FIRST READ ON PEP: Rufa Mae Quinto's family wants her to end up with Bobby Lopez

IMAGE 0


"Lahat sila nagsasabi sa akin, na sana siya na yunglast. Ayoko nang sabihing sana dahil lahat ng mga nakarelasyon kong sinabihanko ng ganun, nauuwi sa wala. Kaya dapat siguro sabihin ko, ‘Oo, siya nanga!'" says sexy comedienne Rufa Mae Quinto about rumored boyfriend Bobby Lopez.



Mulasakanilang Bubble Gang taping sa Camarines Sur ay agad na pumunta ang sexycomedienne na si Rufa Mae Quinto sa solo presscon na inihanda para sa kanya niMother Lily Monteverde kaninang umaga, April 2. Itoay kaugnay sa nalalapit na showing ng movie nilang Manay Po 2:Overload.

"Nag-request talaga ako kay Mother dahil sa hectic ngschedule ng lola ninyo. Baka naman sabihin ng mga co-stars ko na hindi akonakakatulong sa promo ng movie," umpisa ni Rufa Mae.

"Overloaded na talaga" paglalarawan ng sexycomedienne sa dami ng mga projects na nagdadagsaan sa kanya ngayon. Halos maikotna nga raw niya ang buong bansa dahil sa promo nila ng Talk ‘N Text, plus yungregular schedules niya sa TV at sa movie.

RUFA MAE'S SPECIAL FRIEND. Sa katunayan, after ng nasabing presscon, lilipad agad siRufa Mae papuntang Hong Kong to meet up with her current special friend,Mexican-American Bobby Lopez.

"Hindi kasi ako natuloy noong Holy Week dahil naipit saItalian embassy yung passport ko," paliwanag ni Rufa Mae. "E, nakakadiyahe namanna siya [Bobby] itong laging nagpupunta dito [sa Pilipinas] on a weekend paramakipag-bonding sa akin. Saturday na nga lang kumbaga ang pahinga ko, and yet,nakukuha pa minsan ng mga raket. Ang ending tuloy, siya na lang itongnakiki-join. Mabuti na lang at nae-enjoy niya ang mga ganun."

Idinagdag pa niyang nae-enjoy rin kasi ni Bobby ang mga"green sceneries" o ang mga tanawin sa probinsiya.

Sinabi rin ni Rufa Mae na masyado na siyang napapalapit kayBobby. Hindi pa raw pormal ang kanilang relasyon, pero mukhang si Bobby na nga ang gusto ng pamilya niya.

"Lahat sila nagsasabi sa akin, na sana siya na yunglast. Ayoko nang sabihing sana dahil lahat ng mga nakarelasyon kong sinabihanko ng ganun, nauuwi sa wala. Kaya dapat siguro sabihin ko, ‘Oo, siya nanga!'" ang pabaklang sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

FEUD WITH JESSA. Sa gitna ng pagkukuwento ni Rufa Mae, hindinaiwasang pag-usapan pa rin ang isyu sa kanila ni Jessa Zaragoza.

"Let's be positive na lang. Nasabi ko naman na angdapat kong sabihin. Basta ang alam ko, malinis ang konsensiya ko at alam kongtotoo lang ang mga ipinahayag ko. Hayaan na natin sila," pakiusap niya.

If ever man daw na magkaroon sila ng pagkakataon para mulisilang mag-usap, tatanggihan daw ito ni Rufa Mae.

"Huwag na lang. Ginawa ko naman na dati ‘yan, pero ano'ngnangyari? But who knows? Sasagutin natin ‘yan kapag nandiyan na," sabi niya.

Nilinaw rin ni Rufa Mae ang napabalitang nagtampo sa kanyasi Ogie Alcasid dahil sa isyu nila ni Jeesa.

"Naku, yun pa!" bulalas niya. "Hindi totoo.Nagka-miss-an lang kami dahil nga pare-pareho kaming busy. Basta ang ipinayonila sa akin nina Bitoy [Michael V], as mush as possible, tigilan ko na langdaw ang pagsasalita pa. Kaya ganun, matapos kong ipagtanggol at sabihin angpara sa sarili ko, deadma na," hirit pa ng sexy comedienne.

Sa katunayan nga raw ay nagkaroon lang sila ng bondingmoment ng Bubble Gang group nila last Monday, March 31, kasabay ng blessing ngbagong bahay si Michael V.

"Grabe, mula ala-una ng hapon hanggang alas-kuwatrokami ng madaling-araw the next day nag-bonding. Ganun namin na-miss ang isa'tisa kahit pa nga nagwu-workshop kami for Bubble Gang. Pati si Ara [Mina, theirformer co-star] naki-join sa amin," kuwento ni Rufa Mae.

Masaya raw sila sa naging career move ni Ara. Masaya rin dawang dati nilang ka-tropa sa bagong tahanan nito na ABS-CBN. Si Ara pa nga rawang nagbibigay updates sa kanila sa mga bagong friends niya sa Kapamilyanetwork.

