Robin Padilla on Ai-Ai delas Alas: "Siya na ang masasabi kong babaeng Dolphy."

IMAGE 0


"Natural din siyang umarte. Hindi siya nagpapatawa sa eksena, peromatatawa ka. Ang hirap yata ‘yong nagda-drama ka, pero nagpapatawa kapa rin. Para siyang si Dolphy, ang husay magpatawa kahit nagda-drama," says Robin Padilla about his leading lady, Ai-Ai delas Alas, in the movie Ikaw Pa Rin, Bongga Ka Boy!



As early as 10:00 a.m. yesterday, March 10, nasa press conference na si Robin Padilla para sa first team-up nila ni Ai-Ai delas Alas sa pelikula, ang Ikaw Pa Rin, Bongga Ka Boy! ng Viva Films.

Nauna nilang nakausap ni Ai-Ai ang TV crew ng iba't ibang talk shows bago ang entertainment press. Kailangan kasing umalis ni Robin nang maaga para sa taping niya ng Joaquin Bordado ng GMA-7. Nagpaalam lang daw siya na mali-late sa taping.

ROBIN ON AI-AI. Hindi naman first time na nagkita at nagkakilala nang personal nina Robin at Ai-Ai noong nagsimula ang shooting ng pelikula nila. Matagal na kasing kabarkada ni Ai-Ai ang kapatid ni Robin na si Rustom Padilla. Minsan na rin silang nagkasama sa concert ni Pops Fernandez sa States nang mag-guest doon sina Robin at Ai-Ai.

Pero ano nga ba ang pagkakilala ni Robin kay Ai-Ai ngayong mas madalas silang magkasama sa shooting?

"Ngayon ko lang nalamang may mabuti pala siyang puso," sabi ni Robin. "Dalagang Pilipina pala siya. Nasa isang tabi lang siya, hindi siya lumalapit sa akin. Sabi ko nga sa sarili ko noong una, mukhang kulang yata ang appeal ko sa kanya. Kaya ako na lang ang lumalapit sa kanya. Marami siyang kapuri-puring katangian. Wala siyang pinipiling tao sa set, lahat binabati niya, mabait siya talaga.

"Natural din siyang umarte. Hindi siya nagpapatawa sa eksena, pero matatawa ka. Ang hirap yata ‘yong nagda-drama ka, pero nagpapatawa ka pa rin. Para siyang si Dolphy, ang husay magpatawa kahit nagda-drama. Kaya siya na ang masasabi kong babaeng Dolphy. Ako naman, kengkoy din ako sa tunay na buhay, kaya okay kaming dalawa.

"Kaya itong pelikula namin," patuloy ni Robin, "parang pahinga ko mula sa Joaquin Bordado dahil masyadong seryoso ‘yon. Lahat ng klaseng pagod, nangyayari sa akin doon. Kung action na sa TV at action pa ang gagawin ko sa pelikula, baka mamatay na ako!" tawa niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya kapag nandito ako sa shooting, tawa lang ako nang tawa. Lahat kasi ng kasama ko rito—from Eugene Domingo, Nanette Inventor, John Lapus, at kahit ‘yong gumaganap kong anak dito, si Rap-Rap Salazar—kengkoy silang lahat."

ACTION MOVIE. Ang huling comedy film na ginawa ni Robin ay ang La Visa Loca ng Unitel Pictures, kung saan nagkamit siya ng ilang acting awards. Wala pa siyang ginagawang action movie dahil mapili raw siya talaga. Ang huling hard-action film na ginawa ni Binoe ay ang Astig noong 2004.

"May mga offers, pero sabi ko sa kanila, tatanggapin ko ‘yon kung makagagawa sila ng kahit man lang tulad ng mga Chinese action movies. Alam ko kasing hindi pa tayo kumpleto sa mga gamit sa action movies. At least sa TV, nakakaya nila ‘yong mga requirements para mapaganda ang isang action scene.

"Kaya sabi ko, kung hindi ako makagagawa ng magandang action movie na puwedeng ipagmalaki, magla-love story na lang ako. Like ‘yong Till I Met You namin ni Regine Velasquez at ito ngang Ikaw Pa Rin, Bongga Ka Boy! na ang tagal-tagal ko nang gustong maging direktor si Wenn Deramas. Tamang-tama naman ang pelikulang ito dahil family-oriented ang tema nito," pahayag ng action superstar.

NO TO NETWORK WAR. Natanong ng PEP (Philippine Entertainment Portal) kay Robin kung puwede ba siyang mag-promote ng movie nila ni Ai-Ai sa ABS-CBN kahit na identified siya ngayon sa GMA-7.

"Willing naman po ako na mag-promote dahil ayokong sumali diyan sa network war," sagot ng aktor. "Sabi ko nga po, dapat walang ganoon dahil kaming mga artista, gusto lang naming maghanapbuhay. Kaya nasa kanila ‘yon kung papayag sila.

"Wala naman pong masamang tinapay sa akin dahil maayos naman akong nagpaalam sa ABS-CBN bago ako lumipat sa GMA. Puwede rin naman akong tumanggap ng offer sa kanila [ABS-CBN] kung may maganda silang project na ibibigay sa akin," pagtatapos ni Robin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN