Francine Prieto accepts another kontrabida role

IMAGE 0


From sexy to comedy, and now, character roles—Francine Prieto is set to prove her caliber as an actress.


Hindi raw nababahala si Francine Prieto sa kanyang pagiging kontrabidasa mga television shows na kinabibilangan niya. Sa bago ngang primetime show naE.S.P. Nagpaparamdam Sila... ay muli nanamang kontrabida si Francine opposite the lead female star, Iza Calzado.Nag-i-enjoy na nga raw siya sa mga character roles na napupunta sa kanya.

"Ang importante naman ay parati akong may trabaho. Kapag mayrole na kailangan ay higanteng babae, ako agad ang naiisip nila, ‘di ba? Satotoo lang, I enjoy doing these roles kasi nga may nagagawa kang iba.Napaglalaruan mo. Hindi ka focus lang sa ano ang dapat na role mo lalo na kung bidaka. Kung kontrabida ka, may sarili kang mga kilos. Hindi ka limited kaya enjoy,"ang bungad ni Francine na may taas na 5'10".

Nagkuwento rin siya tungkol sa pagkakaiba ng roles niya samga current TV projects niya. Aniya, "Sa Kamandagnga, with matching costume pa ako kaya alam nila na mapanganib ang role ko.Dito naman sa E.S.P. isa akong ambitiousna news reporter na karibal ni Iza sa magkaibang TV station. Dito naman, mas makikitanila ang katarayan ko sa kilos at dialogues as in...Maiinis sila sa akin dito kasimaldita kung maldita ako rito! Medyo sweet pero maldita talaga!" tawa ngaktres.

Muli nga silang nagkatrabaho ni Iza pagkatapos ng ilangtaon. Huli silang nagkasama sa primetime show na Etheria: Ang Ikalimang Kaharian ng Encantadia (2005). Kung noon ay mabibilanglang ang mga eksenang magkasama sila, dito sa E.S.P. ay mas madalas na silang magka-eksena.

"Nagtatarayan pa rin kami sa mga eksena!" ang kuwento niya. "SaEtheria kasi, parati akong galitdoon. Pinag-iinitan ko sila. Dito sa E.S.P.,mainit pa rin ang ulo ko kay Iza! Sabi ko nga, eh, never akong bumait sa mga rolesko. Paratiakong maldita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Subalit hindi naman daw sila ganoon ni Iza sa totoong buhay.Ang sabi ni Francine, "Pero off-camera naman, okey kami ni Iza. May chance nakaming magkuwentuhan na. Kung noon, wala kaming time, puro 'Hello' at 'Hi' lang,kasi magkakaiba ang mga eksena namin. Ngayon, sobrang may oras na kami para mag-tsikahan."

Sa Valentine's Day nga raw ay walang ka-date si Francine. Bakaraw ang family ang makasama niya sa araw na iyon.

"Naku, ilang Valentine's Day na ba akong walang date? Matagalna pala. Okey lang kasi wala nga akong boyfriend, ‘di ba? Minsan naiisip nabaka ang mga boys intimidated na sa akin. Malaki na nga ako ‘tapos mga kontrabidapa ang roles ko. Baka natatakot na sila sa akin! Naku, sana huwag naman. Kungsino makaalala na humingi ng date sa akin, available ako anytime," pagbibiro pani Francine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN