Toni Gonzaga is not yet allowed to leave family home

IMAGE 0


"Matagal na siyang nagsasabi, pero hindi ako pumapayag. Kahit ngayon,hingin niya sa akin ‘yan, hindi ako papayag for the very simple reasonna hindi maganda," explains Toni Gonzaga's (in photo) dad, Mr. Carlito Gonzaga, about his daughter's plan to live separately.



Sa unang pagkakataon ay isiniwalat ng ama ni Toni Gonzaga na si Mr. Carlito Gonzaga ang tunay niyang damdamin sa karelasyon ng anak na si Paul Soriano. Halos maluha si Daddy Carlito nang hingan siya ng reaksiyon ng PEP (Philippine Entertainment Portal) sa plano ni Toni na pagpapakasal kay Paul three years from now.



Handa na ba siya sa pagpapakasal ni Toni kay Direk Paul?



"Nagpipilit i-ready ang sarili," pahayag ni Daddy Carlito sa pananghalian na ibinigay nila sa ilang entertainment press dahil sa matagumpay na first major concert ni Toni sa Aliw Theater last February 9.



Nabalita noon na gusto rin ni Toni bumukod at tumira sa isang condo. Pero hanggang ngayon ay nakatira pa rin ang TV host-actress sa family home.



"Oo, pero hindi naman diretso na sinasabi niyang gusto na niyang bumukod. Sasabihin niyan sa akin, ‘Daddy, kumuha tayo ng condo.' O kaya naman, ‘Dad, maganda yung condo sa may ano.' Matagal na siyang nagsasabi, pero hindi ako pumapayag. Kahit ngayon, hingin niya sa akin ‘yan, hindi ako papayag for the very simple reason na hindi maganda," pahayag ng ama ni Toni.



What if mabuntis si Toni bago ikasal?



"Twenty-four na siya," sambit ni Daddy Carlito. "Magugulat ako, pero kasi responsibilidad na niya ‘yon sa sarili niya. Hindi na sa aming mga magulang niya magre-reflect ‘yon. Kumbaga, 18 to 21 at nabuntis siya sa amin, magre-reflect ‘yon na magulang niya kasi responsibilidad pa namin siya. Pero kung nangyari ‘yan ‘pag lampas noon, e, siya na ‘yan. Susuportahan namin siya, pero galit ako."



Dagdag pa ni Daddy Carlito, hindi pa siya sabik na sabik na magkaroon ng apo. Masaya pa rin siya sa company ng kanyang dalawang anak na babae.

Aminado si Mr. Gonzaga na wala siyang naging paborito sa mga nanligaw kay Toni, even ang boyfriend ng anak ngayon. Maging ang naka-MU ni Toni na si Sam Milby ay inamin na takot noon kay Daddy Carlito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon sa kapareha ni Toni sa pelikulang My Big Love, isa raw sa mga dahilan kaya naputol ang MU nila noon ng dalaga ay dahil sa mga magulang nito. Ano ang masasabi ni Mr. Gonzaga rito?



"Ewan ko. Hindi ako sigurado. Baka alibi lang niya ‘yon. E, nung araw naman o lahat ng manliligaw, takot sa tatay ng babaeng nililigawan nila," natatawang sabi niya.



Last February 5, nag-celebrate si Daddy Carlito ng kanyang 53rd birthday. Nag-dinner lang daw sila ng family niya sa Hotel Sofitel kasama si Toni at bunso nilang anak na si Alex Gonzaga. Kasama raw ni Toni sa dinner si Paul.

Isang pares na branded na tsinelas ang regalo sa kanya ng kasintahan ni Toni. Ayon sa ina ni Toni na Mrs. Pinty Gonzaga, madalas raw kasing suutin ni Daddy Carlito ang tsinelas ni Direk Paul kapag nasa bahay nila ang binata.

"Lagi kasing nakatsinelas si Paul kapag pupunta sa bahay. Minsan naiwan niya yung tsinelas niya kaya niregaluhan siya ni Paul," kuwento ni Mommy Pinty.



Natuloy ring bilhin ni Toni ang type niyang sasakyan na Patrol bilang Christmas gift sa sarili niya. Nag-down sina Toni ng kalahati sa sasakyan na nagkahalaga ng P2.5 million. Kaya naman ipinaubaya na ni Toni ang kanyang BMW sa kanyang mga magulang. Hindi naman niya magamit ang iniregalo rin sa kanya ng isang sponsor niya na Mark II dahil sira ito sa kasalukuyan.



Noong birthday naman ni Toni last month, niregaluhan niya ang kanyang sarili ng isang set ng diamond earrings and ring worth P600,000, na suot-suot niya sa presscon ng My Big Love.



Ipinakita rin sa amin ni Toni that time ang eternity diamond-studded ring na regalo raw niya sa sarili after ng first Pinoy Big Borther stint niya. Suot din niya sa presscon ang birthday gift sa kanya ni Paul na Tiffany necklace with diamond pendant.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Nakapila for Toni ang movie na My Amnesia Girl this year at isang bagong album under Star Records. Tamang-tama raw ito for her major concert sa Araneta Coliseum sa February 2009. May offer din kay Toni na leading lady ng superhero na ipapalit sa Volta ni Ai-Ai delas Alas.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN