New mom Camille Prats is back in town

IMAGE 0


Former child star Camille Prats is back in Manila after giving birth to Nathaniel Ceasar Linsangan in the U.S. last January 25, 2008. Once settled, Camille is planning to resume her showbiz career. But her husband, Anthony Linsangan, made it clear that there would be no sexy roles for his wife.


Nakabalik na dito sa Pilipinas ang young actress na si Camille Prats matapos mamalagi sa U.S. ng ilang buwan. Matatandaang tumulak patungong Los Angeles, California ang dating child star noong September 2007 upang doon ituloy ang pagdadalang-tao. Pansamantalang ipagpaliban ni Camille ang kanyang showbiz career.

Noong January 25, 2008 ay isinilang na nga ni Camille ang kanyang baby boy na si Nathaniel Ceasar. Nagpasya muna sina Camille at ang nobyo niyang si Anthony Linsangan na magpakasal noong January 5 sa isang simpleng civil ceremony sa Los Angeles.

Bagama't mahaba ang biyahe ay hindi naman daw naging pasaway si baby Nathan dahil mas madalas itong tulog kesa gising. Bukod kay Nathan at Anthony ay kasama din ni Camille na bumiyahe pauwi ang kanyang ina, si Mrs. Alma Prats.

Balak ni Camille na pabinyagan agad si Nathan pagkatapos ng Holy Week.

Ayon kay Camille, magpapahinga lang siya sandali bago tuluyang bumalik sa showbiz at ipagpatuloy ang iniwang career.

"Excited na akong bumalik sa showbiz," bungad ni Camille nang makausap ng ilang taga-media sa airport. "At maraming-maraming salamat sa kanilang lahat for the continuous support that they'd given me from the very beginning hanggang ngayon."

Wala naman daw problema kay Anthony ang napipintong showbiz comeback ni Camille.

"Okay, okay naman," nahihiyang sagot nito. "Napag-uusapan naman namin ‘yon."

Bagama't wala ngang problema ay nilinaw din agad ni Anthony na hindi na niya papayagang magpa-sexy ang asawa.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN