Manny Pacquiao does not take attacks on his victory over Marquez personally

IMAGE 0


"Wala namangpersonalan yun. Naiintindihan ko naman sila. Siyempre, lahat tayo maykanya-kanyang comment o suggestion sa bawat isa," says Manny Pacquiao about hisdetractors who have been casting doubts on his victory over Juan Manuel Marquezlast March 16.



Excited na inalam namin mula mismo kay Manny Pacquiao kungano ang naramdaman niya sa kanyang pinakabagong pagwawagi sa boxingring.

As we all know, tinalo ni Manny si Juan Manuel Marquez lastMarch 16 sa kanilang pagsasagupa na humantong sa split decision para masungkitni Pacman ang World Boxing Council Super Featherweight Crown sa Events Centerng Mandalay Bay sa Las Vegas, U.S.A.

"Actually, nung hindi pa naia-announce, naniniwala ako natalagang 100 percent na panalo ako sa fight. Kasi ang alam ko, close fight yungibang round, ‘tapos ang nagpanalo ang iniisip ko, yung knockdown ko sa kanya,kasi automatic yun sa card, lahat ng judges automatic din yung scorecard.

"So yun yung magiging dahilan para manalo ako."

Maraming nagsabing itong nakaraang laban niya angpinakamahirap for Manny.

"Sa tingin ko, ito ang isa sa mga pinakamahirap atpinakamadugong laban sa boxing career ko. Kasama na run yung [Erik] Morales nafight. Basta masasabi kong isa sa mga pinkamatinding fight ko," sambit pa niPacman.

Pero ang obserbasyon ng iba, nang matapos ang laban nila,parang nabigla si Manny nang i-announce na siya ang winner.

Bakit ganun ang naging reaction niya?

"Hindi naman ako nabigla, talagang masaya lang ako dahilkumbaga sa ano, naisip ko na pangatlong [weight] division na itong pagigingchampion ko, so kumbaga sa ano, record na para sa akin na naipanalo ko yungfight na yun.

"At nung pagkatapos ng twelve rounds wala pang desisyon...yungkasing doktor ko, nakaupo siya sa likod ng mga judges, ‘tapos nakita niya yungresulta na panalo ako by majority decision, nagsenyas siya sa akin, so alam kona yung decision na panalo ako. So ang ginawa ko, pumunta ako sa corner,nagdasal ako ‘tapos pumunta ako sa kabila, kinamayan ko sila."

REMATCH. Definitely wala nang fight between Marquezand Pacquiao dahil malamang ang WBC lightweight champion na si David Diaz angsusunod niyang makakasagupa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero kung gusto nilang mag-request [ng rematch withMarquez], walang problema. Ako naman, any time, depende naman ‘yan sanegotiation sa promoter.

"Ako, boxer lang ako. Ginagawa ko lang yung tungkulin ko saboxing ring," sabi pa ni Manny.

Pero kung si Manny ang papipiliin ng susunod na makakalaban,sino ang gusto niya; si Marquez ulit, o si Diaz?

"Sa akin, ‘tulad ng sinabi ko, kahit sino naman ang kalabanko, puwede ako. Pero kung sa akin, siguro mas mabuti siguro mag-Diaz muna kesamag-Marquez ulit.

"Kasi kung Marquez ulit, masyadong personalan yung laban na‘yun. Parang may alitan na kaming dalawa nun. Pero wala namang personalan yungtrabaho ko.

"Kumbaga I'm just doing my job in the ring, na lagi kongmabigyan ng kasiyahan ang mga tao, ang mga fans.

"Sa akin walang personalan yun. Wala akong tinatanim na samang loob, kahit nung first fight namin na nagtabla, imbes na panalo ako. Okeylang, kasama sa game 'yan."

MARQUEZ OR MORALES? Sa laban niya between Morales atMarquez, kanino siya mas nahirapan?

"Parehong mahirap. Dahil yung fight namin ni Moralestalagang bugbugan, ilang buwan akong nag-training nun ‘tapos pagdating ngfight, bugbugan.

"Itong Marquez bugbugan din, ilang buwan din akongnag-training ‘tapos bugbugan din. So parehong mahirap."

MESSAGE TO FANS AND DETRACTORS. Ano ang mensahe niManny sa mga supporters niya?

"Sa akin po, maraming salamat sa lahat ng tumulong sa akin.Hindi ko po iniisip yung narating ko ngayon. Hindi ko po nilalagay sa isip ko‘yan. Hindi ko iniisip na ako ang solo na Asian na nakakuha ng apat ng korona.Ayoko pong ilagay ‘yan [sa ulo ko] dahil ‘pag nilagay ko ‘yan sa isip ko, ‘yanang makakapagpabago sa pag-uugali ko.

"Ayoko po kasi yung maging mayabang na tao, kahit ano manang marating. Nakita ninyo naman po hindi ako nagsasalita ng kung ano man. Yungkayabangan, pagdating sa mga interview, kahit na nanalo ako, gusto kong ipakitasa lahat na kahit anong marating natin, kailangan marunong pa rin tayongmagpakumbaba. Hindi maging mayabang."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano naman ang mensahe niya sa mga boxing analyst natumutuligsa sa pagkapanalo niya?

"Wala namang personalan yun. Naiintindihan ko naman sila.Siyempre lahat tayo may kanya-kanyang comment o suggestion sa bawat isa, hindinatin maiiaano ‘yan.

"Ang sa akin lang naman ay suggestion na kung tama ba omali, ‘yun lang. Hindi ako nagtatanim ng galit o ano man. At least sinasabilang natin yung totoo."

RETIREMENT. After Diaz, retirement na ba ang kasunod?

"Siguro, masyadong maaga pa para pag-usapan ‘yungpagre-retire ko. Actually, siyempre dinadasal ko din sa Panginoon na...alam mopinaghandaan ko rin ‘yan. Darating yung araw na magsasabit na ako ng gloves ko,magre-retire na ako. ‘Tsaka ia-announce ko naman sa inyo ‘yan, e.

"Siguro habang malakas pa ako, lalaban pa ako, [habang] nasaboxing pa ‘ko. Pero ‘pag naramdaman ko na medyo humihina na yung katawan ko,siguro it's time na mag-retire na, magsabit na ng gloves.

"Siguro mga ilang taon pa ang bubunuin natin," pag-iisip pani Manny.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN