Mark Herras volunteers to be the ninong of Jennylyn and Patrick’s child

IMAGE 0


"Kung nanliligaw ako, sana, akolang mag-isa ang nagpupunta sa kanila at mahihiya naman yata akong aabalahin kosila para maglaro lang ako ng computer games," says Mark Herras as he denies he's courting Ina Asistio (inset), his co-star in Mga Mata niAnghelita.


"Kumare" na ang tawag ni Mark Herras saex-girlfriend na si Jennylyn Mercado. Nagpresinta na kasi si Mark na isa siya sa dapatay maging ninong ng magiging anak ni Jennylyn at ng boyfriend nitong si Patrick Garcia.

"I'm sure, Patrick won't mind the idea," sabi pani Mark. "Matagal na ring okay kaming lahat. Kahit nagulat din ako sapagbubuntis ni Jen, maging supportive na lang sana tayo sa kanya, and justunderstand what she's going through."

Samantala, iniiwasan ni Mark na malagyan naman ng malisya angcloseness nila ni Ina Asistio, anak nina Boy Asistio at Nadia Montenegro.

Napabalita na ang tungkol dito noong magkasama pa sila sa Mga Mata ni Anghelita, pero, heto at sa nakaraang Nivea Cup naginanap sa Davao, mahabang sandali rin yung nawala sa paningin ng lahat sinaMark at Ina sa Pearl Farm.

"Hindi kami nawala, nandooon lang kami,"tanggi ni Mark. "Close din kasi ako sa anak ni AteNadz [Nadia] na si Isha, na mas bata pa kay Ina. Nasa second year high schoolpa lang 'yon.

"I was asked by Ate Nadz to look after them, sincebarkada na ang turing nila sa akin. Si Ina, wala pang kamuwang-muwang 'yon,itsitsismis pa sa akin. Huwag naman sana."

Inamin ni Mark na madalas siyang naglalagi sa bahay ngmag-inang Nadia at Ina sa White Plains.

"Kaibigan ko kasi sila, kaya ini-invite ako na kungwala akong ibang ginagawa, I can stay there sa place nila. Naglalaro lang akong Play Station at computer games. Mas okay na 'yon kesa nakikita ako sa kungsaan-saan," sambit ni Mark.

Nilinaw rin ni Mark na nagpupunta siya sa bahay nina Ina namay kasama pang ibang mga kaibigan.

"Kaya hindi ako nanliligaw," sambit niya. "Kung nanliligaw ako, sanaako lang mag-isa ang nagpupunta sa kanila at mahihiya naman yata akongaabalahin ko sila para maglaro lang ako ng computer games.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Lagi nga akong pinaaalalahanan ni Ate Nadz na I haveto look after her daughter daw, at ayoko ring sayangin ang tiwala nila ni KuyaBoy, na baka kung ligawan ko pa si Ina, magalit sila sa akin.

"At saka napakabata pa talaga ni Ina. Hindi ko ngamasabing mai-in love ako sa isang gaya niya na sixteen years old pa lang,"napakibit-balikat pa ang young actor.

Aside from Ina's place, nagpupunta palagi si Mark sa Serve,ang disco joint sa may Araneta Center. At least, sa kanilang magkakaibigan dawang negosyong ito, and they are in control.

"Kumbaga, nasa teritoryo ako. Kaya hindi ako malalagaysa alanganin. Ayoko na talagang nagpapakalat-kalat," nangingiting nasambitpa ni Mark.

Isa pang ka-close ni Mark ay si Yayo Aguila at ang mga anaknila ni William Martinez.

"Lahat na lang ng babaeng napapadikit sa akin, mulanang pumasok ako sa showbiz, ini-link na sa akin. Hindi na rin ako nagtataka kung bakit ganyan. At mukhang wala akongmagagawa.

"Ayoko ring dahil lang diyan, iiwas na akongmakipagkaibigan. Kaya natuto na akong huwag maapektuhan. Besides, I have norelationship to protect at this moment," natatawa na lang ang young actor.

Isa pa, napakaraming commitments ni Mark. Pasok siya sacast ng Joaquin Bordado bilang youngest brother nina Robin Padillaat Ian Veneracion.

Maski nga ang pakikipagtrabaho niya kay Rhian Ramos sa My Only Love, binigyan ng anggulong pati ang kapatid umano ni Rhianay niligawan ni Mark.

"Natawa na lang kami ni Rhian, kasi never ko pangnami-meet yung sinasabing kapatid niya. Paano ko liligawan 'yon?"pagwawakas ng young actor.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN