Kris Bernal clarifies "playgirl" remark of Aljur Abrenica

IMAGE 0


What's the real deal between Aljur Abrenica (left)and Kris Bernal (right)? Fans have been asking this question since their Startruck days (2002). Press people have been hinting on their mutual understanding. But the two young stars have not issued any clear statement about the status of their friendship.


Hindi pinalampas ni Kris Bernal ang sinabi umano ni Aljur Abrenica na "playgirl" siya. Nakarating kasi kay Kris na nagkaroon ng interview si Aljur atnabanggit nga raw ng huli ang pagiging playgirl ng young actress.

Ikinaila naman daw ito Aljur. Baka raw na-misinterpret lang ng reporter ang pagkakasabi niyang word na "playgirl." Hindi naman daw niya directly sinasabing playgirl siKris.

Sabi naman ng Starstruck Batch 4 Ultimate Sweetheart,"Noong may nagsabi sa akin noon, tinawagan ko kaagad siAljur. Hindi naman ako galit sa kanya. Gusto ko lang malaman kung totoo na maysinabi siya na playgirl ako. Kasi nalaman din ng family at ng friends ko, parang hindiraw maganda kasi. Pero sinabi naman ni Aljur na hindi niya directlysinabi na playgirl ako. Hindi raw niya sasabihin iyon sa akin. Baka raw hindi silanagkaintindihan ng reporter."

Dagdag pa ni Kris, "Okey lang naman ‘yon. Wala akong sinisisi at hindi akogalit sa reporter na nagsulat. Naging issue lang kasi sa family ko. Peroin-explain ko naman sa kanila na ganyan ang trabahong pinasok ko. Naintindihannaman yun ng family ko."

Masasabi nga bang playgirl si Kris Bernal?

"Hindi naman po. Playgirl ba yung maging close ka lang samga guys? Hindi ko naman sila nagiging boyfriends, eh. Ang playgirl yung hindilang isa or dalawa ang boyfriend, ‘di ba? Hindi naman ako gano'n. Siguro dahil nali-link ako sa ilang guys...pero it doesn'tmake me a playgirl naman. Iba pa rin ang ibig sabihin no'n," ang depensa ni Kris.

Sa thankgiving party nga ng Zaido: Pulis Pangkalawakan aytinanong din si Kris kung totoong may iba nang dine-date na babae si Aljur atisang non-showbiz girl ito. Clueless daw tungkol dito si Kris pero okay rin naman daw sa kanya kasi hindi naman naging sila ni Aljur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kung meron nga siyang ibang dine-date, walang problema saakin kasi wala naman kaming relasyon. Libre siyang gawin ang gusto niya," ang mabilis niyang sagot.

"Kung nagseselos ako?" ang balik-tanong ng dalaga. "No wala namang gano'n. Alam ni Aljurhow I feel for him at alam ko rin kung ano ang nararamdaman niya for me. Perokung hindi kami meant for each other, tanggap ko naman iyon. Baka nga may ibang tao na para sa amingdalawa."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN