Mura talks about former partner Mahal

IMAGE 0


"Mahilig siya sa mga machong lalaki na hamak na mas malalaki sa kanya.Ewan ko ba. Gusto yata niya yung dinadaganan siya! Madali kasing ma-inlove 'yang si Mahal," says Mura about Mahal (inset).



Napag-alaman ng PEP (Philippine Entertainment Portal) na humahataw ng karaketan sa GMA-7 ang "little star" na si Mura. Lumabas na siya sa Majika, Super Twins, Mga Mata ni Angelita, at Magic Kamison. Mapapanood din siya sa Tasya Fantasya na pagtatambalan nina Yasmien Kurdi at Rainier Castillo.

"Malaki ang pasasalamat ko sa GMA-7 dahil kahit identified ako sa Dos [ABS-CBN] noon, kinukuha pa rin nila ako. Wala naman akong exclusive contract sa kanila. Pero mas marami nga akong raket sa kanila ngayon kesa sa Dos.



"Ayokong lumabas na may sama ng loob sa ABS, kasi nariyan pa rin sila at sumusuporta. In fact, may bago kaming movie sa Star Cinema [film arm of ABS-CBN], yung Supah Papalicious at maganda rin ang role ko, suporta kay Vhong Navarro.



"Siguro, panahon lang na mas maraming inaalok ang Siete sa akin. Pero naririto pa rin naman ako kung kailangan ng Dos. Huling nagawa kong movie sa Star Cinema ay yung Agent X-44 na kasama ko rin si Vhong," lahad ni Mura.



Kinu-consider nga ni Vhong na isa sa lucky charm niya si Mura dahil isa pang hit movie ng komedyante, ang D' Anothers, ay nakasama rin doon si Mura.

SIDE DOES NOT MATTER. Interesting ding malaman na sa edad na 17 noon, na-in love na si Mura sa isang normal and average young girl. Pero namatay ang dalaga.



"Kasi, blue baby siya," malungot na sabi ni Mura. "Eighteen years old lang siya nang mamatay. Na-depress din ako. Mula noon, hindi na ako nagkaroon ng girlfriend."



Pero ang talagang crush daw ni Mura ay si Angel Locsin. Tuwang-tuwa si Mura nang makatrabaho niya si Angel sa GMA-7 noon sa Majika.



"Mabait kasi siya," banggit ni Mura. "Natutuwa rin ako at nasa ABS na siya, at sana makatrabaho ko uli siya."

MURA TALKS ABOUT MAHAL. Habang very active pa rin sa showbiz si Mura—and enjoying the best of both worlds (ABS-CBN and GMA-7)—parang nowhere to be found naman si Mahal. Sina Mura at Mahal ay pinagtambal sa defunct noontime show ng ABS-CBN na Magandang Tanghali, Bayan (MTB), kung saan nagpanggap muna si Mura bilang babae.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Paminsan-minsan, nagte-text-an pa rin kami ni Mahal," sabi ni Mura. "May problema kasi siya. Na-stroke nga raw ang father niya at kailangan niya ng financial support.



"Yun lang ang huling nabalitaan ko sa kanya. Handa naman akong tulungan siya kung kinakailangan. Kaya lang, hirap din ako kahit sunud-sunod ang projects ko, kasi nga sinusuportahan ko rin ang pamilya ko."



Yaman din lang na gipit si Mahal, hindi ba ito lumapit kay Mura para sa financial help?



"Wala naman siyang hinihingi," sagot ni Mura. "Pero kung may maibibigay ako, bakit hindi ko siya tutulungan? Gagawa rin ako ng paraan.



"Sa ngayon, ang maibibigay ko lang sa kanya ay pasa-load [sa cell phone]. Napautang ko na rin naman si Mahal noon. Maliit nga lang, pero nagbabayad naman siya," kuwento niya.



Biniro namin si Mura na baka ang allowance na ibinigay niya kay Mahal para sa pasa load ay 100 pesos.



"Ay, hindi! Masyadong malaki 'yon! Tama na sa kanya ang thirty pesos!" natatawang sabi ni Mura.



Ano kaya sa palagay ni Mura ang dahilan ng downfall ni Mahal?



"Hindi ko sigurado, hindi ko masasagot 'yan," napapailing na sabi ni Mura. "Ang masasabi ko lang, gusto ko siyang makasama at makatrabaho uli, gaya ng dati. Palagay ko lang, hindi siya naaalagaan."



Kumpara kay Mahal, tiyahin kasi ni Mura ang mismong nagma-manage sa kanya, at masipag itong nagpa-follow-up ng kung anu-anong projects for him.



Balitang nababaliw sa lalaki si Mahal at nagbibigay pa ng pera sa lalaki. Naniniwala ba si Mura dito?



"Siguro, may katotohanan ang balitang 'yan," sabi ni Mura. "Kasi ganoon naman ang pagkakakilala ko sa kanya. Mahilig siya sa mga machong lalaki na hamak na mas malalaki sa kanya. Ewan ko ba. Gusto yata niya yung dinadaganan siya! Madali kasing ma-in love 'yang si Mahal," pagwawakas ni Mura.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN