Marian Rivera talks about "rivalry" with Angel Locsin

IMAGE 0


"Wala akong sasabihing negative tungkol kay Angel kasi never siyang nagsalita ng negative tungkol sa akin. Kahit hindi pa ako Marimarat wala pa akong pangalan sa showbiz, maganda yung trato niya sa akin at mabait siya sa akin," says Marian Rivera (right) about Angel Locsin (left).



Magmula nang mapunta ang role na Marimarkay Marian Rivera, nagsimula na ring ikabit sa kanya ang pangalan ni Angel Locsin. Kay Angel kasi unang inalok ang Marimar bago ito napunta kay Marian at bago lumipat si Angel sa ABS-CBN. Dahil sa Marimar ay sumikat nang husto si Marian at siya ngayong itinuturing na pinakamainit na artistang babae ng GMA-7.

Ngayon nasa magkalabanag TV networks na sina Marian at Angel ay patuloy pa rin silang pinagtatapat at ipinagkukumpara. Patapos na ang Marimar ni Marian kasama si Dingdong Dantes, samantalang kasisimula lang ng unang teleserye ni Angel sa ABS-CBN, ang Lobo katambal si Piolo Pascual.

Hindi man direktang magkatapat ang kanilang mga programa, pilit pa ring pinagsasabong ng entertainment press at ng publiko sina Marian at Angel.

ANGEL'S REACTION. Sa presscon ng Lobo noong January 23 ay sinagot ni Angel ang isyu tungkol sa pagkukumpara sa kanila ni Marian, na tila pinag-aaway pa sila.

Ayon kay Angel, "Ang weird lang na kinu-compare ka sa isang tao na wala namang issue sa inyo talaga. Nagkataon lang na siya si Marimar at ako lumipat dito [sa ABS-CBN].

"Sana ‘wag na lang kaming i-compare kasi magkaiba po kami ni Marian," dagdag niya. "Maganda si Marian, magaling po siya. Maputi siya, maitim po ako. Ginagawa ko lang po ang trabaho ko... Nahihiya po akong i-compare kasi parang pinag-aaway kami. Baka mamaya 'pag nagkita po kami, hindi ko alam kung ano'ng mangyayari. Magpapansinan ba kami?"

MARIAN'S SIDE. Sa presscon naman ng pelikula ni Marian with Richard Gutierrez na My Best Friend's Girlfriend kagabi, January 30, ay hiningan din ng reaksiyon ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ilan pang entertainment press ang young actress sa pagtatapat sa kanila ni Angel.

"Actually, nahiya ako kay Angel sa mga sinabi niya," pauna ni Marian. "Siyempre, thank you sa kanya na sinabi niya na maganda ako, na magaling akong umarte, na maputi ako. Actually, ano, e, wala akong sasabihing negative tungkol kay Angel kasi never siyang nagsalita ng negative tungkol sa akin. Kahit hindi pa ako Marimar at wala pa akong pangalan sa showbiz, maganda yung trato niya sa akin at mabait siya sa akin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So, wala kaming naging problema. Ang hirap talaga nung kinu-compare kayong dalawa na hindi naman kayo magkagalit. Maganda lang sa amin ni Angel, kahit na binabato siya, binabato ako, pinu-push kami parehas, hindi kami nagsasalita ng negative tungkol sa isa't isa. Basta trabaho lang kami. Ang importante lang sa amin, yung friendship namin, nandun pa rin," pahayag niya.

Masasabi ba niyang close sila ni Angel?

"Hindi naman super friends, pero nagbabatian kami," diin ni Marian. "Simula noon hanggang ngayon, wala akong naririnig na negative na sinasabi ni Angel sa akin. At ganun din siya sa akin, wala siyang maririnig kasi mabait siya sa akin."

Patuloy niya, "Actually, dumadalaw siya sa set ng taping namin ni Oyo [Sotto, Angel's ex-boyfriend] before, yung Kung Mamahalin Mo Lang Ako. Ipinakilala pa siya sa akin ni Oyo. ‘Babe, si ano...' Kung nagkikita kami sa mga gatherings, sa mga party, nagha-hi naman kami. Ang last na kita namin yung Kapusolympics sa Marikina... Ako mismo yung lumapit sa kanya.

"Siguro kanya-kanya lang kami ng destiny talaga na ganun talaga. Ang maganda lang, okay kami.

Nagpapasalamat ba si Marian kay Angel somehow sa success na tinatamasa niya ngayon? Kung iisipin, kung hindi tinanggihan ni Angel ang Marimar ay hindi siguro ganito kaganda ang mangyayari sa career ni Marian.

