"Be Bench" winner Carlo Guevara gets bigger breaks on TV

IMAGE 0


"In this early part of my acting career, I'm very happy, varied agad ang roles ko where I can be versatile," says Carlo Guevara about the opportunities coming his way.


Happy si Carlo Guevara sa newfound popularity niya after winning the Be Bench modelling search na ipinalabas ng ABS-CBN last year. Nagkaroon agad siya ng exposure sa youth-oriented show na Abt Ur Luv bago ito nagsara.



Ngayon, isa sa mga tampok na artista ng Kung Fu Kids si Carlo. Nakakontrata siya as a Bench model for a year-and-a-half samantalang one year naman sa ABS-CBN.



"Kasama rin ako sa Astigz, and it's a good break for me. Medyo bad boy ang role ko doon, pero dito sa Kung Fu Kids, good boy naman. In this early part of my acting career, I'm very happy, varied agad ang roles ko where I can be versatile," pahayag ni Carlo sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



Iniintriga sila ng dati niyang competitor sa Be Bench na si John Uy. Mas nauna pa raw kasing nabigyan ng markadong break si John sa Love Spell. Ano ang masasabi dito ni Carlo?



"Ah, ganoon ba? That's okay. Hindi naman ako nahuhuli, di ba?" nakangiting sabi ni Carlo.

Para kasing totoo yung nagkakaasaran na sila noong ongoing pa ang Bench modeling search.



"Naku, wala yun!" tanggi ng binata. "No, hindi namin pinapasakay ang mga tao. Kaya lang, competition 'yon. We have to be confident. Pero lagi pa rin kaming magkasama ni John. Naroroon pa rin yung pinagsamahan. I can say hindi kami naapektuhan. Yun nga lang, ang impression, nagkakapersonalan daw kami."



Unpredictable nga raw kasi ang proseso sa Be Bench noon.



Paliwanag ni Carlo, "Let's say, kung sa Episode 3, ikaw ang the best, back to zero 'yon. No bearing whatsoever sa Episode 4, na iba ang challenge. Completely babalik ka sa basic ng competiton for each episode. Sa bandang huli, kung sino ang consistent, yun ang winner. So I guess I showed consistency rin naman, kaya ako ang naging grand winner."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SEXIER CARLO. Mukhang sila pa rin ni John ang magpapatalbugan sa Bench Body campaign.



"Nag-pictorial kami sa Ilocos for the said campaign which will kick off this summer. I can do underwear for Bench. That's part of the deal," pagbabalita ni Carlo.



Inamin ni Carlo that he feels sexier now kaysa noong nakikipag-compete pa siya sa Be Bench.



"Nagkaroon kasi ako ng konting laman," paliwanag niya. "I was skinny during the competition, and I didn't know, baka yun ang gustong look ng judges. Pero ngayon kasi, sa tingin ko, I'm much better. I feel much better, too. I feel sexy, but in a scale of 1 to 10, siguro 8 lang ako. Mahirap maging perfectly sexy, na I think I'm not."



Para kay Carlo, pamatay among his physical assets ang kanyang ilong at kilay.



"Sa katawan, sorry, hindi pa fabulous ang abs ko!" at natawa siya nang malakas. "Darating tayo diyan. Ayoko naman kasing maging masyadong muscular. Just the lean and hungry type, okay na 'yon. At least, may konting laman.



"Bago ako maging finalist sa Be Bench, I still remember, mas marami pang ibang contestants na mas malaki at mas well-defined ang katawan. I guess they were looking for something else than just muscles," very confident na nasabi ni Carlo.



STILL A VIRGIN. Carlos is very young at 18. Medyo nahiya pa siyang aminin na he's still a virgin.



"Yes, I am, and I don't know why!" at natawa uli siya. "Nakakaisang girlfriend pa lang ako. Hanggang doon lang. Two years ago kasi, I was so fat. Nawalan din ako ng time sa lovelife. Nahilig ako sa basketball. From 230 pounds, I now weigh around 160.



"Nagmumodelo kasi ang kapatid ko. He was the one very interested in joining Be Bench. I was just inspired by my brother, and at the same time, yung willingness ko na lang to look and feel much better kaya nag-decide akong mag-gym at magpapayat," pagtatapos ni Carlo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN