honest sa kanya si Jake?

Tumawa at tumango lang si Roxanne.



Sinabi rin daw ni Jake ang pagpapalagay ng tattoo kay Bangs na itinuro niya noon kay Roxanne. Ano ang masasabi ni Roxanne na lahat ng ginawa nila noon ni Jake ay isini-share ng young actor sa bago niyang leading lady?



"Marunong pumili si Jake," pakli niya.

Ayon sa huling pakikipag-usap namin kay Bangs, inamin daw sa kanyani Jake na break na sila ni Roxanne. Ano ang reaksiyon dito ni Roxanne?



Ngumiti lang si Roxanne sabay sabi na: "Basta okay kami."

Mabilis namang sinita ni Roxanne si Bangs nang sabihin ng huli na ex-girlfriend na ni Jake si Roxanne.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Bakit ex?" tanong ni Roxanne kay Bangs na ikinagulat nito.



Sa pagkakaalam kasi ni Bangs ay break pa rin sina Roxanne at Jake. Si Jake daw kasi ang nagsabi sa kanya na break na sila ni Roxanne at wala pang sinasabing nagkabalikan sila. Dahil dito, nabuking tuloy na pumoporma rin talaga si Jake kay Bangs.



Kaya umamin tuloy si Roxanne na nagkabalikan na talaga sila ngayon ni Jake. Umamin din ang young actress na totoong nag-break sila ni Jake nang nag-uumpisa pa lang silang mag-taping ng Palos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN