Teen actor EJ Jallorina not afraid to play gay roles

IMAGE 0


Star Magic artist EJ Jallorina has no qualms in accepting offbeat roles, like playing the gay best friend of Jiro Manio in Manay Po 2.



After Nathan Lopez, EJ Jallorina is becoming the next big thing in bagets gay roles.

Nathan rose to fame via Aureus Solito's first directorial job, Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, where he played the title character of a teen gay. The teenager got movie offers left and right, which would make him repeat the same type of character over and over again. Nathan turned down most of these offers after portraying another gay role in one or two movies.

Pero tila may kapalit na si Nathan sa ganitong klaseng roles, ang Star Magic artist na si Ernesto "EJ" Jallorina Jr.

EJ turned 15 last January 21 and is now a third-year high school student at Nazarene Catholic School in Quiapo, Manila. Una siyang nakilala sa Goin' Bulilit bilang impersonator ni Boy Abunda sa isang spoof ng The Buzz.

Dito na-discover ni Aureus Solito si EJ at sa kanya in-offer ang lead role para sa Pisay, another independent movie about a group of eight high school students of Philippine Science High School in the ‘80s.

A semi-autobiographical ang Pisay at si EJ ang gumanap na alter-ego ni Aurelius. Umiikot na ngayon sa mga international film festivals ang pelikula at frontrunner ito in this year's award-giving bodies locally. Nominated si EJ for Best Actor. Aalis siya patungong France next week.

Noong naghahanap ang Regal Entertainment ng gaganap na gay best friend ni Jiro Manio sa sequel ng Manay Po, sina EJ at Nathan ang pinagpilian at kay EJ napunta ang role. Nag-first shooting day na si EJ last Tuesday, January 29, for the Joel Lamangan movie kung kaya't na-late siya sa presscon ng Star Magic.

Malayo na ang mukha ni EJ sa kanyang publicity picture na kuha pa yata years ago, lumalabas na kasi ang kanyang binatilyo looks ngayon.

Biro namin sa kanya, hindi kaya siya mapagkamalang bakla dahil palaging gay roles ang inu-offer sa kanya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"May mga nagtatanong na po sa akin," inosenteng sagot niya.

Bakla ba siya?

"Hindi po, lalaki po," mabilis niyang sagot.

May nililigawan na ba siya?

"Wala po, pero may mga nanliligaw sa akin."


Ano?

"Girls po, may boys din po, may gays," walang kagatul-gatol niyang tugon.

Tawanan ang lahat sa sagot niya kung kaya't we pressed the question a little further kung sino ang mas binibigyan niya ng pansin sa mga manliligaw niya: babae, lalaki o bading?

"Wala po, bata pa po ako, e," sagot ni EJ.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN