Iwa Moto wards off Robin Padilla's "special attention"

IMAGE 0


"I'm not saying na masyado akong bata kay Binoe. Pero as time progressessa taping, may kakaibang charm din kasi siya. Hindi mahirap maka-closesi Binoe sa ganoong parte, and I just want to know him better that way,as a fellow actor," says Iwa Moto about Joaquin Bordado co-star Robin Padilla.



Halatang hindi nakaligtas kay Robin Padilla ang kakaibang appeal ngayon ng nagpapaka-daring na si Iwa Moto. Pero pangiti-ngiti lang si Iwa sa atensiyong ibinibigay ng lead actor ng Joaquin Bordado.



"I feel elated. Siyempre naman, Robin Padilla 'yan. Feeling ko, hindi dapat nilalagyan ng malisya 'yon. Parang kapatid lang ang turing sa akin ni Robin, at nagtatrabaho kasi kami. May love angle kami sa Joaquin Bordado kaya kailangang kumportable rin kami sa isa't isa," paliwanag ni Iwa sa PEP (Philippine Entertainment Portal).



Ito lang ang dahilang alam ni Iwa kung bakit nami-misinterpret ang pagpupursige ni Robin na maka-close siya.



"Mahirap din kasi kaming magka-close ng ganoon lang, kasi we don't belong din sa same age bracket," sabi ng young actress. "I'm not saying na masyado akong bata kay Binoe. Pero as time progresses sa taping, may kakaibang charm din kasi siya. Hindi mahirap maka-close si Binoe sa ganoong parte, and I just want to know him better that way, as a fellow actor. Pero huwag na lang lagyan ng malisya."



Hindi madaling ma-resist ang alindog ni Iwa ng mga kalalakihan sa panahon ngayon, lalo na sa kanyang role sa Joaquin Bordado. Isa siyang bar girl dito na walang pakialam at mai-involve din siya sa character na ginagampanan ni Mark Herras.



Mas lamang daw yung posibilidad na ma-link sila ni Binoe kesa sila ni Mark.



"Brother lang talaga ang tingin ko kay Binoe," ulit ni Iwa. "Kasi I can't deny the fact na posible akong ma-in love sa isang gaya niya dahil hindi siya mahirap mahalin. Kaso nga lang, mas nakaka-relate ako sa mga bagets. Sila kasi yung mga nakakabarkada ko. Iba na kasi yung level ng gaya ni Robin."



MISS UNDERSTOOD. Ever since, misinterpreted ng marami si Iwa. Lalo na yung kakikayan niya na naglagay rin sa kanya sa alanganin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Pero kaya kong pangatawanan ito," sambit niya. "Noon siguro, naaapektuhan pa ako 'pag sinasabi nilang malandi ako, and all that. Ngayon kasi, kaya kong idepensa ang sarili ko sa ganyang accusations.



"Noon kasi, iiyakan ko lang 'yan. Mas kilala ko naman ang sarili ko kaya wala akong pakialam kung ine-nega nila ako dahil lang sa medyo pa-sexy na ang image ko. I don't care!"



Hindi maitatago ni Iwa ang sama ng loob sa ex-boyfriend niyang si Yexel Sebastian. Halatang hindi naging maganda ang paghihiwalay nila.



"Huwag na lang pag-usapan," sabay kibit-balikat ng young actress. "Ganyan naman ang mga lalaki. Parang pare-pareho lang sila. Mahirap lahatin. Pero sa naranasan ko kasi, ganoon na lang palagi. Siguro nga, hindi ko pa suwerte sa love. Kaya career na muna ako."



Puro nega kasi ang napala ni Iwa sa pakikipag-boyfriend. Hindi kaya dahil dito ay mas magustuhan na niyang isiping mas okay siguro kung babae na muna ang mapagbalingan niya?



"As in lesbianism?" tili ni Iwa. "Ayoko! I have nothing against gays and lesbians, I want to make it clear. But if you are asking my sexual preference, stick ako sa pagiging babae. Lalaki pa rin ang nagugustuhan ko.



"Kasi ang lesbianism at homosexuality, contradicting talaga sa teachings sa Bible. That's what I'm driving at. Pero marami akong kaibigang gays at lesbians. Walang problema sa akin ang tungkol diyan. Kaya lang, kung personal life ko na ang tatanungin, hindi ko talaga maaatim na pumatol sa tomboy," paliwanag pa niya.



Just the same, sa puntong ito, ayaw rin muna ni Iwa sa lalake.



"Ayoko kasing may nagpapasakit ng ulo ko," sabi niya. "Kung relasyon lang, 'tapos nagkakaproblema ka, sa halip na ma-inspire ka, hindi bale na lang. Okay sana kung mayroon, basta yung matino lang. Hindi ko sinasabing ganoon ako katino to have a boyfriend na matino rin, but I'm trying to. Walang masama kung maghangad ako ng ganoon, yung ma-meet ko ang guy na makokontrol din ako sa tamang paraan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Pero sa ngayon, nakatutok ako sa career ko. Hindi ko muna pababayaang magkaproblema na hindi naman dapat kung hindi ko muna papansinin ang mga lalakeng 'yan."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN