Jessy Mendiola-Luis Manzano engagement ring worth PHP 5M -- source

by Julie E. Bonifacio
Dec 12, 2020
Luis Manzano and Jessy Mendiola engagement.
According to the source, the rock on Luis Manzano and Jessy Mendiola's engagement ring is about 3 to 4 carats and is a level D color diamond. Very rare and very expensive.
PHOTO/S: @senorita_jessy Instagram

Dinagsa ng pagbati ang comments section ng Instagram accounts nina Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Ito'y matapos nilang magkahiwalay na i-post ang kanilang engagement kaninang umaga.

Agaw-pansin naman ang malaking diamond sa engagement ring na suot ni Jessy sa larawang kumalat sa social media.

Napag-alaman ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na last year pa ipinagawa ni Luis ang engagement ring niya for Jessy.

Ayon pa sa PEP.ph source, aabot ng limang milyong piso ang halaga ng engagement ring na dinisenyo mula sa Manila Diamond Studio.

Ibinigay rin ng aming source ang ilang specifications ng singsing.

Mahigit-kumulang daw sa 3 to 4 carats ang laki ng D color diamond na singsing.

Nasa 18 karats naman ang white gold band ng singsing with side diamonds na level D rin ang kulay ng diamante.

Ayon Diamond Color chart ng naturallycolored.com, ang D color diamond ay kabilang sa klase ng rare colorless diamonds. At dahil rare, natural na sobrang mahal nito.

Continue reading below ↓

Ito na marahil ang pinakamahal na engagement ring sa hanay ng celebrity marriage proposals.

Dagdag pa ng aming source, naganap ang marriage proposal ni Luis kay Jessy noon pang buwan ng Oktubre.

Kaya ang mga larawan nina Luis at Jessy na lumabas sa social media kunsaan ipinakitang nasa Amanpulo sila ay hindi para sa wedding proposal ni Luis.

Bagkus, ito ay ang prenup shoot na ng newly-engaged couple na nangyari noong December 4 and 5.

Sa Amanpulo nangyari ang prenup shoot, at December 3 nang dumating ang couple sa isla.

HOT STORIES

Isa ka bang showbiz fan na laging updated at naghahanap ng latest chika? Share what you know. Join here! https://bit.ly/PEPChika

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
According to the source, the rock on Luis Manzano and Jessy Mendiola's engagement ring is about 3 to 4 carats and is a level D color diamond. Very rare and very expensive.
PHOTO/S: @senorita_jessy Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results