BOUND FOR EUROPE. Bukod sa upcoming Manay Po 2, nakatakdaring lumipad papuntang Europe si Rufa Mae para naman sa pelikulang I.T.A.L.Y. ng GMA Films,kasama sina Jolina Magdangal, Dennis Trillo, Eugene Domingo, Mark Herras, atRhian Ramos. Pagbalik niya sa Hong Kong this Friday, April 4, ay agad silanglilipad for Europe at sampung araw rin silang mawawala.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Siyempre, matagal din yun kaya mami-miss ko ang SOP atmarami pang iba. Pero ganyan talaga, habang may raket, go nang go," saadpa nito.

Naitanong ng PEP kung hindi ba worried si Bobby namakakasama ni Rufa Mae sina Dennis at Mark, na parehong na-involved sa kanya,lalo pa't abroad ang location ng shooting nila?

"Yes, medyo nga," pag-amin ni Rufa Mae. "Pero in-assureko sa kanya na lahat kami ay mga good friends na lang ngayon. Normal namansiguro yung ganung feeling, lalo pa't hindi naman siya taga-showbiz. He trustsme naman kaya't hindi rin ako dapat na mag-worry."

Mukhang hindi magpapahinga ngayong Year of the Rat si RufaMae. After ng Manay Po 2 at I.T.A.L.Y., nakatakda rin siyang gumawa ulit ngpelikula sa OctoArts at Viva Films. Mayroon pa din siyang dalawang pelikula nanaka-linya sa Regal Films.

"Yung OctoArts movie ay parang project with WillieRevillame ang dinig ko. Magkakausap kami nina Nadia at Tanya [Montenegro] lasttime at isa nga yun sa napag-usapan namin. Gusto din yata ni Pappi [Willie] namagkaroon kami ng project. ‘Tapos may Viva Films nga na Status: Single angtitle, plus yung Sweet Papa sa Regal. Kung hindi pa naman maganda at positiveblessings ‘yan, naku, hindi na ako siguro magbabait!" ang natatawanghirit ni Rufa Mae.

WILLIE & FG. Hindi ba siya natatakot na ma-involve o ma-link naman saisang gaya ni Willie Revillame?

"Naku, sanay na ako sa mga kung sinu-sinong lalakingna-link sa akin," sabi ni Rufa Mae. "Wala namang katotohanan ang karamihan sakanila. Kung meron man, e, siguro dahil may physical attraction lang. Pero angpara seryosohin, naku wala yun. Sa dami ng mga ini-link sa akin na kesyo lalakiko daw o ano, may dapat pa ba akong ikatakot?" balik-tanong niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Once and for all ay mulingnilinaw ni Rufa Mae ang tsismis tungkol sa pagkakasabay nila sa eroplano niFirst Gentleman Mike Arroyo papuntang Hong Kong.

"Magkakilala naman talaga kami. Kinumusta niya sa akinsi Mikey, kung nagkakausap pa raw kami. Hanggang ganun lang yun. Kilala konaman sila pati na si PGMA [President Gloria Macapagal Arroyo]. Hayaan na langlagyan ng malisya ng iba ang mga ganun. Basta ako, walang ginagawangmasama," giit ng sexy comedienne.

DARLING OF THE PRESS. Sa dinami-dami ng napagkuwentuhan at ibinahagi ni Rufa Mae,halos hindi na nito namalayan ang oras. Aliw na aliw raw siya sapakikipag-usap sa press dahil napakalaking bagay raw ang nagagawa nito sakanya.

"Kung wala kayo, wala rin ang ganitong blessings saakin. Imagine, pati mga batang maliliit sa mga pinupuntahan namin, nakikilalaako dahil sa inyo. ‘Tsaka, sobra akong natutuwa kapag kaharap ko kayo dahil, infairness, kilala n'yo naman ako. Bakit naman ako gigimik pa o magsisinungalingo gagawa ng intriga para lang pag-usapan? Eventually naman, nalalaman ninyokaya't masaya na talagang maging positive tayong lahat," pahayag niya.

Sa darating na May 28 ay 29 years old na si Rufa Mae.Gusto raw talaga niyang si Bobby na ang huling lalaki na kanyang makakasamakaya't nakiusap rin ito sa media na maging mabait naman sa naturangbusinessman.

Ipinagmalaki pa nitong magaling at marunong na rin siyangkumilatis ng bading dahil sa mga naging alaga niyang mga bagets na bading nakanyang tinulungan para magkatrabaho, makapag-aral, atbp.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW
"Pero please, please ha, uulitin ko muli na wala itongkinalaman sa mga naging past boyfriends ko, lalo na kay Erik [Santos].Harap-harapan kong sasabihin sa inyo na lalaking-lalaki siya at ipinagmamalakisiya ng mga alaga ko. It's just that napag-uusapan natin ang mga bading isyu atalam kong may ilan sa inyo marahil ang nagkukonek ng isyu kay Erik. That's notfair dahil mahal ko yung tao at magkaibigang-magkaibigan na kami ngayon," pagtataposni Rufa Mae.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN