Comeback kid Mikel Campos falls for 38-year-old single mom

IMAGE 0


"Sa kanya ako nagkaroon ng maturity. I learned to make good decisions sa buhay ko because of her. Marami akong natutunan sa kanya about life. Walang problema sa akin at sa family ko. Age doesn't matter as long as genuine ang nararamdaman mo para sa isang tao," explains 21-year-old Mikel Campos about his relationship with an older woman.


Mas guwapo at nagkalaman na ang katawan ng nagbabalik na young actor na si Mikel Campos. Natatandaan namin si Mikel bilang patpatin na teen actor noong na-introduce siya sa mga pelikulang Filipinas at Captain Barbell opposite Sarah Geronimo.



Naging mainstay rin si Mikel noon ng teen show na Click, kung saan nakasama rin si Sarah. Pero noong ilipat ng Viva ang kanilang talents sa ABS-CBN, nakasama si Mikel sa mga shows na Sarah, The Teen Princess at Let's Go. Si Mikel din ang nanalo sa reality-dating game show ng Dos na Qpids kung saan ang ka-partner niya ay si Paw Diaz.

Sa pinirmahan daw na kontrata ni Mikel ay may gagawin dapat silang pelikula at isang TV show ni Paw. Hindi na raw alam ni Mikel kung anong nangyari sa kontrata nilang ‘yon.



"I guess nag-expire na lang siya na hindi ko nalalaman!" natatawang sabi ni Mikel sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Nagkaproblema rin kasi with the team-up with Paw kasi nga, she has a boyfriend that time at may girlfriend din ako. Kaya hindi talaga magkaroon ng maayos na team-up. I did a movie for Star Cinema na All About Love, pero friend lang ako doon ni Luis Manzano."



EX-GIRLFRIEND. Ang nabalitang girlfriend ni Mikel noon ay si Jowee Ann Marquez, ang anak ni Joey Marquez kay Brenda del Rio. Si Mikel pa nga ang escort ng dalaga noong nag-debut siya two years ago. Sabi ni Mikel, nagkaproblema rin ang relasyon niya with Jowee Ann, kaya naghiwalay sila.



"She didn't want me to pursue showbiz," sabi ni Mikel. "Mag-aral na lang daw ako kasi magulo raw sa showbiz. Kaya sinunod ko siya. I did that kasi mahal ko siya and I listened to her. Pero nagulat ako na gusto rin pala niyang mag-artista kaya naguluhan ako. Then, nagkasunud-sunod ang problema namin, kaya we decided to part ways na lang.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Before, we used to communicate pa kasi magkaibigan pa rin naman kami. But now, hindi na because I already have a girlfriend. And I heard na may boyfriend na rin siyang iba."



Si Mikel din ang na-blind item noon na young actor na may dalawang anak na sa magkaibang babae. Natawa lang ang binata dahil, as far as he knows, wala pa naman daw siyang nabubuntis.



"It's weird kasi wala namang babae na lumalapit sa akin saying na buntis siya or may anak ako sa kanya. Ilang taon na raw ang mga bata? Kung totoo ‘yan, sana ipakita sa akin ang mga bata para malaman ko kung anak ko nga sila. Matutuwa siguro ang Mommy ko kasi kung totoo nga ‘yan, may dalawang apo na siya kaagad," natatawang pahayag ni Mikel.

AGE DOESN'T MATTER. Mikel is 21 years old now at ang girlfriend niya, according to him, is 32 . Siya si Raine dela Merced and she works as a director for Urban Threat Management Consultancy.

Ipinakilala ni Mikel si Raine sa amin at sinabi nito na she has a 10-year-old child. She even corrected how old she was. Hindi raw siya 32 kundi 38. Nagiging masyado lang daw mabait si Mikel in hiding her real age.



Anyway, tinanong namin si Mikel why he opted to have a relationship with a woman na almost twice his age. Sinabi nito na mas nagkaroon siya ng confidence sa sarili noong makipagrelasyon siya sa mas mature na babae.


"Sa kanya ako nagkaroon ng maturity. I learned to make good decisions sa buhay ko because of her. Marami akong natutunan sa kanya about life. Walang problema sa akin at sa family ko. Age doesn't matter as long as genuine ang nararamdaman mo para sa isang tao. I get along well with her kid. Okay din naman ako sa kanyang mommy," lahad ng young actor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Inamin din ni Mikel na naging alcoholic siya dahil na rin sa hindi magandang impluwensiya ng ilang mga kaibigan niya. Pero dahil sa suporta ng kanyang pamilya at girlfriend, nagawa niyang iwasan ang masamang bisyo na ito.



"Hindi na ako nagpa-rehab because I wasn't addicted to alcohol talaga," sabi niya. "The doctor did some tests sa akin and I just needed therapy. Kailangan ko lang daw iwasan ang pag-inom. Mahirap noong una, pero I've gotten used to it in the long run. Now, I don't look for it na kaya I gained weight. I've spent most of my time working out now kasi baka sumobra naman ang pagtaba ko."



A FRESH START. Pumirma na ng bagong kontrata si Mikel sa Viva Artist Agency at marami na raw siyang mga trabahong gagawin. Umaasa si Mikel na muli siyang mag-enjoy sa showbiz dahil ito naman daw talaga ang gusto niyang gawin. Kung papipiliin siya, gusto ni Mikel na subukan ang modeling.



"I did commercials before, pero sabi nga nila, sa height ko, bagay sa akin ang ramp modeling. Why not, di ba? I just need to work on my body more," rason niya.



Okay lang daw kay Mikel na kunin siyang underwear model basta nasa magandang porma na ang katawan niya.



"I don't mind modeling underwear. Okay lang naman sa akin. Right now, I'm working out para maganda ang mga abdominal muscles ko. Once na-achieve ko na ‘yon, puwede na akong mag-model ng kahit na anong style ng underwear," pagtatapos niya with a naughty smile.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN