Nauna nang ibinalita ni Martin Nievera kamakailan ang pagbabati nila ng kanyang dating asawa na si Pops Fernandez. Ngunit nanatiling tahimik ukol dito ang singer-actress.
Pero binasag ni Pops ang kanyang katahimikan sa contract signing ng kanyang bagong endorsement noong nakaraang linggo. Sa panayam ng The Buzz sa kanya na ipinalabas kahapon, February 10, kinumpirma ni Pops ang pagbabati nila ni Martin.
Aniya, "I wanted to come out sincerely saying exactly na we're okay na. I think we're working things out. It's a start. Totoo naman na talagang okay na kami and that what's happened.
"I am so willing to iron things out. We have our separate lives and, my gosh, ang tagal na! There's no reason why we can't be also be big enough to really sit down and discuss a lot."
Sa pagkakaayos ng kanilang di pagkakaunawaan, kasunod na kaya nito ang pakikipag-usap ni Pops sa kasalukuyang karelasyon ni Martin na si Katrina Ojeda?
"We'll never know, we'll never know," sagot ni Pops. "It really depends on Martin. I think the key naman kasi is Martin and how he handles it. And the reason lang naman kasi, di ba, why medyo nagkaproblem kami is because I think he didn't handle it well?"
Para kay Pops, ang mahalaga ngayon ay nagkaayos na sila ng kanyang dating asawa at ang ama ng kanyang dalawang binatang sina Ram at Robin.
Nilinaw rin ni Pops sa kanyang panayam na wala naman siyang kaaway sa ngayon. Kung meron man daw taong hindi siya makasundo, handa naman siyang gumawa ng paraan upang makaayos ito.
Giit ni Pops, "If they're not ready to be friends with me, I'm so ready to be friends with them. I just want to appreciate everything, everything that I have. Why concentrate on the not-so-good things?"
Tulad ng kanyang nasabi, hindi na rin binigyang-pansin ang mga bali-balitang ukol sa kanyang kasalukuyang boyfriend na si Jomari Yllana. Sa isang event sa Davao kamakailan, nakunan ng video footage si Jomari na nakikipagsayaw sa iba't ibang babae.
Ngunit hindi na nagulat si Pops nang tanungin siya tungkol dito ng The Buzz. Ani Pops, "It was already explained. Naunahan na yun. It was already explained that everybody was having fun. I didn't see it but I kinda heard about it."
MARTIN'S NEW GIRL?Noong Huwebes, February 7, naibalita dito sa PEP (Philippine Entertainment Portal) na may bagong babae diumano ngayon sa buhay ni Martin.
Isa diumanong anak ng prinsesa na nagngangalang Angie ang bagong kinahuhumalingan ng Concert King. Sa katunayan, nanood pa raw ito ng katatapos lamang na 25th anniversary concert ni Martin sa Araneta Coliseum.
Pinabulaanan naman ito ni Martin sa pamamagitan ng text message na ipinadala niya sa entertainment columnist na si Ricky Lo at nailathala ngayon sa pahayagan.
Ayon kay Martin, "Sorry for the late reply. This is about a very dear friend of our family. Her father is not the prince. We have spent time together. Yes, she was at my concert and, together with her family, has watched my past concerts. Yes, she is special, but there's nothing to report at this point except that I'm so sorry to have their names come out here and there.
"I would like to apologize to all the families affected by all this, most especially to Angie and her family. It would truly be sad if our relationship was affected by all this. They are all very special to me and my family, and I would not want them involved in our world of intrigue."
Samantala, sinubukang hingin ng The Buzz ang pahayag ni Pops hinggil dito sa opening ng bar ni Aiko Melendez noong Biyernes, February 8, ngunit tumanggi siyang magbigay ng kuro-kuro.
"You know, I don't think it's proper," sabi ni Pops. "He has his own life, so do I. And I don't think it's proper that I make a comment."