"Oo naman, alam naman nating lahat ‘yon," pagsang-ayon ni Marian. "Alam natin ‘yan. Hindi talaga ako mabibigyan ng chance [kung hindi niya tinanggihan]. Pero siyempre, hindi ko naman sinasabing walang ginawa yung GMA sa akin. Pero, of course, GMA pa rin yung talaga ang bumuo sa akin bilang si Marian Rivera. Nabigyan lang ako ng chance na ipakita yung talent ko sa kanila."

Sinabi ni Angel na hindi raw niya alam kung ano ang mangyayari ‘pag nagkita sila ni Marian dahil nga sa mga intrigang ikinakabit sa kanilang dalawa. Ano naman ang gagawin ni Marian kung sakaling magkita nga sila ni Angel?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Ako mismo lalapit sa kanya para batiin siya," sagot niya. "Iku-confirm ko ‘yan sa inyo, ako mismo. Dapat lang na ako [ang unang lumapit] dahil nauna siya sa akin, e. Bilang mas nauna sa akin, parang ako yung dapat magpakumbaba o lumapit sa kanya bilang respeto para sa kanya."

Ano naman ang masasabi niya sa pagkukumpara sa kanila ni Angel?

"Lahat ng artista, hindi lang ako, kinu-compare sa bawat artista. Ganun naman talaga sa showbiz, e. Hindi puwedeng hindi ka iku-compare sa isang artista. Laging ganun," pahayag niya.

Kung ang description ni Angel kay Marian ay "maganda," "magaling," at "maitim," paano naman ide-describe ni Marian si Angel?

"Kung sinasabi niya na sobrang mestiza daw ako, morena beauty naman siya. Kung acting naman, alam naman nating magaling din umarte si Angel, e. Kung kaseksihan, alam natin na sexy si Angel, nakapag-Darna nga siya. Na-prove niya sa mga tao na No. 1 din siya noon. So, siguro may kanya-kanya lang kami ni Angel."

DARNA ROLE. Speaking of Darna, sigurado na ang pagbabalik ng naturang superheroine character sa telebisyon sa pamamagitan ng Captain Barbell Meets Darna, na nakatakdang simulan later this year. Ngayong wala na nga si Angel sa bakuran ng GMA-7, malakas ang usap-usapan na si Marian ang gaganap sa pagbabalik ni Darna.

Sa panayam ni Marian sa January 2008 issue ng YES! magazine, sinabi niya na nahihiya siyang tanggapin ang role na Darna dahil siguradong maikukumpara na naman siya kay Angel.

Nang si Angel naman ang tanungin tungkol sa reaksiyon ni Marian, ito ang naging pahayag niya: "Nahihiya ako sa kanya kasi alam ko yung feeling... Nagsisimula ka, may pangalan ka, then iko-compare ka isang artista na ayaw mo namang makipagkumpitensiya."

Nilinaw naman ni Marian na hindi siya nagpaalam kay Angel para gampanan ang Darna.

Paliwanag niya, "Kasi tinanong ako, what if ibigay sa akin yung Darna. Sabi ko, ‘Naku, kapag Darna na naman, nakakahiya kay Angel. Iku-compare na naman ako kay Angel. Pag-aawayin na naman kami ni Angel... Mas sexy si Angel kesa kay Marian. Mas sexy si Marian kay Angel. Mas bagay kay Angel, mas bagay kay Marian.' So mapu-push na naman kami parehas, wala naman kami ginagawa at hindi naman kami magkagalit, iku-compare na naman kami because of Darna.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero hindi ko sinasabi na hindi ko tatanggapin, if ever, ang Darna," diin niya.

Si Angel ba ang itinuturing ni Marian na katapat niya sa hanay ng young actresses ngayon?

"Ayoko yung sabihin ko na, ‘Gusto ko katapat ko siya kasi ganun yung level ko.' Ang hirap nun. Ang importante sa akin, maayos yung trabaho ko. Minamahal ako ng mga tao dahil sa trabaho ko. Ayokong isipin na ‘Ay, mas magaling siya sa akin, mas gagalingan ko pa...'

"Hindi mo naman siyempre maiiwasan na i-compare ka sa iba, e. Siguro mas maganda na isipin ko na lang, in a positive way, na galingan ko yung bawat ginagawa kong projects para magustuhan ako ng mga tao," paliwanag ni Marian bilang pagtatapos.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN