Lovi Poe's manager stays cool on her blooming affair with Jolo Revilla

IMAGE 0


"Kilala ko na si Lovi. Alam ko rin ang mga prayoridadniya sa buhay, kahit na in love pa siya. Alam niya kung ano ang mgahakbang na gagawin niya," says talent manager Leo Dominguez (not in photo) about the rumored romantic relationship of his ward Lovi Poe with Jolo Revilla.


Very ideal ang manager-talent relationship nina Leo Dominguez at Lovi Poe. Smooth sailing ang kanilang samahan from day one ng kanilang relasyon hanggang sa kasalukuyan.

Kahit maraming lumalabas na balitang karelasyon na ni Lovi ang anak nina Senator Bong Revilla at Lani Mercado na si Jolo Revilla, nanatiling tikom ang bibig ng manager ng young actress-singer. Kumbaga, hindi siya yung tipong nakikialam sa lovelife ni Lovi at kahit sa iba pa niyang mga alaga.

Si Lovi kasi ay kabi-kabila ang mga pahayag ngayon tungkol sa kanila ni Jolo. Kahit sinasabi nitong nanliligaw pa lang sa kanya ang young actor, na alam naman ng lahat na may anak na kay Grace Adriano (anak ni Rosanna Roces), marami ang nagpapalagay na sinagot na niya ito.

Halata naman daw kasi sa anak ng nasirang Fernando Poe Jr. na in love talaga siya. Mismong mga malapit na kaibigan ng dalaga ang naririnig naming nagsasalitang talagang tinamaan ng pana ni Kupido si Lovi. Pero gaya nga ng nasabi na, si Leo ay hindi nagsalita ng anumang pagtutol sa ginagawa ng kanyang alaga.

Cool lang si Leo at hindi nag-o-overboard sa kanyang tungkulin bilang manager. Yung iba kasing manager ay sinasaklawan pati puso ng mga alaga, to the point na parang pati hindi nila trabaho, pinakikialaman na nila. Ang ending ng mga ganitong klase ng relasyon ay away o kaya naman plastikan na lang. Pero para kay Leo, ang pag-ibig ay nasa alaga niya.

"Binibigyan ko siya ng advice, pinaalalahanan ko siya," pahayag ni Leo sa PEP (Philippine Entertainment Portal). "Isa pa, alam niyang malaki ang tiwala ko sa kanya. Ako naman, alam kong matalinong bata si Lovi kaya sige lang sa akin. Okay lang, kung saan siya maligaya, doon ako. Hindi naman po niya ako binibitin, at tiyak kong hindi niya gagawin ‘yon. Napaka-level headed niya. Alam niya kung ano ang mga responsibilidad niya bilang talent."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hindi lang kay Jolo na-link si Lovi. Kahit na noong kay Cogie Domingo raw naugnay si Lovi, hindi nagpabaya ang dalaga. Kaya nga ngayong hindi tinatantanan ni Jolo si Lovi, kampante lang si Leo, patuloy na nagtitiwala sa kanyang "anak."

Alam din daw ni Leo na maraming mga talent managers ang sobrang higpit sa mga alaga kaya't ang wakas ng samahan ay samaan lang ng loob.

"Sabi ko nga, kilala ko na si Lovi," sabi ni Leo. "Alam ko rin ang mga prayoridad niya sa buhay, kahit na in love pa siya. Alam niya kung ano ang mga hakbang na gagawin niya. Pero siyempre, sinasabihan ko pa rin siya. Pinaaalahanan ko na minsan lang dumating ang pagkakataon sa pag-aartista kaya dapat niyang unahin ito.

"Bukod sa pag-aartsita, nag-aaral siya ngayon at alam niyang kailangan niyang makatapos dahil ito ang sasandigan niya sa bandang huli. Itinataguyod siya ng kanyang ina at ‘yan ay malinaw na malinaw na alam ni Lovi.

"Kaya talagang wala akong kaba na paiiralin niya ang kanyang puso. Kung sakali mang in love siya, siya naman ‘yon, karapatan niya ‘yon. But like I said, hinding-hindi ako magdududang tataliwas si Lovi sa kanyang mga responsibilidad sa buhay," pagtatapos ni Leo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN