Jason Abalos welcomes mature roles in his career

IMAGE 0


Jason Abalos says he acts as a shock absorber inthe rift between Maja Salvador and her manager Chit Ramos.


Pulos papuri ang natanggap ng young actor na si Jason Abaloskahapon, January 29, dahil sa kanyang pagganap bilang Leo sa Endo, isang independent filmna unang ipinalabas last year.

Sa press conference ng Your Song: Muntik na KitangMinahal sa 9501 Restaurant sa ABS-CBN Compound, maraming nakapansin na mature roles na ang madalas niyang gampanan ngayon, tulad ng kanyang role sa Endoat sa Sunday afternoon show na Your Song.

Pabor naman daw si Jason dito. Sa kanyang palagay ay mas mabuti diumano ito upang masubukan paniya ang iba't ibang uri ng roles mapa-pelikula man o telebisyon.

Palagay pa niya, "Para sa akin mas maganda kasi parang masmakakatakas na ako sa pa-teenybopper na roles. Gusto ko rin po [ng loveteam], pero gusto ko rin na mas ma-challenge akokasi kapag pa-tweetums parang wala lang, mas maganda yung nae-experience kolahat."

Naitanong din ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kungano ang naramdaman niya nang malaman niyang may bed scene pala siya with InahFeleo, na gumanap bilang Tanya, sa Endo.

"Si Inah [Feleo] kasi active talaga, e," panimulang kuwentoni Jason. "Talagang kung ano yung hinihingi ng istorya gagawin niya, so parangnadala lang ako kay Inah. Kasi, di ba,parang, ‘Babae pa 'to, siya pa yunghindi nahihiya, so, ako dapat ganun lang din. Kaya naman nung ginawa namin yungscene, sa kanya ako kumuha ng ano, siya pa yung nag-initiate pero eventuallynakuha naming parehas."

INDIE FILM ACTOR. Matapos ang Endo, naging hiyang na si Jason sa mgaindependently produced na pelikula. Masusundan na ito ng isa pang indie film na gagawin niDirector Quark Henares, ang Rock and Roll.

Ayon kay Jason, mas masarap umarte sa indie film. Paliwanag pa niya, "Walang pressure, e. Ang sarap umarte, parang puwede kang umarteng hindi ka robot, parang ganun.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kasi minsan [sa commercial films] gusto nila ng ganito,pero sa indie film, ‘So, ano ang pakiramdam mo diyan? Ano'ng gusto mong gawin diyan?' Ganun, parang mas nae-explore pa lalo. Open sila sa mga ideas."

Aminado din ang binatang aktor na mas mahirap ang commercialfilms. Aniya, "Mahirap [ang commercialfilms], unang-una, yung responsibility mo na kailangan kumita yung pelikula,kumita yung mga show."

Dagdag pa niya, "Kapag indie art lang talaga, parang walang formula kapag indie film, e,sa commercial kailangang magustuhan ng mga tao. Kapag indie basta makita yung art okay na, e, di ba?"

Samantala, malaki ang pasasalamat ni Jason sa pelikulang Endodahil dito ay naranasan niya ang makapunta sa ibang bansa upang dumalo ngFestival Des Trois Continents (Nantes International Film Festival) sa France.

Maganda ang pagtanggap ng mga taga-France nangipalabas ang kanilang pelikula. Nalulugod na kuwento ni Jason sa PEP, "Actually, nakakatuwa na kahit hindinila alam yung culture ng Pilipinas pero parang nakaka-relate sila. Bago sila [lumabas] ng theater, sabi nila,‘Bravo!'

Anong naramdaman niya noon?

"Unang-una masarap kasi sino ba naman ang mag-iisip namakakapunta ka sa ganun dahil lang sa isang indie film, di ba?" tuwang-tuwangsagot ni Jason.

Dagdag pa niya, "Isang malaking bagay noong nakaraang taonkasi dalawang beses akong nakaalis ng bansa, e. Parang, ‘Wow!' 'Tapos isipin mo na hindi pa ganun na basta-bastang bansa lang napuwedeng puntahan, di ba?

Sa kabila ng matagumpay na pagganap niya sa Endo,hindi naman sinasara ni Jason ang kanyang pinto sa pagtanggap ng mgamainstream projects, tulad nga ng Your Song: Muntik naKitang Minahal. Pahabol pa ngaktor, "Pero siyempre kailangan ko ng trabaho so gumagawa din ako ngcommercial."

Sa ngayon, ayon kay Jason, anumang nakukuha niya sakanyang career ay talagang pinaghihirapan niya. "Siguro parang gusto kong sabihin na pinaghihirapan ko ito kayaito yung nakukuha ko. Parang lahat parin sa akin gusto kong paghirapan para mas maganda yung magiging bunga."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

SHOCK ABSORBER. Hindi lingid sa publiko na dating naging on-screen partner niJason ang kontrobersyal na young actress ngayon na si Maja Salvador. Nagkasama ang dalawa bilang loveteam sa mgapelikulang First Day High (2006) at My Kuya's Wedding (2007).

Naitanong tuloy nang PEP kung nakapag-usap na ba sila niMaja tungkol sa naging problema niya sa kanyang manager na si Chit Ramos.

Unang nasabi na ni Jason sa press na hindi pa silanakapag-uusap ni Maja. Ngunit nang mulisiyang tanungin ng PEP sinabi ng aktor na huli silang nag-usap ng aktresnoong Linggo.

Sabi ni Jason, nagkukuwento naman daw sa kanya angparehong kampo, Maja at Chit. "Actually, parehas lang sila [Maja Salvador and Chit Ramos] nagkukuwentosa akin. Ako lang yung parangtaga-absorb lang muna nila."

Ayon kay Jason, hanggang doon na lang daw muna siya at ayawniya munang makialam. Para sa kanya, "Ang hirap, e, ayaw kong makisali. Hangga't maari ayaw ko munang makisama,parang ganun. Hayaan ko lang munamaayos nila parehas. Pero sana maayosnila kasi sayang, e."

Nang magkausap sila ni Maja, binigyan ba niya ng advice angdalaga?

"Well, unang-una hindi ko talaga alam kung anotalaga ang nangyari so hindi ako puwede magbigay ng advice. Sinabi ko na lang, ‘Hangga't kaya ninyongayusin, ayusin niyo na lang.'"


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN