Actress Rochelle Barrameda confirms separation from husband Jimwell Stevens

IMAGE 0


"Hindi si Nadia ang tipo ng babaeng sisira sa pamilya ko. O kahit na siguro sinong babae. It's not the point. Na kay Jimwell 'yon, kung ano ba ang dapat niyang gawin para ma-solve ang mga problema namin," explains Rochelle Barrameda about Nadia Montenegro (inset), who is rumored to be the cause of Rochelle's separation from husband Jimwell Stevens.



Katatapos lang ng eksena ni Rochelle Barrameda sa pelikulang Ate kahapon, January 27, sa isang pharmacy malapit sa V. Luna Hospital, Quezon City, nang lapitan siya ng PEP (Philippine Entertainment Portal). Inusisa agad namin siya sa kung anu-anong intrigang may kinalaman sa napapabalitang paghihiwalay nila ng asawang si Jimwell Stevens.



"Dalawang buwan na nga kaming hiwalay," pagkumpirma ni Rochelle sa balita. "Nagkapatung-patong na problema kasi 'yan, bago pa mag-Pasko last year. Lalo itong pinagrabe ng tsismis sa kanila ni Nadia [Montenegro]."



Wala ring kaalam-alam noon si Rochelle tungkol sa diumano'y namumuong relasyon sa pagitan nina Nadia at Jimwell. Ang nakapag-trigger ng gusot ay ang mismong malalapit kay Nadia ang nagsasabi kay Rochelle, that her husband was, or allegedly still having an affair with Nadia.



Kuwento ni Rochelle, "There was a time kasi that Nadia and her friends often go to JR [carwash and restaurant owned by Rochelle and Jimwell located at BF Homes, ParaƱaque]. Natuwa naman ako kasi siguro nagugustuhan nila yung place. Halos gabi-gabi, nandodoon sila.

"Until, one night, isa sa mga ka-close niya [Nadia], binulungan ako. Mag-ingat daw ako. Sabi niya, Nadia is having an affair daw with my husband. Tinanong pa nga ako kung may nararamdaman ako, o nakikita. Nagulat ako. Kasi wala sa hinagap ko na pagdudahan si Nadia. She has been a friend to me and my husband. Noong time na 'yon kasi nagkakaproblema na kami ni Jimwell. 'Tapos nakadagdag pa yung ganoong bagay. Which, I was kind of affected.



"Yung friends niya ang kumausap kay Nadia. Sinabihan nila si Nadia, tigilan na ang pagpunta sa JR dahil alam ko na raw ang tungkol sa kanila ni Jimwell, at apektado na ako. As in, yun ang initial reaction ko talaga. Nagalit ako kay Nadia, pero wala akong ginawa. Hindi ko siya kinausap. Nagsawalang-kibo lang ako," tuloy-tuloy na pagku-confide ni Rochelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Then, Rochelle received a call from Nadia. Nagpaliwanag daw ito sa kanya.



"She confronted me, pero hindi naman siya galit," sabi ni Rochelle. "In fact, napaiyak siya sa kabilang linya. Ang sabi niya, hinding-hindi raw niya magagawa ang ganoon.

"Ang sabi ko na lang, 'Nadia, hindi sana ako maaapektuhan kung yung mga ka-close ko lang ang nagsabi ng ganoon sa akin. I could have just given it the benefit of the doubt. But the point is, yung mga ka-close mo mismo ang nagbigay ng warning sa akin. Isipin mo na lang, Nadia, ano ang mapapala ng mga kaibigan mong 'yon para iparating sa akin ang ganoong bagay kung wala talagang katotohanan 'yon? At ano ang dahilan para ka nila siraan?' When, in fact, sila mismo ang nag-warn kay Nadia na huwag nang magpunta sa JR para makipagkita sa amin ng husband ko."



Tinanong ba niya ang asawa niya tungkol sa bagay na ito?



"Alam niya [Jimwell] na galit ako sa kanya," sagot ng aktres. "At sabi ko nga, nagkapatung-patong na ang problema naming mag-asawa. Gumawa siya ng paraan para kausapin ako, pero ayokong basta makipag-ayos sa kanya, sa ganoong paraan lang.



"What I mean is, I have to analyze myself. Sa kabila ng ganoong bagay, mahal ko pa ba ang mister ko? Naroroon pa ba yung respeto ko sa kanya? Hindi lang yung love, kung hindi yung sa respeto na lang para kayanin ko pang makisama sa kanya," pahayag ni Rochelle.



May lungkot kaming naramdaman sa pagsasalita ni Rochelle. Hindi kasi biro yung sampung taong pinagsamahan nila ni Jimwell.



"Kung iisipin mo, sinasabi ng iba, kailangang magsama pa rin kami, ayusin namin ang mga problema para sa aming mga anak. Ideally, yun nga siguro ang dapat kong isipin, pero mas hindi maganda ang magiging resulta kung magsasama lang kami ni Jimwell para sa aming dalawang anak. Maaawa ka na lang sa mga anak namin. But, at the end of the day, ang iisipin mo pa rin, magsasama pa ba kami ng ama nila kung pakitang-tao lang, at wala na yung love at respeto?" paliwanag ni Rochelle.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Gustong linawin ni Rochelle na ang kaugnayan diumano ni Nadia sa asawa niya is just the tip of the iceberg.



"Hindi si Nadia ang tipo ng babaeng sisira sa pamilya ko," mariing sabi ni Rochelle. "O kahit na siguro sinong babae. It's not the point. Na kay Jimwell 'yon, kung ano ba ang dapat niyang gawin para ma-solve ang mga problema namin. Sa ngayon, ayoko munang makipag-usap sa kanya. Hiwalay na muna kami. Only time will tell kung paano aayusin ang problema namin."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN