Ex-PBB housemate Kian Kazemi smitten by Bea Alonzo's beauty

IMAGE 0


If given a chance, Kian Kazemi would preparePersian dishes for his crush, Bea Alonzo. He says, "Siyempre papatikman ko sa kanya yung bloodline ko, Persiansiyempre. Pero siyempre, kung ano anggusto niya, hahanap ako ng paraan—bibili ako ng cook book o magpapaturo."


Hindi nakaligtas ang former Pinoy Big Brother housematena si Kian Kazemi nang ibuko siya ng talent manager na si Chit Ramos nangdumating ang Pinoy Big Brother (PBB) Season 2 exhousemate sa press conference ng Kung Fu Kids sa Studio 1 ng ABS-CBNkahapon, January 22.

"Delikado na si Mico [Palanca] sa kanya dahil nag-send nasiya ng flowers, nabalitaan ko, kay Bea [Alonzo]," bungad ni Chit sa mga kasamahangpress matapos siyang batiin ni Kian.

Hindi na nagawang itanggi pa ito ni Kian sa press at inaminna gusto pa niyang makilala nang husto ang young actress.

Unang nagkakilala sina Kian at Bea noong premiere night ng OneMore Chance last year. Simula rawnoon ay nagustuhan na ng binata ang young actress

Para kay Kian, "Kasi simpleng, ano, parang tipo na hindisiya maarte. Kaya niyang sumabay sakahit ano, cowboy o hindi. 'Tapos ano,palangiti [siya]."

Bukod sa pag-uugali, nagustuhan din diumano ni Kian angpisikal na kaanyuan ng dalaga. "She'slike the representation of the true Pinoy beauty. Kasi para talagang Pinoy na yung mga features niya, e. Kahit medyo mestiza siya pero kapag nakitaniyo naman yung facial features, di ba? Parang more on the Filipino aspects, 'tapos parang sweet ang datingniya, e," paglalarawan ni Kian.

Sa kabila ng kanyang paghanga, wala naman daw siyang balakna ligawan si Bea dahil alam naman niya na may boyfriend na ang dalaga.

"Ayoko naman pong agawin. Parang kaibigan lang, para makilala lang. Hindi naman ako magnanakaw ng puso," paliwanag ni Kian.

Ngunit kung sakaling hindi attached si Bea ngayon,magpupursigi ba siyang ligawan si Bea?

"Mas madaling i-pursue kung walang attachment," sagot niKian. "Mas madaling gawin yun. Kasi matagal na rin akong single, bago pa mag-PBB."

Sa huli, nilinaw ni Kian na "admiration lang" ang kanyangnararadaman para kay Bea.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN