Jewel Mische and Richard Gutierrez: Getting to know each other better

IMAGE 0


"I can really say na kilala ko na siya and we're very close na. I amhappy na I was able to work with somebody as professional likeRichard," says Jewel Mische about Kamandag leading man and rumored suitor Richard Gutierrez.



Isa sa naging special guest ni Richard Gutierrez para sa kanyang birthday special sa GMA-7, titled A Handsome Journey, ang isa sa leading ladies niya sa Kamandag na si Jewel Mische.



Nakausap ng PEP (Philippine Entertainment Portal) si Jewel sa birthday celebration ni Richard at ng kambal nitong si Raymond Gutierrez kagabi, January 29, sa One Esplanade Place sa Pasay City. Tinanong namin ang StarStruck 4 Ultimate Sweetheart kung ano ang masasabi niya sa sinabi ni Richard na siya ang pinaka-close na babae ngayon sa buhay niya.



Hindi namin alam kung nagmaang-maangan lang si Jewel na hindi raw niya narinig ang sinabing ‘yon ni Richard. Isa kasi ‘yon sa mga tanong kay Richard nang umupo siya sa hot seat na may nakakabit na lie-detector machine.



"Sorry, hindi ko talaga narinig because I was talking with somebody noong nakaupo ako sa audience," nakangiting sabi ni Jewel. "Sinabi ba ni Chard ‘yon? What can I say about it? Well, siguro right now, ako ang isa sa mga ka-close niyang leading ladies. Lately kasi, marami kaming eksenang kinukunan sa Kamandag, and we're really getting to know each other more.



"Kung noon wala akong masabi kay Richard, because nagsisimula pa lang kaming nagwu-work sa isang show, now I can really say na kilala ko na siya and we're very close na. I am happy na I was able to work with somebody as professional like Richard," pahayag ng dalaga.



Tinanong namin si Jewel kung nabigyan na ba niya ng regalo si Richard para sa kaarawan nito.

"I already gave Chard his gift. I won't say what it is. Siguro if you want to know, tanungin n'yo na lang siya. Basta yung gift ko, bagay sa kanya and he will always remember me when he sees it," nakangiting sagot ni Jewel.



Malakas ang usap-usapan na may relasyon na sina Jewel at Richard. Lalo pa itong umingay nang tumabi si Jewel sa ate ni Richard na si Ruffa Gutierrez sa birthday party nina Richard at Raymond. Biro namin, mukhang aprub na si Ruffa kay Jewel.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Gano'n ba?" sabay ngiti ni Jewel. "Pinaupo kasi ako sa tabi ni Ms. Ruffa. And she was very nice to me. Nahihiya nga ako kasi sa kanya ako itinabi. Parang na-starstruck tuloy ako.



"I don't know about yung approval ni Ms. Ruffa sa akin. Ayoko namang isipin ‘yon. What's important is that I was able to get to know her and Chard's family. Mababait silang lahat sa akin. Siguro enough reason na 'yon for me to really like them."



Totoo ba na super-bantay daw siya ngayon kay Richard kapag may eksena ito with Maxene Magalona sa Kamandag? Pinagseselosan ba niya si Maxene?



"Naku, ayan na naman ang balitang ‘yan!" bulalas niya. "Hindi po ako nagbabantay doon sa eksena with Chard and Maxene. I was next kasi to be called for the scene. Lalabas na muna sana ako para mag-wait sa standby area. Pero sabi ng isang staff na huwag na raw akong umalis since mabilis lang daw ang kukunan na scene. Kaya I stayed kasi isasalang daw ako agad.



"So, hindi naman ako nagbantay talaga. Kahit itanong n'yo pa kina Chard and Maxene. Trabaho lang ang ginagawa ko doon and sumunod lang naman po ako sa sinabi sa akin ng taga-Kamandag.

"Kami naman ni Maxene, okay kami. We talk, lalo na kapag may mga eksena kami. Usually kasi, hindi kami magkasama sa mga eksena. Pero kapag may scenes kami together sa isang location, nagkukuwentuhan naman kami. Maxene is a very nice person and huwag naman sana nila kaming gawan ng intriga kasi we're working harmoniously on the set," lahad ni Jewel.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN