FIRST READ ON PEP: Jennylyn Mercado apologizes for not showing up at her movie's presscon

IMAGE 0


The camp of young actress Jennylyn Mercado has apologized for not attending the presscon of her movie with Japanese actor Jacky Woo, Half Blood Samurai, last night, January 26. "What Jen needs right now is compassion and understanding. Mahirap ang kalagayan niya," says Jen's manager, Becky Aguila.



Humihingi ng pang-unawa ang kampo ni Jennylyn Mercado sa hindi niya pagsipot sa presscon para sa pelikula nila ni Jacky Woo na Half Blood Samurai kagabi, January 26. Dumaranas daw kasi ng halu-halong emosyon ngayon si Jennylyn epekto ng kanyang pagbubuntis.

Nasa stage daw kasi ngayon ng pagbubuntis si Jennylyn kung saan sobra siyang emosyonal. Idagdag pa ang samu't saring pag-aalala ng young actress sa maraming personal na problema niya. Kabilang na rito ang usaping pinansiyal at walang katiyakan na relasyon niya sa ama ng kanyang ipinagbubuntis na si Patrick Garcia, since hindi pa nga sila kasal.

Hindi naman minasama ng leading man ni Jennylyn na si Jacky ang hindi pagsipot ng young actress sa presscon ng pelikula nila. Sobrang naunawaan naman daw ni Jacky ang kalagayan ni Jennylyn kaya wala silang plano na idemanda ang young actress kahit na nga may kontrata na kailangan siputin ni Jennylyn ang lahat ng presscons ng Half Blood Samurai.

In the first place, plano naman talaga ni Jennylyn na pumunta sa presscon. Pero nagkaroon lang daw ng konting tampuhan sina Jennylyn at Patrick. Nadadalas daw kasi ang away-bati ngayon ng dalawa, na normal lamang sa dalawang taong nagsisimula pa lang magkaroon ng isang bagong pamilya.



Ayon naman sa manager ni Jennylyn na si Becky Aguila, "What Jen needs right now is compassion and understanding. Mahirap ang kalagayan niya. Being pregnant at the age of 20 is no joke. She's longing for love and care. It's normal to be emotional during and after pregnancy. Patrick should take care of Jen. He should be patient. Both should be responsible would-be parents for the sake of their baby."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN