Pilar Pilapil: "What and where I am now is because of show business."

IMAGE 0


"There are so many things that I am doing in my life other than being an actress. And I believe this is an opportunity for me to act again. I am very happy to be with new breed of young actors," says Pilar Pilapil about being part of ABS-CBN's Lobo.


Kasama ang beteranang aktres na si Pilar Pilapil sa pinakabagong serye ng ABS-CBN, ang Lobo na pinagbibidahan nina Piolo Pascual at Angel Locsin.

Medyo matagal ding nawala sa sirkulasyon si Pilar. Matatandaang ang huling TV project niya ang ang cameo role niya sa Marimar ng GMA-7. Kaya naman sa panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa veteran actress sa presscon ng Lobo kahapon, January 23, sa Studio 1 ng ABS-CBN ay tinanong namin siya kung ano ang dahilan at naisipan niyang muling umarte sa harap sa kamera at tanggapin ang Lobo.

Aniya, "Actually ABS-CBN has been very dear to my heart because I've been here many times in the past. I am not running away from show business. Show business is also very dear to me. What and where I am now is because of show business.

"But there are so many things that I am doing in my life other than being an actress. And I believe this is an opportunity for me to act again. I am very happy to be with new breed of young actors. I feel very young when I am with them. It is really a great opportunity for me to work in this particular project," pahayag ni Pilar.

Nakilala at nagmarka si Pilar sa showbiz bilang isang mataray na aktres. May ilang kasamahang artista na ba si Pilar sa Lobo na nakatikim ng pagtataray niya dahil sa pagiging unprofessional at pasaway ng mga ito?

"Hindi ako nagtataray sa kanila dahil wala pa naman sa situwasyon na kailangan akong magtaray," sagot niya "Actually, hindi naman ako mataray. Ang mataray ay yung nagtataray nang wala namang rason. Pero ako, every time na mayroon akong tinatarayan ay dahil may mabigat na rason. So, hindi ako mataray. The word is not mataray. I am confrontational."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN