Dingdong Dantes says Bench endorsement is "perfect timing"

IMAGE 0


"Para siyang childhood dream or passion... I never thought noong bataako na magagawa ko itong ang bagay na ito, but I always see it. Hindiko alam na kaya ko palang gawin," says Dingdong Dantes about his underwear pictorial for Bench.



Yesterday, March 8, nagkaroon ng isang mini-fashion show ang Bench sa Activity Center ng Trinoma Mall sa Quezon City bilang pagsisimula ng programa for the unveiling of the newest Bench underwear billboard, kung saan ipinakilala ang pinakabagong celebrity endorser ng Bench Body na si Dingdong Dantes.



Pagkatapos ng naturang mini-fashion show, kung saan si Dingdong lang ang celebrity model na rumampa along with other models, ay dumiretso na agad sa unveiling ng itinatayang pinakamalaking billboard na makikita along Guadalupe, E. de los Santos Ave. (EDSA), Makati City.

Lulan ng ferry boat ang mga invited press people, ang manager ni Dingdong na si Perry Lansigan, ang may-ari ng Bench na si Mr. Ben Chan, at siyempre pa, si Dingdong mismo habang pinapanood ang unveiling ng first Bench underwear billboards ni Dingdong.



Prior to that, nakausap muna ng PEP (Philippine Entertainment Portal) at ng iba pang entertainment press si Dingdong sa bus on the way to Guadalupe. Sa bus pa lang ay marami na ang nag-congratulate sa young actor sa pagiging bago nitong endorser ng Bench at sa magandang kinalabasan ng kanyang underwear pictorial na nakita na sa ipinamigay na brochure.

PERFECT TIMING. Ayon kay Dingdong, everything was perfect timing on his part. "Para siyang ano sa akin, para siyang childhood dream or passion... I never thought noong bata ako na magagawa ko itong ang bagay na ito, but I always see it. Hindi ko alam na kaya ko palang gawin.



"Siguro, ayoko na lang banggitin yung nangyari dati... But the perfect opportunity came well, the Bench offer came to me at the right time. Perfect timing na I was in condition, and in shape. Nagkaroon lang talaga ng perfect timing," kuwento ng Marimar leading man.



THE PICTORIAL.
Kumusta naman ang pictorial niya para sa Bench underwear?



"Sa Subic ‘yon, e. Isang araw lang ‘yon. Si Ronnie Salvacion ang photographer, so I give credit to Ronnie Salvacion. Si Nuel Manapat ang nag-style at si Juan Sarte ang nag-makeup. Wala namang nangyaring hassle sa pictorial, except sa umulan," lahad ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



Two weeks din daw ang naging preparation niya for the said pictorial.



"Pero siyempre, every day ko namang kini-keep in mind na hindi ako dapat magpabaya," dagdag niya. "Baka mamaya, biglang kailangan ng ganitong photo shoot. Parang sa Dyesebel, doon pressured din ako to be in a different shape naman. Like with that, I was only given one week to prepare, so hindi ko pa alam ang gagawin ko. Pero ang sa akin lang, continous lang yung always wanting to be in good shape," pahayag ng young actor, who will be reunited with Marimar co-star Marian Rivera in Dyesebel.

Outdoor ang naganap na pictorial for his Bench underwear. Alam namin kung gaano ka-apprehensive noon si Dingdong sa idea that he's just wearing underwear. Pero ngayon ba ay kumportable na rin siyang gawin ito?



"Oo," sagot niya. "I mean, actually mas okay raw ang pictorial sa outdoor kesa sa studio. Kasi ako, napi-feel ko na... Siyempre ako, I started as a dancer, then an actor. Pero never kong naisip na magiging modelo ko. Kasi alam naman natin na yung mga modelo, naglalakad na payat. So, sabi ko, never yata akong magiging model.



"But when I was posing and everything, para kong na-feel na I'm a legit model. Maybe because mas mamu-motivate ka kapag outdoor. Mas maganda ang pakiramdam sa outdoor."

NEW SEX OBJECT. Tinanong ng PEP kung handa na siya sa possibility na maging bagong sex object, lalo pa't nakabalandra na ang sexy billboards niya.



"You know, everything is subject to... Depends on their perception. Like what I said, people may like it or people may not. Basta ako, at the end of the day, I enjoy doing it and I did it for myself. And whoever share my sentiments, thank you. At least, may naka-appreciate."



Siya na ang bagong pantasya ng bayan?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW



"Kung karapat-dapat ba, bakit hindi?" natatawa niyang sabi. "It's always a privilege. But like what I said, hindi ko naman pupuwedeng ipagpilitan ‘yon. Nasa sa tao ‘yon kung gusto nila or hindi."

Hindi naman ikinakaila ni Dingdong na ang malapit nang matapos na phenomenal primetime series nila ni Marian na Marimar ang siyang nagbigay ng daan para lumabas ang sexy image niya.



"Totoo ‘yon," pagsang-ayon. "Like what I said, hindi lang naman sa physical, e. Noong Marimar kasi, noong panahon na nagpahinga ko, limang buwan ‘yon, parang ni-reinvent ko lahat. Pati approach ko sa acting, pati sa buhay nga, e, na magiging free flowing lahat. Anything goes, walang hang-ups, kung anuman. Kung ayaw, okay; kung gusto, okay. From there kasi, nandoon lahat, pati performance mo maaapektuhan. Pati pag-deliver ng character, lahat."

BENCH ENDORSERS. Maituturing na nasa Bench pool of celebrity endorsers na ang mga top actors and actresses ng both TV networks. Ano ang masasabi ni Dingdong dito?



"Yun nga, ang galing, e!" bulalas niya. "Bench is like the culminating spot of everybody. Dahil lahat kami nagkakasama rito. Dito, walang ista-istasyon. Lahat kami nagkakasama rito. Sa tingin ko, isa lang ang Bench na nakakapag-reunite sa aming lahat na artista."

Inamin ni Dingdong na pinangarap din niyang makasama ang the Bench endorsers tuwing makakakita siya ng mga billboard ng naturang brand along EDSA.



Samantala, hindi maiiwasang hingin din ng reaksiyon at opinyon si Dingdong sa obserbasyon ng marami na sa lahat ng mga artistang naging Bench endorsers, bukod-tangi lang yata siyang binigyan ng ganito kabonggang launching.



"Actually, yun nga, ngayon ko lang din nalaman," masaya niyang pahayag. "Yung taga-Bench nga rin, sabi sa akin, ‘1980 pa ako rito, pero ngayon lang nangyari ito.' Pero siguro, yung unveiling lang naman. Pero ang sa akin lang kasi, siguro launch, may kanya-kanyang diskarte. Others launched it in different ways. Ang sa akin, ganito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, para sa akin, it's different, regardless kung malaki siya or hindi. And first time lahat, e, first time ko siyang makikita. First time kong sumakay sa ganitong ferry sa lugar na ito. ‘Tapos, first time kong magkaroon ng unveiling na solo, that is really big. And first time kong makita in brief!" natatawa niyang sabi.

Dahil sa lahat ng ito, naa-anticipate na ba niya yung possibility na puwede siyang kainsekyuran ng ibang kasamahan niyang Bench endorsers din?



"Sa tingin ko, hindi dapat, e," sagot ni Dingdong. "Kasi gaya ng sabi ko, ang product is seasonal. So, ang endorser, naka-depend ‘yan sa product. Nagkataon lang na itong campaign na ito is the product I am endorsing. Next year, next season, magkakaroon ng bago ‘yan. Kung sinuman yung bago, I'll be there to support him, 100 percent."



Ayaw sabihin ni Dingdong kung gaano katagal ang duration ng contract na pinirmahan niya sa Bench. Although aniya, mahaba raw ito. Ayaw rin niyang sagutin ang biro ng mga press na siya na siguro ang highest paid endorser ng kumpanya.



"Hindi ko masasabi," sabi niya. "I believe in the company, they will always be fair. Kung anuman yung compensation, kung anuman yung sa iba, I think ganoon din. Actually, I didn't demand or anything. Ibinigay nila sa akin kung ano ang nararapat.



"Sabi ko nga, yung help na naibibigay nila sa akin, like sponsorship, yung mga damit na nakukuha ko na nagagamit ko sa Marimar, dati pa akong gumagamit. Pero hindi ko pa masabi, hindi ko pa naa-announce, ngayon lang talaga yung formal, effective today."

May nagtanong din kay Dingdong kung bago ba ang unveiling ng billboard, nakita na ng girlfriend na si Karylle ang mga shots niya?



"Oh yes, nakita niya...Kasi after ng shoot, may kinunan ako sa phone. E, sira yung laptop nila, so sabi ko, paki-check naman sa computer kung ano ang hitsura. Wala naman siyang sinabing hindi maganda. Sinabi niya na, ‘I think it's very tasteful. It's tastefully done and it's nice,'" pagtatapos ni Dingdong.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN